Chapter 2:

77 4 0
                                    

Jean's POV

*Dam da di dam da di dam da di dam

Alarm ko nga pala.

5:00 a.m

"Aiish. Bwisit!!!" inis na sabi ko at saka bumangon na sa kama. I sat on the edge of my bed to do some stretching. Tumayo na ako papunta sa kitchen para magluto ng almusal namin ni Joan.

Nagluto ako ng malasadong itlog for me at lutong yolk for Joan. Sinamahan ko pa yun ng corned beef. Favorites kasi namin yun. While I'm preparing for our breakfast, nagpeprepare naman ng maiisuot si Joan for today.

"Jean pili ka black or pink?" tanong ni Joan.

"Pink" sagot ko. Kahit naman sigain ako fav kong kulay ay pink.

"Nice choice." ngiting sabi ni Joan.

Pagkatapos naming kumain ay naligo at nagbihis na kami. Nilugay ko ang buhok ko na shoulder level lang and I tucked my plain black t in to the high-waisted maong pants partnered with white snickers. I always wear this kind of outfit because I am use to this and feel comfortable with it. Joan wore a floral dress partnered with denim jacket and a sandals. She wears this kind of outfit almost everyday with her make-up on because she's into dresses and I'm into pants. Hanggang lip tint and tamang ayos lang ako ng kilay compare to her. She likes wearing girly clothes while I..... nevermind.

Pagkabihis namin ay dumiretso na kami sa aming kotse. Celerio. Mayroong kotseng binigay si Tito for Joan kasi raw para 'di na daw siya magcommute at ako naman ang driver niya kasi syempre 'di siya maalam magdrive. I took my driving lessons at 15 and nasanay naman na ako because of our place before which is a subdivision.

We arrived at school safely.

"Bye. See you in there!" nakangiting saad ni Joan sa akin habang tinuturo yung school at bumababa ng kotse.

"See you!!!" sagot ko habang kinakawayan siya. Parang may mali.

Binaba ko na si Joan sa harap ng university kasi magdadrive pa ako papunta sa parking lot. I asked someone where the parking lot is. Kasi naman 'di ko pa saulo 'tong school na 'to.

At the Parking lot

"Saan kaya dito may available na space?" bulong ko sa sarili ko. Nang biglang may tumawid.

"Pota!!!" sigaw ko sabay preno. Omg did I hit someone?!

-------------------------------------------------

Joan's POV

Ano ba yan bwisit. Nakalimutan ko nga pala na orientation ngayon ng mga freshmen. Dali-dali kong tinext si Jean.

To: BFF-COZ

Hoy bruha! Bobo mo talaga 'no? Dapat pala nagsabay na tayo kasi syempre saan at paano tayo magkikita eh ngayon orientation para sa mga freshmen?

To: BFF-COZ

Hoy! Sagot!!!

Habang hinihintay ko s'yang magreply ay umupo muna ako sa bench na malapit sa kinatatayuan ko.

20 mins later......

From: BFF-COZ

Gago! Kung bobo ako edi mas bobo ka! Pero oy may muntik na ako mabangga kaya umuna ka na hanapin mo na yung mga freshmen.

To: BFF-COZ

Sige na nga! Ingat ka. Hanapin mo nalang kami tutal grupo grupo naman kami. XOXO

Are We Destined?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon