—•—

NAKITA ko si mama na kasama ang mga kaibigan ko sa hapagkainan. "Alam mo tita nang gigisingin ko na sana si Ash, bigla nalang siya nagsasalita magisa. Kala mo may kausap", sabi ni Eris habang kumakain. "Anong ginawa mo?" Tanong ni mama habang kumakain rin. "Sorry tita ah, kinausap ko siya habang natutulog siya, at siya naman sinasagot niya rin ang mga sinasabi ko", sabi ni Eris. Napahagikhik si mama sa sinabi ni Eris tungkol sakin. So ibig sabihin panaginip lang pala yun? Hayst, salamat naman. Umupo nalang ako sa bakanteng upuan. "Buti naman gumising kana", sabi ni Mama sakin. Kumuha ako nang pagkain at nagsimula ng kumain. Tiningnan ako ni Pierce habang kumakain sya, naiilang ako sa mga titig niya, para bang may sinabi akong hindi kapaniwala. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy nalang kumain."Ano bang pinaginipan mo?" Tanong ni Pierce, napatingin ako kay Pierce, napatingin rin ako kila mama. Lahat sila naghihintay sa sagot ko. Napaisip ako sa katanungan niya, Ano nga ulit ang napanaginipan ko? Diko na matandaan. "Nakalimutan kona" sagot ko. "Hala, kanina lang naman yun ah, ang bilis muna mang makalimot" sabi ni Eris. Hindi ko nalang pinansin si Eris, nagpatuloy nalang ako kumain.

Pagkatapos kung kumain, ay pumunta nako sa banyo upang maligo. Nang natapos nakong naligo, pumasok nako sa kwarto at naghanap ng masusuotin. Naayos kona ang gamit ko, kaya lumabas nako ng kwarto ko at bumaba na. Nakita ko sila Johann na kinakausap si Mama. Napansin nila ako, kaya tumigil sila sa paguusap. "Makinig kayo sa guro nyo, wag kayong pasaway" pangangaral ni mama samin. "Opo" sabay na sagot namin. "O siya, umalis na kayo. Baka malate pa kayo sa klase" sabi ni Mama. Nagpaalam muna kami kay mama, bago kami umalis.

"Oy, Ash okay kalang? Inaantok kapa?" Tanong sakin ni Johann, habang hawak ang balikat ko, nahahalata siguro nilang wala ako sa mood na nakipagusap.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. "Okay lang ako at oo inaantok pako" sagot ko. "Kala ko galit ka sakin" sabi ni Eris sakin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ba't naman ako magagalit?"tanong ko. Napakamot ng ulo si Eris "Eh, diba na isturbo ko yung tulog mo?" Tanong ni Eris. "Haha yun lang? Ang babaw naman para magalit ako sayo", sagot ko. "Mabuti pang bilisan na nating lumakad baka malate pa tayo" saad ko.

Nakarating na kami sa paaralan, humiwalay na si Eris samin at pumunta na sa kaniyang room. Nang makarating na kami, umupo na kami sa aming upuan at hinihintay ang aming guro. Hindi nagtagal dumating na rin ang subject teacher namin sa science at nagsimula ng magdiscuss.

"Ash, tapos na ba kayo sa commerical?" Tanong ni Pierce.

"Hindi pa" tipid kung sagot habang nakatingin sa guro namin. Hindi na nagtanong pa si Pierce at nakinig nalang sa guro. Nang natapos na ang aming klase, agad rin nag siuwian ang aming mga kaklase, nilapitan ako ni Clara. "Ash let's talk" sabi niya, napatingin siya sa likuran ko. Nakatayo sila Johann sa likuran at nakatingin kay Clara. "Hmm, sige" napalingon ako sa likod ko. "Mga tol usap muna kami a" paalam ko kila Johann, "sige tol, puntahan muna namin si Eris." Sabi ni Johann. Lumabas na sila Johann at naiwan kami ni Clara sa classroom. "Ash, pwede bang kalimutan mo nalang ang chinat ko kagabi?" Sabi ni Clara. Nabigla si Asher sa sinabi ni Clara, akala niya sasabihin nito ang nangyari tungkol dun. "Bakit? Dahil ba hindi yun totoo?" Habang nakatingin sa mata ni Clara, umiling si Clara sa pahayag ni Asher sa kaniya. "Hindi... totoo yung nangyari kagabi sakin. Ayaw ko lang na madamay ka" sabi ni Clara. Huh? Ayaw niya kung 'madamay?'. Madamay saan?. "Paano ako madadamay?, teka lang, di kita maiintidihan". Biglang nilagay ni Clara ang kaniyang daliri sa kaniyang labi. Napara bang huwag akong magingay. "Huwag kang maingay, nakikinig siya." Mahinang sabi ni Clara sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Killing Is My Fantasy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon