Chapter 2

3 0 0
                                    

                     Alexandra's POV

Pagkatapos naming kumain ay naisipan naman naming pumunta sa Bunker dahil bibili daw si kuya ng bagong sapatos. nasaloob na kami ng shop kaya naman nag simula na itong pumili ng sapatos.

Nakasunod lang naman kami ni Ethan sakanya. Nagulat nalang kami nang bigla itong lumingon saamin.

"Pili kana din" Saad nito. Kunot noo akong napatingin sakanya

"Ako? Pero puro panlalaki lang ang nandito" sagut ko naman na ikanatawa nito.

"Hindi syempre si Ethan" natatawa pa nitong saad.

"Di mo naman sinabi agad" napapahiya kong sambit.

At nagsipili na nga sila ng kani-kanilang sapatos. Sinabihan naman nila akong mag hintay sa labas habang binabayaran ang kanilang mga pinabili.

***

Nasa may arcade kami ngayon dahil dito nag yaya si Ethan. Masaya daw kasi mag laro ng mga arcade games dito.

"Alexa pumili ka sa mga maliliit na stuff toy nayan, yun ang kukuhanin ko" nakangiting tugon ni Ethan habang nasa harap namin ang isang claw machine.

"Mmm... Yung kulay blue na Teddy Bear"excited naman na anas ko.

"Sige kung yun ang gusto mo" ngiting saad nito.

Nagsimula naman na itong nag hulog ng token sa machine saka nag simulang galawin ito, unang subok palang ay nakuha na nya ito.

"Wow ang galing mo naman" gulat kong saad.

"Hanga kana agad eh wala payan sa kalingkingan ko" yabang nyang saad.

Napailing naman ako sa kayabangan nya. Napakunot naman ang kanyang noo nang masaksihan nya ang pag iling ko.

"Wala kang bilib sa isang Ethan?" Muli naman akong umiling. "Pwes papabilibin kita" nag yayabang na agad nitong saad.

Muli nyang hinarap ang claw machine  at naghulog ng token. "Watch and learn." Bulong pa nito sapat na para marinig ko.

Tahimik ko lang naman itong pinanood habang unti-unti na niyang nauubos lahat ng kulay blue-ng Teddy bear.

"Last one." Nakangisi na niyang bulong saka dinahan-dahan pa ang pagpindot sa mga button. "Ten tenenennn... Shoot!" Sigaw niya dahilan para mapatingin ang mga kalapit namin.

"Wow mommy ang galing niyaaaa!" Hangang sigaw nung bata.

Nakangiti ko naman itong tiningnan, "gusto mo ba sayo na isa sa mga toy na nakuha ni kuya?" Nakangiting tanong ko.

"Opo opo!" Masaya naman nitong sagot kaya agad kong ibinigay sa kanya ang isang blue na Teddy bear. "Salamat po!!"

"So ipinapamigay mo nalang ang mga premyong nakuha ng isang magaling na Ethan?" Nagyayabang na saad niya.

"Wala naman kasing aangkin niyan, sa sobrang dami niyan ay baka magsawa ka lang din." Saad ko naman.

"Remembrance yun, dahil sa kagalingan ko." Pagyayabang pa rin nito.

My Time Has Stop (On-going)Where stories live. Discover now