Friends?... friends!

10 0 0
                                    

Natuwa ako, magsstay pa sila mommy at daddy sa house for 1 week. Khit super busy sila, they find time for me.

Iginala ko si Sky, kailangan niya mag exercise para healthy siya, padaan na ako sa bahay ni Tita Lena, ung kapitbahay namin ng biglang tinawag ako ni Tita Lena.

"Yura iha, ikaw pala yan," she said.

"Good morning po tita Lena," I said and I smiled.

"Saan punta mo?" Sabi niya.

"Igagala ko lng po si yung dog ko si Sky," sabay turo ko kay Sky.

"So cute naman, hello Sky," tita Lena said.

Nagkkwentuhan kami ng biglang may lumabas na guy galing sa loob ng bahay nila tita Lena.

"Mom, this should be---" napatingin siya saakin.

"Ikaw??!!" sabay naming sabi.

Is that Mr.Yabang? Anong ginagawa niya sa bahay ni Tita Lena?

"Magkakilala kayo?" naka ngiting sabi ni tita Lena.

"Hi..hi..hindi po, hindi po tita Lena" sabi kong na nabubulol.

Hindi umiimik si Mr. Yabang, nakatingin lang siya saakin.

"A..a..a..alis na po ako, naiinip na si Sky, sige po tita." nagmamadali kong sabi at umalis.

Grabe.. diyan pala siya nakatira, nako! Buti na lang at hindi niya ako kinausap. Haay.. dali dali akong umalis kasama si Sky.

Nakalayo na ako at parang nabunutan ng tinik ng biglang may nabunggo na naman ako. Haayy napapadalas yung pagiging clumsy ko. Haaayyy.

Paglingon ko, SI MR. YABANG na naman.

"Ikaw na naman?" Sabi ko na naiinis.

"Sorry again" pagpapa cute niyang sabi.

Naiinis ako sa itsura niya. Parang lagi siyang nang aasar. Haayy.

Pero infairness, gwapo tlga siya.

Iiwas na sana ako at aalis ng biglang

"Teka" sabi niya at hinawakan yung kamay ko.

"Bitawan moko" sabi kong nabigla

"Wag ka masungit saken, magkapitbahay pala tayo, gusto ko lang makipag kaibigan eh mahirap naman na magkapitbahay tayo tapos hindi tayo nagkikibuan, tayo tayo lang naman magtutulungan pag may problema diba " sabi niya.

Wala akong nagawa, inabot niya ang kamay niya na parang makikipag kamay, kaya tutal parang mabait naman siya, inabot ko yung kamay ko.

"Magpapakilala ako ng maayos sayo, ako nga pala si Josh, Josh Santiago" sabi niya ng nakangiti.

"Yura, Yura Salazar" nakangiti kong sabi.

Nagka tinginan kami ng halos 1 minute ng biglang tumakbo si Sky, nahila ako ni Sky at muntikan nang madapa buti na lang nasalo ako ni Josh. 

And that's how we became friends.


I love my neighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon