"DIFFERENT DIMENSION"

2 0 0
                                    

"Sino kaya ang mabibigyan ng pagkakataon para mapunta sa ibang dimension?"
tanong ni Luciel na nasa tabi ko.

"Sana ako nalang. Nakakasawa na kasi mga itsura ng mga lalaki dito"
sulpot naman ni Dain sa tabi ko, natawa naman ako sa sinabi niya.

"Masyado kang assumera"
kontra ni Zoe sakanya, napairap naman si Dain.

"Opinion ko lang naman eh, tsaka tignan mo sila. Totoo naman diba? "
sabi ni Dain na nagturo turo pa, nasapo naman ni Zoe ang noo niya.

"Kyla?"
tawag ni Sir Emmanuel sakin. Natigilan ako, at humarap sa kinaroroonan ni Sir Emmanuel.

"B-bakit po Sir?"
tanong ko, alam ko naman kung bakit pero gusto kong masiguro ang nalalaman ko.

"Ikaw ang napili para makapunta sa kabilang dimension."
sagot ni Sir Emmanuel sakin. Parang natigil ang pagtibok ng puso ko. Kahit kailan di ko ginusto ang mapili.

"A-Ako po sir? "
paninigurado ko ulit. Baka kasi... baka kasi~

"Oo ikaw nga, sige na bilisan mo na"
mahinahong sabi niya sakin.

"O-opo Sir"
pilit kong sagot. Maglalakad na sana ako paharap nang...

"Ingat ka, Kyla "
saad ni Zoe, humarap ako sakanya. Halatang nalulungkot siya pero pinipigil niya ang sarili niya. Nag iwas siya ng tingin.

"Sana ako nalang, sige ingat ka Kyla "
sabi naman ni Dain na hawak hawak ang kamay ko. Malungkot din siya pero pilit na ngumingiti.

"A-Ah s-salamat "
pilit ngiting sabi ko sakanila. hahakbang na sana ako paharap pero... may biglang humila sakin at niyakap ako ng mahigpit na parang wala nang bukas.

"Luciel? di ako makahinga"
sabi ko at pinakawalan naman niya ako, hawak niya ang dalawang balikat ko. Nakatingin ako sa mga mata niya. Lungkot, ang nakikita ko dito. Ngumiti ako sakanya.

"Luciel, mag-ingat ka palagi. I love~"
nagulat ako sa ginawa niya, bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay hinawakan niya ang parte ng magkabilang panga ko at hinalikan ako sa noo, hinawakan ko ang kamay niya.

"I love you more, Kyla"
sabi ni Luciel sakin, na di parin naghihiwalay.

"I love you more too, Luciel"
sabi ko at nginitian siya, ngumiti din siya sakin. May tumikhim.

"Mukhang nakalimutan mong may ibang tao dito bukod satin"
bulong ko, humiwalay siya sakin.

"Mag iingat ka"
sabi niya sakin, tumango ako sakanya. Naglakad nako paharap.

"Ito na yung ticket mo, sige na bilisan mo na. Maglakad kana papasok sa blackboard "
sabi ni Sir Emmanuel at kinuha ang ticket na inaabot niya sakin.

Oo kailangan nang ticket para makapunta sa kabilang dimension at ang nagsisilbing portal ay ang blackboard, oo alam ko nakakatawa pero yun yung totoo. Pag walang ticket di ka makakadaan sa portal.

Naglakad nako palapit sa blackboard, sa huling pagkakataon tinignan ko silang lahat. Pinilit na ngumiti sa mga kaibigan at boyfriend ko. Ngumiti sila sakin at tumango. Dumaan na nga ako sa portal.

Other dimension...

Pagbungad ko palang sa kabilang dimension ay nakita ko na lahat nang estudyante na  nakatingin sakin.

"So class may bago kayong kaklase, from other dimension"
paliwanag naman ng Sir sa mga students.

"Dito kana pala?! Sige magpakilala kana. "
gulat na sabi ng Sir sakin, na kakapansin lang ako.

My one shot stories Where stories live. Discover now