Chapter 10:

27 1 0
                                    

Joan's POV

Pumasok na kami sa bahay nina Luke at pansin kong wala yatang tao sa loob. Nagtingin-tingin ako kung may tao sa loob pero wala talaga.

"Walang tao rito sa 'min ngayon. Si papa, nasa States. Si mama naman, nasa Makati, nagtatrabaho pa." paliwanag ni Luke sa 'kin kahit 'di naman ako nagtanong.

I sat on their sofa while Luke was cleaning the living room. "Wala ka bang kapatid?" tanong ko.

"Meron. Half-siblings. Sa side ni papa." Luke said, looking serious habang nag-aayos pa rin ng sala.

"Magkaka-close kayo?"

"Not really." saad niya na parang ayaw niyang pag-usapan kasi ang tipid niyang sumagot eh, parang 'di Luke. Siguro 'di ko pa rin siya ganoon kakilala. "Ipahinga mo na muna paa mo." saad ni Luke kasabay ang pagbigay sa akin ng pambahay na slippers. Tumango naman ako bilang sagot at ginawa ang sinabi niya.

Bigla akong nakaramdam ng antok at nahiga sa sofa habang nasa may kusina pa si Luke.

Naramdaman kong may naglagay ng kumot mula sa bewang ko kaya nagising ako.

"Ah. Sorry nagising kita." saad niya.

"'Di ayos lang. Anong oras na ba?"

"Mag-eeight."

"What?!" napabangon ako mula sa hinihigaan ko.

"Ihahatid kita. Huwag kang mag-alala." saad ni Luke mula sa may kusina habang naghuhugas ng pinggan. Lumapit ako sa kanya at para na rin malibot ang bahay nila. Malaki pero 'di sobra. I felt.... comfortable.

"Sana ganito na lang kalaki bahay namin para mas maging close kami nina Mom." saad ko habang naglilibot. Tumigil ako sa tabi ni Luke. "Sa tingin mo kaya...may magbabago?"

Sakto namang katatapos niya lang sa paghuhugas at nagtuyo na ng kamay niya. Bigla niya akong hinarap. "Alam mo Joan." saad niya kasabay ang paglagay ng dalawa niyang kamay sa balikat ko. "Sigurado naman akong mangyayari din ang hinihintay mo. You'll just have to wait." saad ni Luke. Looking at me intensely but in a good way. "At saka, kaya kita dinala dito sa bahay para na rin may mapupuntahan ka kapag may problema ka. Para naman...hindi lang si Jean napapagsabihan mo." I smiled at him pero bigla naman niyang inalis mga kamay niya mula sa pagkakahawak sa 'kin. "Ahhh....ano....tara na?" saad ni Luke na parang nauutal. Tumango naman ako.

"Bakit ang weird mo ngayon? There's something wrong...hmmm..." tanong ko with gestures na parang nag-iisip habang nakatingin sa kanya.

"Bakit? Dukit?" ayooown, bumalik😑 "'Di joke lang." sumunod na ako sa kanya papalabas ng bahay nila with my things at sakto namang dumating ang mama niya. Ang ganda niya.

"Oh anak. At sino naman itong magandang dalagang dala mo?" sabi ng mama ni Luke na may tonong pang-aasar? Idk.

"Luh dala raw. 'Di ko naman buhat buhat ah." pabirong saad ni Luke sa mama niya. Grabe sya.

Hinampas naman siya sa braso ng mama niya dahil sa sagot niya. "Ikaw talaga, 'nak, ang pilosopo mo talaga."

"Hi po. I'm Joan." I said with a smile.

"Hello. Sorry ha. Next time na lang kita kakamayan ha. Madumi pa kasi ako ngayon eh." she said na parang guilty pa. Siguro kasi nag-alis s'ya ng sapatos niya. Nag-sorry pa siya. Kakahiya.

"Ayyy. Hindi po ayos lang po hehehe."

"Ay 'nak." Napatingin naman kami ni Luke sa kanya. "Ibigay mo naman 'tong gift ko kina Ashley." lumapit naman si Luke at kinuha 'yun.

"Ma. Alis na kami. Hatid ko lang siya."

"Ibigay mo muna 'yung gift ha!" sigaw ng mama niya mula sa banyo nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Are We Destined?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon