"I feel sexy an- Oh my gosh!" gulat na napapreno ang dalaga nang may babaeng lumitaw sa madilim na karsadang dinadaanan ng sasakyan nya. Napamura din ito nang makitang na sagasaan nya ang babae.
Dali-dali syang bumaba mula sa driver seat at kinakabahang hinanap ang katawan ng na sagasaan. Inikot nya ang mga paningin sa buong paligid at bahagyang yumuko sa unahan ng kanyang sasakyan upang hanapin ang babae. Ngunit kahit ang bakas ng pagkakabanga at anino nito ay hindi nya mahanap.
"Shit! naparami yata ang inom ko ng alak kanina kaya kung ano-ano na ang nakikita ko ngayon." napaayos ng tayo ang dalaga at napasandal sa unahan ng kanyang sasakyan. Napahilot ito sa kanyang noo at bahagyang napapikit mata.
"Leave..." isang mahinang boses ang nagpamulat sa mga mata ng dalaga. Iginala nya muli ang mga paningin sa buong paligid at hinanap kung saan ito nagmula.
Napako ang mga mata nya sa isang babaeng nakayuko sa kanyang unahan at nakatayo sa gitna ng daan. Nangunot ang noo ng dalaga at bahagya pang nagulat sa nakita. Tumayo rin ang mga balahibo nya sa katawan sa hindi malamang dahilan.
"Leave..." isang mahinang boses ang muli nyang narinig. Ngunit sa pagkakataong ito ay ibinulong iyon sa kanyang tenga.
Biglang kinilabutan ang dalaga at nanginig sa sobrang takot. Dahan-dahang syang humarap sa kanyang tabi upang tignan kung sino ang bumulong sa kanya. Ngunit sa kanyang pagharap ay wala syang may nakita. Sa halip nang sya'y lumingon pabalik sa kanyang unahan ay doon sya na sindak sa nasaksihan.
Nakita nya ang nakakatakot na mukha ng babae na inuuod at inaagnas. Ang kaliwang mukha nito ay parang tinunaw ng asido dahil wala na itong balat at tanging buto nalang ang natitira. May malaking sugat din ito sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo na kung saan lumalabas ang napakaraming dugo na tumutulo sa kanyang mukha. Inuuod din ito kagaya ng kanyang kaliwang mata na halos wala nang may natira.
"LEAVVVEEEEE!" isang matinis at nakakakilabot na sigaw ang pinakawalan ng babae na syang ikinataranta ng dalaga.
"AHHHHHHH! MULTTOOO!" Sigaw nya pabalik at mabilis na pumasok sa loob ng sasakyan. Ngunit sa pagpasok nya sa loob ay muling bumulaga sa kanyang harapan ang nakakatakot na mukha ng babae.
Nakatingin ito sa kanya ng masama at paulit-ulit na sinasambit ang katagang, 'Leave!' Nagsimula na ring magpatay sindi ang ilaw ng kanyang sasakyan at magplay pabaliktad ang mga musika sa radyo.
"AHHHHHHH!" malakas na sigaw ng dalaga at napaupo sa matigas na semento pagkalabas sa loob ng sasakyan.
Napagapang ito paatras habang naliligo sa malagkit nyang mga pawis habang nanginginig ang buong katawan. Nanlaki rin ang kanyang mga mata nang makita ang multo na nakatihayang gumagapang papalapit sa kanya.
Mas lalo pang lumala ang takot ng dalaga nang makita ang ulo ng babae na 360° na umikot mula sa katawan nito. Ngumingiti rin ito na parang demonyo habang lumalabas mula sa kanyang mga bibig ang maraming dugo na pumapatak sa malamig na semento.
"W-wag kang lumapit sa akin... *hik* Wag kang lumapit! P-please... wag..." umiiyak na sambit ng dalaga habang nanginginig sa sobrang takot.
"Leave... he will kill you..." mahinang sagot ng multo at huminto sa kanyang harapan. Naguluhan naman ang dalaga sa kanyang narinig. Hindi nya alam kung ano ang sinasabi ng multo at kung sino ang tinutukoy nito.
"A-ano bang... p-pinagsasabi mo? H-hindi kita maintidihan." naguguluhang tanong ng dalaga at muling napagapang paatras.
"Leave..." nanlilisik ang mga matang sabi ng multo at inilapit ang kanyang inaagnas mukha sa dalaga.
"OR I'LL WATCH YOU, DIIIEEEEEE!" malakas na sigaw ng multo habang lumalabas mula sa kanyang malaking bibig ang napakaraming insekto. Unti-unti ring nagiging uod ang katawan nito at sinusubukang makapasok sa loob ng katawan ng dalaga kagaya ng mga insektong nakapalibot na ngayon sa kanya.
BINABASA MO ANG
SHE IS WATCHING (COMPLETE)
TerrorSa talang buhay ni Venice ay wala syang ginawa kundi ang mahalin ang kanyang kasintahan na si Rheyven. Kaya kahit ang makita at mapanood ng harap-harapan ang ginagawa nitong pang aalipusta sa iba't-ibang babae ay hindi nya ito pinipigilan. Mahal na...