Ang Utos ng Hari

13 1 0
                                    

"Prinsipe Leandro, gustong makilala ngayon ng prinsipe ng Hilaga ang prinsesa, ngunit may sakit si Leandra. Gusto kong ikaw ang pumunta doon para magpakilala sa kanila. Ayaw kong biguin ang aking magiging manugang." natigilan ako sa pag-p-PS4 at napatingin sa aking ama.

"What?! Dad, antayin niyo na lang na gumaling si Leandra, total siya naman ang magpapakasal doon sa Norte, bakit ako pa? Tsk!" padabog na reklamo ko.

"Lean! Susunod ka ngayon sa iniuutos ko kung ayaw mong masira yang nilalaro mo ngayon diyan mismo sa mukha mo! Magbihis ka na! Sefina? Bihisan si Leandro." baling niya sa katulong bago niya kami tinalikuran. Aish!

"Opo mahal na Hari." anang Sefina.

Padabog kong tinapon ang PS4 sa kama ko dahil sa subrang galit. Tsk! Bwesit talaga! Lumabas ako sa kwarto at tumungo sa kwarto ni Leandra, wala nang nagawa si Sefina at nakasunod na lang sa akin.

Kahit nakahiga si Leandra ngayon sa kanyang kama at hinang-hina ay padabog ko pa ring binuksan ang pinto niya.

"Yaaaahh! Uso ang kumatok muna no, bago pumasok. Bakit nagdadabog ka? Anong problema mo?!" Tsk! May sakit na nga't lahat lahat nagmamaldita pa rin. Ibang klasi talaga!

"Dad wants me to go and meet the prince of the North!"

"Oh? E ano naman ngayon?" A-Ano naman ngayon? Aish! I can't believe this!

"Tsk! Bumangon ka na diyan! Sigurado naman ako na kaya mo na dahil okay ka na, nagmamaldita ka na nga e. Tayo!" galit na sigaw ko.

"Yah! Your voice is irritating me, calm down brother. Tsk! Hindi ko pa kaya, okay? Ano ako sa inaakala mo, si Wonder Woman? Tsk! Hindi ko pa kaya, kaya sundin mo na lang muna si papa. Ayusin mo ah, kapag yun naturn-off sa akin, ako mismo maglilibing sa iyo! Nakuha mo ba, brother?!" she sarcastically said.

"Hoy Leandra, tumayo ka na diyan at wag nang mag-inarte pa, pwede? Magbihis ka na, dahil busy din ako sa nilalaro ko, okay? Inaabala niyo ako e." Hinahampas ko na ang gilid ng kama niya dahil nabwe-bwesit na talaga ako. Tumatawa-tawa pa 'tong bwesit na 'to kaya mas lalo akong nabwesit.

"Hahahaha, para kang tanga. Tama na nga! Sumasakit lalo ang ulo ko sa'yo e. Mas lalo akong magkakasakit dahil sa'yo. Umalis ka na dito Lean, mas lalo mong pinapalala ang sitwasyon ko, alam mo ba yun?"

"Tumayo ka na diyan sabe!" gigil na sigaw ko.

"Ano ba?! Isusumbong kita kay papa. PAPA?! SI LEANDRO OOOOHH!" napangiwi ako't parang tutulo na ang mga luha ko dahil sa natatawang tili niya. Bwesit talaga 'tong babaeng 'to, sana nga hindi na gumaling! Aish!

"Bwesit ka!" galit na sigaw ko sa kanya.

"Hahahahahaha, go go go brother. Fighting! Hmm?! Hahahahaha." nang-asar pa. Padabog akoang umalis sa kwarto niya habang inaakay ako paalis ni Sefina. Aish?!

"Ano bang makukuha ko dito kapag ginawa ko 'to? Wala naman diba?" wala sa wisyong saad ko.

"Nabanggit po ng Hari na maaari niyo na pong gawin lahat nang gusto niyo kapag ginawa niyo po ito prinsipe Leandro. Masyadong mabigat ang pinapagawa niya, kaya't kung magagawa ninyo ito nang mabuti ay magiging maganda rin ang kapalit." napatingin agad ako kay Sefina sa sinabi niya at tila nagliwanag ang mga mata ko.

"Talaga?! Sinabi ng Hari 'yan?! Talaga ba?! I'll go asked him myself---" hinigit ni Sefina ang braso ko para pigilan ako sa aking balak na puntahan ang Hari.

"Sinabi nga po ng Hari sa akin kung sakaling magtanong kayo kung kaya't hindi na po natin itatanong pa sa Hari ulit. Nag-aantay na po ang tagapaghatid sa labas kaya't kailangan na po kitang bihisan prinsipe. Tara na po." akay-akay na naman niya ako pabalik sa kwarto ko. Aish! Ano ba ako lumpo?

The Prince Disguised as the Princess (Short Shot!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon