Nagbago Na

8 0 0
                                    

Nagbago na ako-

Hindi na ako tulad noon na sobra sobra kung kulitin ka.

Hindi na nagpaparinig pag nagtatampo na.

Hindi na rin umiiyak pag nag aaway tayong dalawa.

Wala na ring LSM bago matulog sa gabi't pagkagising sa umaga.

Wala na nang matatamis na ngiti sa tuwing ika'y makikita.

Wala na ring bahid ng galak sa tuwing nakakausap ka.

Wala eh,nagbago na. Binago mo.

Binago ng sitwasyong kinasasadlakan ko ngayon.

Wala na,nagbago na.Wala na ang dating ako at iyon ay hindi na maibabalik pa.

Nagbago na.

POETRYWhere stories live. Discover now