WAKAS

38 5 2
                                        

Lumabas sa loob ng kanyang kotse ang binata pagkarating sa tapat ng kanilang bahay. Sinarado rin nito ang pintuan sa driver seat bago nag-umpisang maglakad papunta sa likurang bahagi ng kanyang sasakyan.

Pagkarating nya doon ay binuksan nya ang car compartment at kinuha ang isang mahabang black suitcase. Pagkatapos nya itong kunin ay sinarado nya ang likuran ng kanyang sasakyan at ipinatong sa itaas nun ang suitcase na hawak at binuksan.

Pagkabukas nya nito ay kinuha nya sa loob ang katana na nakapaloob sa isang lalagyan at sinukbit sa likurang bahagi ng kanyang balikat. Sunod naman nyang kinuha ang isang automatic shotgun at ang mga bala nito na ikinabit nya sa kanyang katawan.

Nang masigurado ng binata na handa na ang lahat ay nakangiti syang humarap sa walang ka ilaw ilaw nilang bahay at kinasa ang hawak na baril. Nag-umpisa na rin itong maglakad patungo sa nakasaradong pintuan habang pasipol-sipol na minamatyagan ang buong paligd.

Pagkalapit nya sa pintuan ay malakas nya itong sinipa at agad na pumasok sa loob. Hindi nya rin pinansin ang pagtilapon ng pintuan na kanyang sinipa at ang paglikha nito ng malakas na ingay. Sa halip ay deretso syang naglakad at hinanap ang kanyang kasintahan.

Maingat na humakbang ang binata at hindi gumawa ng ingay habang hinahalughog ang bawat sulok ng bahay. Hinahanap nito ang kanyang kasintahang nagtatago sa dilim at mukhang may alam na sa kanyang gagawin.

Nagtungo sya sa may sala at pinailaw ang flashlight na kinabit sa ibabaw ng shotgun na dala. Masyado kasing madilim ang buong paligid at hindi nya maaninag ang kanyang dinadaanan. Gusto nya ring makasigurado na makikita nya agad ang dalaga at hindi makakatakas sa kanya.

Pagkailaw ng flashlight ay biglang napamura ang binata nang bumulaga sa kanyang harapan ang dalaga. Nakita nyang nakasuot ito ng roba at naliligo sa maraming dugo. May hawak itong maliit na palakol sa isang kamay at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. Bigla rin itong tumakbo papalapit sa dereksyon nya kaya sunod-sunod syang nagpaulanan ng mga bala. Ngunit mabilis na nakailag ang dalaga at walang kahirap-hirap na nakapagtago sa likuran ng sofa. Hindi naman iyon inasahan ng binata. Pero masaya sya na hindi agad-agad na mapapabagsak ang dalaga.

Nilagyan nya ng panibagong mga bala ang shotgun na hawak at maingat na lumapit sa sofa. Tutok na tutok din ang kanyang mga mata doon at inaabangan na lumabas ang dalaga. Ngunit nang ikutin nya ang likuran ng sofa ay hindi nya ito nakita. Pero sa halip na madismaya ay bigla nya pa itong ikinatuwa.

Napangiti sya na parang demonyo dahil nagugustuhan nya na ang mga nangyayari at mas lalong naging kapanabik-nabik ang bawat sandali para sa kanya. Naisip nyang mukhang palaban ang dalaga at hindi naging lampa katulad ng inasahan nya. Humahanga din sya sa bilis na ipinakita nito kanina upang iwasan ang mga bala.

Lumabas sa loob ng sala ang binata at muling hinanap ang dalaga. Pero bigla itong napahinto nang makita na nakabukas ang lumang kabinet na kung saan nakatago ang katawan ng pinatay nyang kasintahan.

Biglang nandilim ang mukha ng binata sa nakita at nilapitan ang kabinet upang sarhan. Ngunit hindi panga sya nakakahakbang nang may likidong sunod-sunod na pumatak sa kanyang pisngi na nagmula sa ibabaw ng kisame. Amoy na amoy nya rin ang malansang amoy nito na nanunuot sa loob ng kanyang ilong. Medyo pamilyar ito sa kanya. Pero ayaw nyang hinuhain ang naisip.

Pinunasan ng binata ang kanyang mukha at hindi pinansin ang likidong pumapatak mula sa itaas. Ngunit agad syang natigilan nang mahagip ng ilaw na nagmula sa flashlight ang kanyang kamay na may bahig ng mga dugo.

Nangunot ang kanyang noo dahil sa nakita. Nanatili din ito sa kanyang kinatatayuan at hindi gumalaw. Pinakiramdaman nya ang buong paligid at dahan-dahang tinanaw ang kisame ng bahay upang tignan kung saan nagmula ang mga dugong pumapatak.

SHE IS WATCHING (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon