Ang Hindi Inaasahan

11 2 1
                                    

Tour.

Walang tigil na pagpapanggap na naman habang nililibot kami ng pamilya nila sa palasyo maging sa buong kaharian. Buong umaga akong nagtitimpi sa ginagawa sa akin ng bakla dahil nandiyan ang mga magulang niya.

Panay akbay, hawak sa bewang at hawak sa kamay, kung hindi ko lang 'to ginagawa para sa mga kahilingan ko ay kanina ko pa nasapak ang baklang 'to. Taena niya! Subrang pakikinabang talaga ang ginagawa niya.

"Prince Art, maaari ko bang hiramin muna ang prinsesa? Prinsesa, dito kayo sa tabi ko, masyado kayong malapit ni Prinsipe Art, baka po ay magtampo ang inyong ama. Hehehehehe. Ipagpaumanhin po ninyo na hindi pa ganoon kaganda ang kanyang pakiramdam." Palusot na naman ni Sefina, "Mas ikagagalak po siguro ng prinsesa kung ang prinsipe Art mismo ang maglilibot sa kanya at ituro ang mga bagay-bagay sa loob ng kanilang palasyo at buong kaharian. Nasisiguro ko iyan. Batid ko rin na pagod na ang Hari at Reyna." matalino talaga itong si Sefina.

Syempre alam na niya ang tungkol doon sa pagkabisto ko dahil kinuwento ko sa kanya ang buong pangyayari kagabi, wala akong itinira, mas mabuti na yung alam niya para matulungan niya ako lalong-lalo na sa sitwasyong ganito.

"Ahh, maganda ngang ideya iyan binibining Sefina.  Kanina ko pa din pansin ang kanilang pagiging malapit sa isa't isa, ako nga rin ay nagtataka. Ngunit wala naman akong nakikitang masama doon binibining Sefina sapagkat ikakasal naman din sila."

"Oo nga po Hari, tama ka riyan, ngunit mahigpit na bilin po ng ama ng prinsesa na hangga't maaari ay bawal muna. Ipagpaumanhin niyo po ito Mahal na Hari."

"Ahehehehe, wala naman akong problema riyan. O bweno iho, ikaw na ang maglibot sa iyong mapapangasawa at limit-limitahan mo muna ang paglapit sa prinsesa, nirerespeto ko naman ang desisyon ng aking kumpare." anang Hari.

Saglit na binaon ni Art ang hawak niya sa braso kong punyeta siya! Pero lumuwang lang din ito nang hatakin na ako ni Sefina palapit sa kanya. Whew! "Prinsipe ayos lang ho ba kayo?" nag-aalalang bulong ni Sefina, tumango lang ako't kunwareng nakangiti. Putik talaga 'tong baklang Art na 'to.

Umuwi ang Hari at Reyna sa palasyo para magpahinga, tapos na rin naming malibot ang buong palasyo at kaharian kaya't dadako na kami sa farm nila, horse farm? Taena, nakalimutan ko ang tawag doon.

"Guards, ayos lang-- iwanan niyo muna kami, gusto kong masolo ang aking mapapangasawa. Tuturuan ko siyang sumampa sa kabayo. Magpahinga na kayo't bumalik sa palasyo. Maraming salamat." magalang na utos ni Art sa mga nakabantay sa amin kanina pa, nasa pitong gwardya lang naman sila.

Sya namang yuko ng mga gwardya at umalis na, naiwan na kaming tatlo; Ako, si Sefina at si Art,  dito katabi ang malalaking kulungan ng mga kabayo, amoy kabayo syempre pero malinis naman ang paligid.

Walang ganito ang kaharian namin kaya't labis ang aking pagkamangha. Kahit papaano ay may isang bagay ako na alam kong mag-eenjoy ako sa buong pagpapanggap na ito. First time kong sumakay sa kabayo, kaya't gagawin kong memorable ang first time na ito.

"Binibining Sefina, narinig mo ang aking sinabi hindi ba? Gusto kong masolo ang aking mapapangasawa." sarkastikong itinuro ni Art ang daan pauwi ng palasyo.

Tsk! Bwesit talaga 'tong baklang 'to. Hindi ba pwedeng mag-enjoy na lang kami at wag na siyang gumawa ng katarantaduhan diyan?! Pwede naman kaming maging magkaibigan na lang, bakit pati ako tinatalo ng putik na 'to?!

"Ipagpaumanhin niyo po prinsipe ngunit malabo ang iyong nais. Mahigpit na ipinagbabawa---"

"Tsa! Nakakatawa. Umalis ka na kung ayaw niyong malaman ng mga magulang ko ang kalapastangang ginagawa ninyo ngayon, pagpapanggap, panlilinlang? Kalapastangahan iyan at alam kong alam niyo iyon. Umalis ka na binibining Sefina."

The Prince Disguised as the Princess (Short Shot!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon