CHAPTER 18

24 3 0
                                    

SHIN AH POV

Nasa sala kami ngayon at may inilagay si daddy sa leeg ko, kanina pa ako nagrereklamo na masakit pero hindi nakikinig si daddy.

"Aray ko! Dad naman masakit nga eh!" Reklamo ko, bigla niya kasing dinampi ang isang tela or something hindi ko alam kung anong tawag nun. "Aray!"

"Malapit nang matapos teka lang." Di naman tumagal ay natapos na.

"Hay thank you Lord tapos na." Saad ko. Nakaramdam naman ako ng gutom kaya luminga-linga ako sa paligid baka may gusto akong kainin. Nakita ko yung baguhang kasambahay namin na naglilinis napatitig ako sa leeg niya, feeling ko gusto kung kagatin at sipsipin ang dugo nito. Agad kong umiling-iling kelan ko pa gustong uminom ng dugo?!

Bigla na lamang dumilim ang paligid, pero may humawak sa leeg ko. "Don't you dare Shin." Bumalik ang huwisyo ko nang may nagsalita.

Umangat ang ulo ko para tignan kung sino yun at si Jake iyon. "Jake bitaw." May halong pambabanta sa boses ko.

"No."

"Gutom ako Jake!" Galit na saad ko, di ko na napigilan ang nararamdaman ko gusto ko na talagang kumain.

"Eto ang dapat mong inumin! Hindi ang dugo ng kapwa mo bampira!" Saad nito.

Dahil sa pinakita ni Jake ang isang blood bank ay duon lang ako natauhan. "B-bampira? What do you mean Jake?! I'm a half vampire, what's wrong with me?!" Nagpapanik na ako.

The hell hindi naman ako ganito, kaya ba hindi ko gusto yung mga masasarap na pagkain Dahil may dugo nga ako ng bampira pero half lang! I'm not full blooded-- wait. Napahawak ako sa leeg ko. No way. "I know na may kinalaman ang pagkakakagat sa akin." Seryosong sabi ko.

"Posible." My mom agreed.

Nakita ko naman si Jake na umiwas ng tingin. "Mabait ka Shin, hindi ka pumapatay ng kauri nating bampira." Mahinahong sabi ni Jake.

Tumawa ako. "Oh really?" I sarcastic said. Sa isang iglap lang ay pinugutan ko ng ulo ang baguhang kasambahay na alam kong isang Bampira rin itong. "Di' ko alam na masarap pala sa pakiramdam pumatay lalo na kung traydor."

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nila at ako rin ay nabigla sa aking ginawa dahil dun nanginig ako bigla. Lumapit sa akin si Jake. "Shin, Wag mong hayaang ko kontrolin ka ng demonyo sa loob ng katawan mo. Pag nakita ka ni Kevin gamitin ka niya, wala nang hahabol sa iyo dahil ganap ka nang bampira. Kapag nalaman ni Kevin na may mas malakas pa sa kanya alam kong hindi siya papayag lalo na't baguhan ka pa, at alam kong gagawin Niya ang lahat ang lahat para pumanig ka sa kanya." Ani ni Jake

"How did you know?" Takang tanong ko.

"Well I'm a vampire King." Lumaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Seryoso?"

"I'm not kidding Shin. And I'm the one who Bit You." Anito na mas ikinabigla ko.

Biglang umangat ang kamay ko at dumapo sa pisngi niya. "I don't want to be like this Jake! Oo cool magiging isang bampira but i don't want to kill!" Di ko alam kung bakit ayaw tumulo ng luha ko.

"Sorry... but i can't take it back it's already done, ang dapat lang nating gawin ay mag insayo." Anito

"Saan?"

"Sa mundo ng mga bampira."

3rd Person's PoV

Nakarating sila sa isang malapad na gubat at malayo ito sa syudad. Masukal ang loob ng gubat madilim narin dahil gabi na.

"Kanina pa tayo naglalakad saan ba ang mundo niyo?" Reklamo ni Shin Ah dahil tinatamad itong maglakad lakad.

"Parte to ng insayo mo at malapit na tayo." saad ni Jake.

Vampires Need MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon