Chapter 3:

52 4 0
                                    

Ash Damian Creighton's POV

Pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na araw ay agad na kaming umuwi ni Luke sa dorm namin. Bumili ako ng ilang beer para naman may laman ang ref atsaka nag-iinom kami lalo na't kapag may problema kami. Maigi na yung handa.

Mechanical Engineering kukunin kong course kasi gusto ko yun at suportado naman ako ng pamilya ko kumpara kay Luke na sinusustentuhan naman siya pero dama niya na 'di ito tanggap ng mga magulang niya. Criminology ang course na kukunin ni Luke. Kahit kupal yan, maprinsipyo yan.

"Paano ko kaya maiibalik itong keychain na 'to?" tanong ko kay Luke na nasa bandang taas ng double deck habang hawak-hawak ang baboy na keychain.

"Aba ewan ko sa 'yo basta ayoko nang makita yung Joan na kasama niya." reklamong sagot ni Luke sa akin.

"Ayaw makita pero tanda yung pangalan. Oy ako pa ang lokohin mo! Huwag ako oy." saad ko sa kanya at agad kong binato ang tuwalyang nasa leeg ko. Binawi ko rin ito agad sa kanya at dumiretso na sa banyo para maligo.

Lumabas na ako para makapagbihis na at agad na bumungad sa akin ay ang keychain na hawak-hawak ni Luke.

"Pota!" sabi ko na gulat na gulat. "Gago ka ba? Alam mong magugulatin ako! Ulitin mo pa yan sasapakin na kita." I said in gritted teeth na muntik nang ilabtik sa mukha niya ang tuwalyang nasa leeg ko para sa pagpapatuyo ng buhok ko.

"Sorry na Ash. 'Di naman 'to magulat oh. Tutulungan kitang maibalik 'tong keychain niya" pangungulit niya habang sinusundan ako kahit saan ako pumunta.

Magkababata kami nitong si Luke kasi matagal na kaming magkalaro simula bata at magbestfriend ang mga mama namin kaya kami nagkakilala nitong ogag na 'to. Mukha akong suplado at suplado naman talaga ako lalo na kapag wala ako sa mood makipag-usap. Kilalang-kilala na namin ang isa't isa kaya kahit konting pagsisinungaling ay halata na agad namin. Kapatid na ang turingan namin kahit hindi kami magkadugo.

Parehas mayaman pamilya naming dalawa pero we have our own problems na nasheshare naman namin sa isa't-isa. Ako ang nagdala sa kanya sa school na pinapasukan ko kaya isinama ko na rin siya dito sa dorm kahit inooferan ako ng mama ko at mama ni Luke ng condo. Hindi namin yun tinanggap kasi ayaw naming maging dependent, yung tipong lahat ng kailangan namin ay sila na ang gumagastos. Sila nagbabayad ng dorm namin at kami naman sa allowance. Working student kami nitong si Luke. Paraket-raket ganun.

I have an unidentical twin, her name is Ashley. Sobra-sobra ang alaga dun nina mama at ganun din ako kaoverprotective sa kanya kasi may sakit s'ya sa puso. She keeps recovering, hinohold back niya lagi lahat ng mga emosyon niya, bawal kasi yung mga sobra-sobrang emosyon kapag may heart condition yung isang tao.

"Ibigay mo na nga sa 'kin yan. Mamaya madumihan pa 'to at masapak ako nung babaeng yun." sabi ko sabay kuha ng keychain nung babae mula sa kamay ni Luke.

"Mas lalaki pa ata sa 'yo yun ah. Ingat ka baka magulpi ka nun 'di kita matutulangan, 'di ako napatol sa mga babae." pagmamayabang ni Luke habang hawak-hawak dibdib niya na parang nagmamalaki.

"Anong akala mo sa 'kin gago? Alangan namang pumatol ako?" depensa ko. Sino bang gagong makakagawa nun? Depende nalang talaga sa sitwasyon kasi 'di porket babae ay 'di na niya kayang manakit kung baga siya ang first offender. Hinding-hindi ako mananakit ng babae kahit na anong mangyari. "Ano na bang plano mo? Pinapahaba mo pa eh. So pa'no ko na maibabalik 'tong keychain na 'to? Ha?" dagdag ko pa.

"First of all, hatdog ka. Teka sabik na sabik makita?" pang-aasar niya at tumawa nang malakas.

"Konti nalang talaga babatukan na kita." panggigigil ko at hahaplitin na ng tuwalya galing sa leeg ko.

Are We Destined?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon