CHAPTER 17

5 1 0
                                    

ZEO's POV

After kong komprontahin si Dewey sa mga ginawa nya sa Cafeteria at lalong lalo na kay Uerize ay wala na akong naabutan sa Cafeteria nung bumalik ako dun. At mahigit isang Linggo na simula noon at since that day ay Hindi ako kinakausap ng mga kaibigan ko including Xanelle. At kinakabahan na din ako kasi hindi man lang ako tinatawagan ni Uerize simula nung araw na yun! And I've been calling her many times pero I can't contact her! Hindi rin ito pumapasok!

"Krystin! Krystin!" Tawag ko doon sa babaeng kasama ni Uerize noon sa Cafeteria.

"Ah, Yes?" Sagot nito ng makalapit ako sa kanya.

"Ahm, can I ask? Kung nakakasama mo pa si Uerize? Hindi ko kasi sya nakikit eh." Tanong ko dito

"Hindi kaba napunta sa bahay nila?" Tanong nito sakin

"Nagpunta ako pero wala namang tao tsaka hindi ko narin sya macontact even her brother" sagot ko dito

"Ganon ba?" Tumango naman ako "The last time na kita ko kay Uerize ay noong dinala sya sa Hospital, Remember? Nung iniwan ko sya? Natatandaan ko nun She's crying and bleeding too, and she's unconscious that time" sagot nito na kinagulat ko

"D-dinala sya sa O-ospital?" Nauutal-utal na tanong kong muli

"Hindi mo alam? Hindi ba sinabi ni Klint sayo?"

Wala silang sinasabi sakin! Kahit sino sa kanila! Tumakbo naman ako papunta sa soccer field kung saan alam kong nandon sila.

"KLINT!" sigaw ko dito ng makarating sa field kahit na pagod pa ako sa pagtakbo eh nakuhang kwelyuhan ito " NASAN SI UERIZE!? BAKIT WALA KAYONG SINASABI SAKIN!?" sigaw ko sa pagmumuka nito kahit na naluluha na ako ay nagawa ko itong kontrolin.

"Bakit Zeo?" Singit naman ni Codie

"Shut up! I'm not asking you!" Sigaw ko dito at nabigla ng makaramdam ng  isang malakas na suntok na tumama sa muka ko.

Babawian ko sana ang kung sino mang gumawa sakin nun pero napatigil ako ng makita ang umiiyak na si Cobie habang naka tiklop ang mga daliri habang pinipigilan ng kakambal and there I saw Xanelle also crying with Lyon on her side

"BAKIT? TINATANONG MO KUNG BAKIT ZEO!? YOU KNOW WHAT!? CAUSE YOU'RE A FUCKING STUPID! IDIOT AND A JERK THAT I'VE KNOWN! SANA NAISIP MO YANG BAKIT NA YAN NUNG INIWAN MO SI UERIZE PARA KAY DEWEY!" sigaw nito sakin

This is the first time that i saw Cobie shouting at someone cause you'll always seen on his smiles not like this.

Natahimik naman ako sa sinabi ni Cobie sakin

"Wag mo ng hanapin si Uerize, Zeo dahil nung mas piliin mong sundan si Dewey noon ay nawalan ka na ng karapatan para hanapin samin si Uerize" Lyon seriously said, the they went away.

A-ako? Naiwan ako mag-isa at iniisip lahat ng mga sinabi nila sakin Am I really wrong?

WEDNESDAY After class ay nakita ko si Xanelle na nagmamadaling umalis, so what I did is to follow her hanggang sa makarating sya sa parking lot ng school, nagtago ako sa isa sa mga sasakyang nandoon para hindi nila makita

"L-lyon", tawag nya sa boyfriend nya at doon umiyak, nandon din sina Klint, Cobie at Codie

" shhh, tahan na Xanelle, let's go" pagpapatahan nito sa girlfriend at sumakay na sa kanya-kanyang sasakyan

Naisip ko na sundan sila kaya dali dali kong pinatunog ang locked ng kotse ko. I want to follow them kasi nagbabakasali ako na makikita ko si Uerize, mahigit dalwang linggo ko narin syang hindi nakikita.

Huminto ang mga sasakyan nila sa isang Private Hospital, sinigurado ko muna na naka-alis na sila bago ko ipinark ang sasakyan ko malayo sa kanila.

Nang-makapasok ako sa loob ng Hospital ay nakita ko naman agad sila na papaliko sa isang hallway kaya sumunod ako sa kanila. They stop on one of the hospital room kaya nagtago muna ako nang makapasok sila ay tsaka pa lamang ako lumabas sa pinagtaguan ko.

Dumiretsyo ako sa room na pinasukan nila at sinigurado na hindi ako makikita, pero halos maiyak na ako ng makita kung sino ang pasyente na nakasulat sa isang papel naka dikit sa may pintuan nung kwarto.

RM. 109
UERIZE CAEL HIDALGO

A GAME OF LIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now