" PLAY WITH ME "

2 0 0
                                    

It's already 5:02 p.m.

Pauwi nako galing school. Mag isa akong naglalakad at halos wala nakong makitang tao o estudyante sa paligid.

I'm Ken a 16 yrs old high school student.

Ive heard a rumor about an stray child na gustong magpasama pauwi sa sementeryo kung saan siya nakatira. And if I'm not mistaken dito siya nagpapakita kung asan ako naglalakad ngayon.

"Owww... Ang lamig, ang aga naman yatang lumubog ng araw ngayon?"
I said to my self, at niyakap ang sarili ko. Nagderetso ako sa paglalakad.

"Hey..."
I heard, huminto ako at napalinga linga. Hinanap ko ang may ari ng boses na yun. Pero wala akong nakita ni isang tao sa paligid.

"I thought I've heard something?"
nasapo ko nalang ang ulo ko, at nagtuloy sa paglakad. Ilang hakbang palang ay...

"Hey"
narinig ko ulit, huminto ako at hinanap ulit ang boses.

"What the?!"
sigaw ko pa nang pagharap ko ay nakita ko ang isang bata na nasa harapan ko na. I can't see hear face clearly kasi medyo madilim na.

"Hey, where are you going?"
nakangiting tanong ng bata sakin.

Itong batang babaeng to...

"A-ah I'm going home"
sabi ko. I've heard na dapat hindi siya iniignore kapag kinausap ka niya, at pagsisisihan ko yun pag di ko siya pinansin.

"Talaga? "
saad nito na nawala ang ngiti sa labi niya.

"I'm lost, pwedi mo ba akong samahan sa sementeryo?"
she asked at muling sumilay ang ngiti sa labi niya.

"S-sige"
utal kong sang ayon, maybe something will happen to me if I said no.

"Really?! "
sigaw nito at tuluyang ngumiti ng malaki.

"Oo"
ngumiti naman ako ng pilit sakanya.

Nagsimula na kaming maglakad.

"Sementeryo? Diba nasa likod yun nung bundok na malapit dito?"
paninigurado kong tanong sakanya.

"Yep! Yung malapit sa sirang gusali, doon ako nakatira"
sabi niya nang hindi ako tinitignan .

Kinabahan ako... Tama ba itong ginawa ko?...

"S-sige, basta sumunod ka lang sakin. ok? "
buong lakas kong sinabi dito.

"Ok! Salamat, kuya. "
sabi niya at nginitian ako. Ngumiti na din lang ako sakanya.

Tuloy lang kami sa paglalakad. All street lights on the road, are lighten up.

"Kuya?"
tawag niya sakin.

"B-bakit?"
tanong ko nang tumigil siya.

"Saan tayo dadaan? Sa kaliwa o sa kanan?"
tanong niya sakin, while pointing the left and right side of the fork in the road.

"Right"
sabi nito

"Ano? "
tanong ko naman dito.

"Sa right side tayo dadaan"
sabi nito at tinuro ang kanang bahagi ng fork, madilim ang parting yun. Walang kahit isang street light.

"Pero...mas malapit sa left side"
sabi ko, at napahawak ako sa ulo ko ng naka kunot noo.

"Right, sa tingin ko mas malapit pag dito tayo dumaan."
pilit nito sakin, at nakangiti parin.

Napaisip naman ako.

"I'm sorry. Alam ko gusto mong sa right side, pero mas mabilis tayong makakarating sainyo pag sa left side tayo. "
paliwanag ko sakanya, di naman siya umimik.

"So let's go left"
aya ko dito at maglalakad na sana pero...

"Really? sigurado ka bang sa left tayo? "
tanong nito sakin.

Humarap ako sakanya, nakita ko siyang nakatingala sakin at umaktong nag iisip. Diko naman siya nasagot agad.

"mmmmm..."
sabi pa nito at humawak sa baba niya.

"Mas mabilis sa left, huh?"
sabi nito at nawala ang ngiti sa labi nito.

Pinagpapawisan ako sa batang to.

"Yeah"
tanging sagot ko.

"Ok. let's go that way"
at bumalik ulit ang ngiti niya.

"Thanks... I'm sorry "
saad ko at naglakad na nga kami.

"Hindi pa?"
tanong nito sakin, tumingin naman ako sakanya.

"What? "
litong tanong ko dito.

"Mas malapit dito, diba? Hindi pa?"
tanong ulit nito sakin, at medyo naunang naglakad.

"Hindi pa, pero ilang hakbang nalang"
sagot ko at sumunod dito.

"I'm bored. I'm bored. I'm bored. I'm bored. I'm bored. I'm bored."
dinig kong sunod sunod na maktol nito.

"Alam ko na. Kuya maglaro tayo!"
yaya nito, at humarap sakin.

Napahinto ako't nag isip.

"Sige, ano kayang laro? Ok, let's play tag"
yun lang ang unang pumasok sa utak ko.

Napaisip naman siya.

"Ok! Ako na ang taya, tumakbo kana kuya."
sinabi niya at tumigil sa paglalakad.

"What? Ako nalang ang taya kung gusto mo"
sabi ko dito.

"Nahhhhh!"
sabi nito habang umiiling.

" Itatag kita kuya, kaya tumakbo kana. Ngayon na."
sabi nito nang nakangiti.

"Ahhhh... O-ok "
pilit na sang ayon ko. Tumakbo nga ako.

"HAHAHAHAHA, magbibilang ako hanggang ten at huhulihin na kita. Ok heto na, magbibilang na ako"
kinabahan ako sa sinabi niyang iyon.

"ONE, TWO... "
malakas na bilang nito, mas binilisan ko naman ang pagtakbo.

Perfect timing! Maaaring masundan niya ako pero, pweding mauuna nako sa sementeryo. Habol hininga akong nasulyapan ang sementeryo.

"Phew"
nasambit ko nalang at tuluyang nakarating dito.

"Nahuli na kita, kuya! "
sambit ng bata na nasa likod ko na.

"What! Oh? Pero andito na tayo. "
sagot ko, kinakabahan na ako sa batang to.

"Ang saya nun! Talo ka kuya! Nanalo ako! Kaya ready kana ba kuya? Will you do me a favor?"
sabi nito nang nakangisi. Mas lalo akong kinabahan.

"A-ano? "
diko na maayos ang pagsasalita ko sa sobrang kaba.

"Gusto pa kitang makalaro ng maraming beses! "
sabi nito at nilabas ang kutsilyo. Lumaki pa ang mata ko nang makita ito. Gusto kong tumakbo pero di ako makagalaw, tuloy lang siya sa paglapit at...

Sinaksak ako sa parte ng dibdib ko. Tinignan ko siya, natumba ako at napahiga sa lupa.

"Ngayon mas makakalaro na kita ng mas matagal"
sabi nito, tumawa ng malakas.

My one shot stories Where stories live. Discover now