Chapter Two: Amnesia Girl
"Nako nako. Sino kaya tong nag-add sakin."
Kunyari nagulat ako habang pinindot ko yung friend request icon. Louie James Arcangheles. It doesn't ring a bell does it? Of course it does. It's that tsk. Louie. Sabi ko na nga ba. Just like what I have predicted, he added me on the most popular social media that young adults such as myself, even young at hearts, and even pets and stuff that I'm not allowed to mention for more or less 15 hours a day. My gosh. Ba't ako napa English???
Pero ako naman si gagita inaccept naman. May kaunting landi ding tinatago. Akalain mo i add ka ba naman ng school hearthrob eh tatanggi ka pa. At tsaka friends lang naman di ba? Hindi naman marriage proposal or what. And besides I am single and ready to mingle mingle mingle .. teka ba't may echo. Direk ba't may echo echo echo.?
"Wala lang yan...yan..yan.."
"Okay po...po..po.."
...........
"Hi"
Aba anak ng tilapyang hindi malansa naman oh. Nagmessage agad.
"Who you?""Miss Sungit!"
"K"
"Teka teka. Ba't ang init ng dugo mo sakin?"
Eh kaser nemern ang gwaper gwaper mer. Kelengen pa herd te get eke. Ye knewr."Sorry but hindi kita knows."
"I'm Louie. Remember?"
"Ah eh may amnesia kasi ako kaya di kita maalala."
"Amnesia girl?"
"Oo. Sino ka ba? Kilala ba kita? Naging tayo ba?"
Hindi na nagreply ang mokong. Biglang na-offline. Naweirdan yata sakin. Oh my G R R. Anak ng bakang dalaga oh. Why must I use the amnesia amnesia excuse? Wait na send ko ba? Ay shunga hindi ko pa pala nasend. Muntangengot. Backspace backspace backspace."Uy biro lang. Yeah I remember you but I don't think I know you that much."
Ayun sinend ko na. Hindi ko naman siguro ikakamatay yun. Buti na lang talaga di ko naisend yung kashunga shungang message na yun. Medyo napabilang din kasi ako sa mga matalinong tanga eh no.
After that mental lapse ko, nagdecide ako na maglaro ng Farmville. May ipapamana na akong lupain sa aking mga magiging supling. Hahaha.
"Anak..patingin na tayo sa duktor."
"Pa wala po akong sakit."
"Ubo ka Nak"
"Ehem.ehem"
"See. May ubo ka."
"Papa naman eh. Naglalaro po ako ng Farmville. Maghaharvest pa po ako."
"Nag-aral ka na ba?"
"Opo Pa. Ako pa. Bago ako maglaro ng online games eh nag-aaral muna ko. Okay?" Pero kunwari lang na nag-aral ako kasi pag nalaman niya na di pa ko nagrereview eh ipapashutdown na naman tong laptop sakin.
"Okay."
Ay nako naalala ko naman yung The Fault in our Stars. Susme isang baldeng luha ang naiiyak ko dahil sa librong yun tapos nung napanood ko nadagdagan ulit ng isa pang balde. Speaking of such, kelan ko kaya matatagpuan ang aking Augustus Waters? Kahit na Augutstus Coffee o si Augustus Patatas na lang ayos na. Haist. Wishful thinking naman. Sa tingin ko lalo ako nagiging melodramatic sa kakanood at kakabasa ng mga love story love story na mga yan eh. Sa susunod yung mga brutal naman panoorin ko hehehe joke lang.