"Nandito na tayo." anang kotsero.
Napadungaw ako sa bintana dahil sa curiosidad. Malawak din ang kaharian nila, hindi magulo ang mga tao at saka malinis ang kapaligiran. Ano pa ba? Bakla ang prinsipe e. Pffttsahahaha! Tahimik akong tumatawa dahil sa sarili kong naiisip.
"Prinsipe Lean, ipapa-alala ko lang ang iyong lakad at boses." si Sefina.
"Tsk! Oo na."
"Praktis po muna kayo dito sa loob ng karwahe."
"What?! Hindi naman ako makakalakad dito sa loob---"
"Ang ibig ko pong sabihin e, praktisin po natin ang iyong boses. Subukan niyo pong magboses babae."
"Tsk!" I cleared my throat at ilang beses pang huminga. "Magandang hapon prinsipe--- ano bang pangalan ng baklang yun--"
"Prinsipe Lean! Wag niyo pong isigaw na bakla ang prinsipe dito-- aish!" alam kong frustrated na si Sefina dahil napapakamot na siya sa sintido niya't napapapikit pa. "Siya si prinsipe Arthuro, pero Art ang tawag sa kanya dito sa kanilang kaharian." nagpunta talaga ako dito nang walang briefing-briefing e, just thinking about this parang iba na ang pakiramdam ko. Tsk! Nanganganib ang buhay ko dito sa pinapasok ko e.
Bumuntong hininga ako't sinimulan ulit ang pagboboses babae, "Magandang hapon prinsipe Arthuro-- ampanget naman ng Arthuro putik! Bwahahahahaha," ambakla talaga pakinggan e, kahit pangalan lang nasusuka na ako. Putik!
"Prinsipe Lean-- bilisan na po natin at malapit na tayo sa palasyo."
"Pwede bang prince Art na lang? Ampanget ng buo niyang pangalan e. Tsahahahaha bwesit! Ang Arthuro kasi ang barako para sa akin, hindi naman bagay ang pangalang yun sa mga bakl---"
"Prinsipe! ---Aish!"
"Nandito na tayo sa palasyo." anang kotsero. Pambihira nandito na nga kami.
Naunang lumabas si Sefina at ang kotsero, galit 'ata si Sefina sa akin. Psh!
Lalabas na sana ako ngunit napahinto ako dahil napako ang mata ko sa hagdanang nasa harapan ng kanilang palasyo. Nandoon ang Reyna, ang Hari, ang prinsipe at ang isang nasa 7-year old lang 'ata na prinsesa, nakangiti silang nakatingin sa akin. Putik!
Bigla akong nakaramdam nang kakaibang kaba.
Bumuntong hininga ako bago ngumiti at bumaba sa karwahe. Naalala ko ang mukha ko sa salamin kanina sa bahay namin, putik, ang ganda ko doon, kahit ako mismo na-inlab ako sa sarili ko pftahahahahaha! Taena! Ano na lang kaya kung magkagusto itong baklang Art na'to sa akin? Putik na talaga! Bwahahahahaha!
"Magandang hapon Hari, Reyna, prinsipe at prinsesa. Nandito po ang prinsesa Leandra mula sa kaharian ng Silangan." paunang pakilala ni Sefina saka yumuko, hindi ko alam ang gagawin ko kaya't bahagya niya akong siniko para mapayuko rin. Ayon nagsiyukuan na kami na parang mga tanga.
"Magandang hapon din sa inyo."
"Ako po si Josefina, maaari niyo po akong tawaging Sefina, ito naman po si Mang Berting ang aming kotsero at ito si prinsesa Leandra, ang panganay na anak nina Haring Leosian at Reyna Cassandra." pakilala ni Sefina sa akin. Bakit hindi na lang kaya si Sefina ang magiging spokesperson ko? Mas mainam pa yun, iwas buko.
"Magandang hapon sa iyo binibining Sefina. Ako naman si Aira ang Reyna ng kaharian dito sa Hilaga, ito ang aking asawa si Haring Arthur, ang aking panganay si Art at ang pangalawa si Huert." nanlaki ang mata ko nang lumapit ang bakla sa akin at kinuha ang kamay ko saka hinakan. Err-- pinipigilan ko ang pandidiri ko. Putik! Pre, hindi tayo talo! Taemo!
BINABASA MO ANG
The Prince Disguised as the Princess (Short Shot!)
Roman d'amour"Kapag sinuswerte ka nga namang utusan ng iyong amang Hari na magpanggap bilang ang kapatid mong babae para lang makipagkita sa Prinsipe ng Norte?! Tsk! Sucks!" -Leandro