—•—
"ASH, bat ka nandyan?". Tanong sakin ni Eris. "U-mihi lang ako", sagot ko nalang. Nagtaka siguro sila sa sagot ko. "Eh,may malapit na cr dun sa court,lumayo kapa" sabi ni Johann habang flinashlight ang kapaligiran. "Ba't dito ka jumingle?" Tanong ni Eris. "Wa-wala lang" sabi ko, napakamot nalang ng ulo si Eris sa sagot ko."Uhm, may iba pa bang daan dito sa madilim na lugar?" Tanong ko sa kanilang tatlo. "Wala na, isa tong bodega na bahay". Sagot ni Johhan ,huh? Pano nakalabas dito si Hensley, kung isa lang pala ang pintuan papasok at palabas dito? Flinashlight rin ni Eris ang kapaligiran, nakita niyang madami ngang nakatambak na mga gamit dito. "Atsaka, iisa lang daan para makalabas o makapasok dito", sabi ni Pierce. "Bakit?, may kasama kabang iba?" Tanong ni Johann.
"Si Hensley p-pumasok siya dito, kaya sinundan ko sya", pagaamin ko sa kanila, habang tumingin sa kanila. Bigla nalang tumawa si Johann.
"Si Hensley?, nagpapatawa kaba? Ash, takot yun sa madilim, kaya imposibleng pumunta siya dito", sabi ni Johann. "P-pero—" diko na tapos ang sasabihin ko ng biglang sumingit si Johann.
"Hay nako Ash, siguro namalikmata kalang" sabi ni Johann.
"Oo nga Ash, mabuti pang umalis na tayo dito, dahil gaganapin na ang Ms. Malobago 20XX", sabi ni Eris. Kaya umalis na kami dun sa bodega. Di parin ako naniwala sa sinabi ni Johann, na takot si Hensley sa dilim. Eh, nakita ko nga sya mismo na pumasok sya sa bodega. Kakausapin ko sana sya para yayain na sumayaw para di sya loner. Pero ba't kaya siya umalis bigla? Siguro, nahihiya o natatakot yun sakin.
"Oy, bat nakatulala ka?", tanong ni Eris habang naka akbay sakin.
Hindi ko namalayan na andito na kami sa court, at isa isang naglalabasan ang mga kandidata. "Wala", sagot ko nalang. Nakatayo kami, habang nanonood ng contest. Hindi na kami pwede makaupo,dahil puno na. Kaya tumayo nalang kami habang tinitingnan ang mga kandidata.
"Go!, bebe ko!", sigaw ni Eris. "Sino yung bebe mo dyan?" Tanong ni Johann. "Silang lahat", sagot ni Eris. Napailing nalang si Johann sa sagot ni Jasper "Feeling pogi ang gago", sabi ni Johann. Ang huling lumabas ay si Angela Mcqueen. Kaya laking gulat nalang ng makita ni Pierce si Angela "Tangina, bat kasali si Angela!", sabi ni Pierce.
"Syempre, maganda sya kaya dapat syang sumali" sabi ni Johann. "Akala ko ba pangbeauty with brain tong contest nato?", tanong ni Pierce. "Oo, pang beauty with brain nga to, bakit?" Tanong ni Johann. "Eh, diba wala siyang brain kaya hindi siya pwede dyan!", sagot ni Pierce. "Grabe kana man kay Angela, may galit ka ba kay Angela?", tanong ni Eris. "Malaki talaga ang galit ko sa bobo na yan!", sagot ni Pierce.
"Bobo?, BOBOo nang buhay mo?", pang aasar na sabi ni Eris. Binatukan ni Eris si Pierce, "Manahimik ka nga dyan!", napipikon na sabi ni Pierce. "Galit kana nyan?", pang aasar ulit ni Eris.
"Wag nga kayong maingay, dahil magsisimula na ang contest!", sabi ni Johann. Nagsimula na ang contest, kaya nanahimik na ang mga tao. Hindi maiwasan ang sigawan dahil sa galing ng mga kandidata, at nakakamangha ang kanilang suot dahil gawa ito sa recycle. Inannounce na kung sino ang nanalo, ang nanalo ay si Laviña Aphrodithe, karapat dapat lang si Laviña ang mananalo. Dahil maganda ang kanyang sagot, at maganda rin ito.
"Ang galing galing naman ng love ko!", sabi ni Eris. "Wow ha, kanina bebe ko ngayon love naman", sabi ni Johann kay Eris. "Ganyan talaga pag gwapo", pagmamayabang na sabi ni Jasper.
"Gwapo ka ba?", pangbabara na sabi ni Pierce. "Oo, sabi ng mama ko", pagmamalaking sagot ni Eris. "Babe!", sigaw ng babae papunta samin. Familiar sakin ang babae. "Sino yan?", tanong ko. "Siya si Haisley Eilish, kasali yan kanina sa contest" sagot ni Eris sakin. "Eh?, sino yung tinatawag nyang babe?", tanong ko ulit. "Ako," tipid sagot ni Pierce. Lumapit agad si Haisley kay Pierce, at agad nitong pinulupot ang kanyang kamay sa braso ni Pierce. "Babe, 2nd place lang ako", pagsusumbong na sabi ni Haisley at sinandal ang kanyang ulo sa balikat ni Pierce. "It's okay babe, better luck next time na lang ", sabi ni Pierce at hinalikan ang noo ni Haisley.
BINABASA MO ANG
Killing Is My Fantasy
Mystery / ThrillerThis is all about of the girl loves killing.