(Magbalik by Callalily)
Hindi magbabago
Pagmamahal sa iyo
Sana'y pakinggan mo
Ang awit ng pusong ito
Tulad ng mundong hindi
Tumitigil sa pag-ikot
Pag-ibig, 'di mapapagod
Tulad ng ilog na hindi
Tumitigil sa pag-agos
Pag-ibig, 'di matatapos
Alaala'y bumabalik 🎶🎶🎵🎵"Ayy naku Kendra pwede ba Ibang songs naman panay senti at throwback ka. Try natin yung mabilis naman na beat para good mood lang tayo. Di ba nga papunta tayo ng reunion"
Sabay lipat ni Rhea ng tugtog sa kotse ni Kendra
"Anong connect ng tugtog sa kotse ko sa reunion di ba? Tsaka random songs lang naman nandyan di ko pinili yan"
"Syempre dapat na set na natin yung mood natin sa beach party mamaya para mataas na agad energy. Tsaka ok po, kunwari maniniwala ako sa palusot mo miss architect na random songs lang yan, masyadong defensive"
Yan si Rhea ang napaka-energetic na bestfriend ng ating bida. Naku matapang yan at may pagka masungit sa iba pero napakabait naman na kaibigan kay Kendra. Laging support lang sa bestfriend nya, oh di ba ganyan dapat lahat ng bestfriend kahit nangingialam sa trip na music ni Kendra oks pa din.
Guys gets nyo na siguro papunta sila sa high school reunion nila 10yrs after nila maka graduate ng high school. Nung time nga pala nila 4 yrs lang high school wala pang K to 12. So year 2011 sila nag graduate at ngayong 2021 napagkasunduan ng batch nila na mag reunion. Yung casual lang daw na reunion ayaw nila ng formal alam nyo na mga young professionals pa lang kasi sila. Kaya ang hilig pa sa party party ng mga high school batchmates ni Kendra.
"Dito na ba yun Rhea yung resort, ang layo pala ng napili nilang pagdadausan ng reunion natin"
"Oo ito na yun Kendra, dito tayo tinuro ni waze tsaka tingnan mo yun Villa Escuetta. Tara park mo na tong kotse"
Ayun nga nakarating na din ang ating bida at ang bff nya sa resort na pagdadausan ng mini reunion ng batch nila na class of 2011 ng Wuana High. Naku kinakabahan ako para kay Kendra, kayanin kaya nya na makita si Austin? Oo nga pala guys si Austin sya ang first love ni Kendra. Pero sabi naman nito ni Kendra naka get over na sya dyan kay Austin dahil 4 years na rin naman sya nasa US at nagbabakasyon lang yearly sa Pinas tulad ngayon.
"Hello beh namiss kita buti nakauwi ka dito sa Pinas ngayon"
"Tsaka nandito sya sa reunion nakakatuwa"
"Kendra enjoy lang for sure masaya ang gabi na toh"
Aba dami na agad bumati kay Kendra dami ng beso beso, hugs at kumustahan. Alam nyo naman sa mga reunion ganun talaga. Wait parang nawala si Rhea, baka nakipagbatian pa siguro sa ibang batchmate nila, yaan na natin nagpaalam naman yun kay Kendra.
"Hi Kendra, drinks?"
"No thanks, Troy"
Aba, iba din dumiskarte itong si Troy friendly lang kunwari. Pero tumabi agad sa kinauupuan ni Kendra. Nakalimutan yata nito na nabasted na sya ni Kendra. Sabagay mabait naman talaga si Troy never naging bitter, di lang kasi talaga type yan ni Kendra.
Speaking of type, lumilibot ang paningin ni Kendra at hinahanap ang type nya or should I say Ex-type. Ano Kendra bakit di ka mapakali baka wala ba si Austin mo? Eh di ba nga get over ka na dun. Ay teka iba nafeel ko mukhang pumayag lang sumama sa reunion itong si Kendra para makita si Austin. Ayaw pa kasi umamin, kunwari galit kay Austin pero sa loob loob gusto pa din makita pala. Namiss mo teh? Bring back memories bring back you lang ang peg.
"Hi Troy! Di ka sumama nung nakaraan sa lakad namin ah"
"Oo nga Tin, pasensya na may inasikaso lang. Next time bro"
BINABASA MO ANG
This could be us
Roman d'amourThis is a story about a girl name Kendra Gomez who cannot forget her first love in high school. Is first love really never dies? Ten years after they graduate in high school, their batch organized a reunion for class 2011 of Wuana High. She didn't e...