Chapter One: Fourside

82 3 1
                                    

Chapter One: Fourside

 June 16, 2014, Lunes

            Ngayong araw na ito ang unang araw ko sa pinakahuling taon ko sa high school dito sa Westernville Academy. Isa pala akong exchange student galing sa sister school ng Westernville, ang Easternville Academy. Napabilang ako sa maswerteng sampung estudyante from Easternville na nabigyan ng chance na makasali sa School Exchange Program ng Fourside Academic System Incorporated (FASI). Isa itong academic association na mayroong apat na member schools namely Northernville Academy, Southernville Academy, Easternville Academy and Westernville Academy. Ang FASI ay may taunang School Exchange Program na naglalayong ma-promote ang pagkakaisa ng apat na member schools, ma-improve ang character ng bawat mag-aaral na kasali sa exchange program at ma-uplift ang academic standards ng institusyon. Hindi lang School Exchange Program meron ang FASI. Isa pa sa mga programs nito ay ang Quadri-Academic Olympiad na naglalayon namang mapaunlad ang health and physicial wellness ng mga mag-aaral ng mga member schools nito gayundin ang pagpaunlad ng kaledad ng sports sa ating bansa.

                Tinatanong niyo kung pano ko nalaman? Syempre minemorize ko yan galing sa handbook no. Required kaya yan.

            "Okay students. May I have your attention please?"

            Yan si Headmaster William Davidson. Siya ang anak ng nagtatag ng FASI 80 years ago at siya ang kasalukuyang namamahala sa Northernville Academy. Suot suot niya ang kanyang mahaba at itim na robe na may emblem ng FASI sa may kanang dibdib niya. Ang simbulo ng FASI ay isang golden compass na nangangahulugan ng pagbibigay direksyon sa buhay ng bawat myembro ng FASI- ang mga mag-aaral, magulang, guro at mga non-teaching personnel. Sila ang nagsisilbing dugo na bumubuhay sa FASI. Kasama niya rin ang iba pang school heads ng iba pang member schools. Si Headmistress Dianne Turner ang namamahala sa Westernville Academy. Si Headmaster Luis Francisco Villanueva naman ang namamahala sa Easternville Academy. Ang namamahala naman sa Southernville Academy ay si Headmaster Thadeus Deguzman.

            Ang bawat member school ay may kanya-kanyang emblem o simbulo. Sa Northville ay ang apoy na sumisimbulo ng katapangan.  Hangin naman sa Southernville na sumisimbulo ng kapayapaan. Ang emblem naman ng Easternville ay lupa na sumisimbulo ng katatagan. Tubig naman ang sa Westernville na sumisimbulo sa pag-asa. Ang apat na simbulong ito ang nagpapaalala sa bawat paaralan ng halaga ng kasaysayan ng FASI at ang mga challenges na hinarap nito.

             "Today marks another milestone in the academic history of this institution. Ten students from each school have been chosen to become a part of the School Exchange Program. The fate of the ten young souls from each school will change from this day on.  Libertatis, Veritate et Caritate. Freedom, Truth and Love."

                Pagkatapos magsalita ni Headmaster Davidson ay nagsitunugan na ang mga trumpeta na siyang naging hudyat para kami ay sumakay na sa kani-kaniyang shuttle na maghahatid papunta sa mga naka-assign na paaralan. Nakakaexcite na nakakakaba ang experience na ito kasi bagong mga estudyante tulad mo ang makakasalamuha mo at sa ikahuling taon mo pa sa high school ito nangyari. Mamimiss ko ang mga besties ko sa Easternville at mga naging adventure namin doon. Speaking of adventure, ano kayang mga adventure ang mangyayari sakin sa Westernville? Sana marami. Bukod sa opportunity na maranasan ang makapag-aral sa ibang school, blessing na din ang mapalayo sa ex-boyfriend ko. 

        "Nicky. Babe. Alam mo mahal kita di ba? Pero alam mo kasi kailangan kong magfocus sa studies and....."

        "Aba! Ikaw pa may ganang sabihin yan sakin ah. Break na tayo!"

It Started With KunwariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon