CHAPTER 06

6 1 0
                                    

ZEO's POV

Isang linggo na rin ang lumipas simula nung pumunta dito sa school yung kaibigan ni Xanelle at isang linggo na rin simula nung mag - kaayos sila ni Lyon, tch wala namang bago.

"Uy bro! Tulala ka nanaman ah! Dahil ba yan kay Uerize?" Pang - aasar nanaman nitong sina Lyon, Paano ba naman simula nung nabanggit ko sa kanila si Uerize eh todo kantyaw sila na may gusto ako dun sa tao.

"Sira! Iniisip ko lang kung paano ko patatamaan ng bola yang mga kasiyahan nyo!" Sagot ko naman sa kanila at ang mga loko! Di man lang natakot sa sinabi ko mga nagtawanan pa.

"Oh guys! Game na ulit! Tama na ang break!" Sigaw samin ni coach

Yes! Game na ulit! Panigurado matatalo ko na si Klint sa pataasan ng points!

Lahat kami dumiretsyo na sa field maliban Kay Klint na captain ball namin.

"Coach! Is Klint not going to join us for the game?" Tanong ni Codie kay coach

"No Code, papanoorin lang muna namin kayo maglaro"

"Ahh, gege!" Sagot ni Codie sabay takbo sa field. HAHAHA ayos talaga itong si Codie, kung si Cobie lagi makikitaan ng pagrespeto opposite naman itong si Codie.

Ang ganda ng laro! Parang lahat ganado sa paglalaro, sayang nga lang wala si Klint hindi ko tuloy sya matatalo.

"Bro! Dito sakin!" Sigaw ni Lyon, Sinipa ko naman sa direksyon na yung bola.

"Nice!" Sigaw pa nito. Natawa na lang ako sa naging reaksyon nito, akala mo naman maiishoot nya sa net ang bola.

"Waaaaah! Babe! Ang galing - galing mo talaga! ILOVEYOUUUUUU!" Sigaw ni Xanelle mula doon sa may bench area.

Napalingon naman si Lyon sa gawi ni Xanelle, nalinitikan na!

"Iloveyoutoo babe! This is for you!" Sigaw naman ni Lyon.

"Gago! Naagawan kana ng bola!" Sigaw naman ni Klint na katabi ni Xanelle at ni coach.

"Argh! Bwiset!" Angal naman ni Lyon.

Tumakbo ako palapit sa goalnet namin para makita kung na kanino yung bola. Pero hindi ko makita kung sinong nakakuha.

"Zeo!Pre! Alis dyan!" Sigaw ng isang kateam namin na nasa kalaban.

Nagulat na lang ako ng magblur ang paningin ko at nakaramdam ng pagkahilo.

"Zeo!" Rinig kong sigaw ng lahat pero hindi ko na sila makita, ilang sandali pa man ay wala na akong marinig na kahit ano kasunod ng pagkawala ng nga tao sa paligid ko.

KLINT's POV

"Gago! Naagawan kana ng bola!" Sigaw ko dun sa Leong hilaw. Ang gagong yun! Inuna pa yong girlfriend? Alam naman na NASA kalagitnaan sya ng game.

"Argh! Bwiset!" Nag-angal pa tss.

Grabe! Ang galing nilang lahat ngayon, pero syempre mas magaling ako no! Captain ball yata to!

"Aba Klint parang gusto ka ng paltan ni Palma ah!" Biro ni coach na katabi ko.

"Oonga coach! Magaling naman maglaro si Zeo at syempre gwapo pa!" Kantyaw pa nitong si Xanelle

"Sumbong Maya kita kay Lyon? Gwapo pala ha!" Banta ko naman kay Xanelle, at nakita ko naman ang pag-irap nya sakin HAHAHA talo!

"Nako coach! Ayaw nan kumapit ng grupo, ang gusto nya paramihan ng goals." Sagot ko sa sinabi ni coach

"Zeo! Pre! Alis dyan!" Napalingon naman kaming tatlo doon sa sumigaw at nakitang nasipa na nito ang bola direkta kay Zeo.

Di namin namalayan na bumagsak na pala si Zeo sa ground.

"Ohmygosh!" Gulat na sigaw ni Xanelle na nagpabalik na samin sa tamang wisyo.

"Zeo!" Sabay-sabay na sigaw namin at tumakbo papalapit kay Zeo na nakalugmok na lang sa ground.

A GAME OF LIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now