Claire's P.O.V.
Alam kong walang pasok, kahit Tuesday nga ngayon, dahil sinuspend ang klase, due to heavy rain. Pero importante 'tong babalikan ko--my notebook! Kaya kinuha ko ang payong ko para balikan nga 'yun.
Heavy rain or not, babalikan at hahanapin ko ang notebook na 'yun no matter what it takes!
"Saan ka pupunta? Umuulan pa ng malakas, o." Sabi ni Ate. "May naiwan kasi ako sa room namin. Saglit lang naman, Ate, e."
"Bukas na lang, baka magkasakit ka pa." Sabi naman niya sa 'kin. "Hindi pwede bukas! Kapag nahanap at nakita ng kahit sino man ang nilalaman ng notebook na 'yun... I don't even want to imagine it, Ate."
So, kahit anong pilit ni Ate, umalis ako papuntang school. Mahirap man dahil sa sobrang lakas ngayon araw, pero nagawa ko pa ring maabutan ang school namin. Pumunta ako straight sa room ko upang mahanap ang nawawala, este nakalimutan ko sa room kahapon, na notebook. Buti na lang at hindi pa isinasara ang school. Ayoko pa namang ma-trap dito ng mag-isa.
"Sana walang ibang nakahanap 'nun! Lagot ako kapag meron!" Hanap ako ng hanap, nang sa wakas, nakita ko na rin--! Not...
Ibang notebook pala ang nakita ko, nalaman ko lang nung binuksan ko ito--Bakit kasi magkaparehas ang cover? Hayst...-sa may desk ng katabi ko--si Melissiana Brooks. Galing s'ya sa America, pero nagpunta s'ya rito upang pag-aralan ang aming lengwahe. Hindi lang s'ya maganda kundi may gintong puso pa. A really friendly girl if I might add. Swerte ako na naging kaklase ko s'ya. Although we don't interact or talk to each other that much, just seeing her with a smile on her face makes me happy.
I guess she forgot her notebook as well. I should return it to her--after I find my notebook, of course. Kukunin ko na sana para ipasok ko muna sa bag ko--nang tumunog ang aking phone, kaya binuksan ko muna ang "Messenger" app ko't nakita ang message ni Mommy Yumeya.
[Mashiro: I edited again, so there will be pictures for each roleplaying scenario--What? It's cuter this way. Hehehe. Though it might not be the completely appropriate picture for that rp scenario ahaha... Well, at least, I tried. CTTO for the pictures. Another thing, in-edit ko-ulit-s'ya. Mali kasi ang time na nalagay ko, e ^^;]
June 29, 2021 | 11:00 P.M.
Mommy Yumeya : *walks into the classroom and hides something under her desk* She'll be delighted to see what I got for her on her birthday~
Ngumiti ako at nag-reply.
June 29, 2021 | 11:08 P.M.
Momochi : *sees her when I walked into the classroom* Mommy Yumeya? What are you doing here?
BINABASA MO ANG
The 7Bs [Discontinued]
FantasyImportant note : Inspired po 'tong story ko sa mga palabas, webcomics series, at ganern-ganern, tulad ng Netflix TV series, "The Umbrella Academy", but it's not a fanfic. Just wanna clarify that ^^ Ano na lang ang gagawin ni Claire, at ng mga kaibig...