CHAPTER 08

6 1 0
                                    

UERIZE's POV

"Clay akala ko ba eh isang araw ka lang dito? One week kana dito eh!" Reklamo ko dito sa hilaw kong stepbrother.

Paano ba naman kasi one day lang daw sya dito eh, one week ng nandito sa Pilipinas. Tapos ngayon may balak pa yata mag-stay ng mas matagal to ngayon.

At ngayon ay nandito kami sa mall para mag-grocery ng mga pagkain nya sa condo, Abala talaga sa buhay ko itong si Clay Raffel Mckinly eh.

"Uerize, ikuha mo naman ako ng milk nato dun sa kabila oh! Pleaaaaase!" Utos nito na nagpapuppy eyes pa.

"Hays fine! Intayin mo na lang ako sa counter" sambit ko dito sabay alis.

Pagdating ko sa may beverage's section ay nakita ko naman agad yung gatas na sinasabi ni Clay.

Ano kaya maganda dito? This one or? Ay! Eto na lang! Kinuha ko yung isang brand ng gatas na gusto ni Clay kaso may kasabay akong nakakuha rito.

"Excuse me, but-"

"Uerize?" Teka! Parang familiar yung boses na yun ah!

"Uy Zeo!" Tawag ko rin sa pangalan nya. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko pa nito.

"Ah,eh, sinasamahan ko si mommy mag-grocery" sagot nito na may pagkamot sa batok "ikaw? Solo ka lang?"

"Ah! HAHAHA no! I'm with Clay, nagpasama kasi mag-grocery eh." Sagot ko dito

"Ha? Akala ko ba nung Sunday lang sya dito?" Akala ko din Zeo!

"Ay ewan dun! Muka ngang magstay pa yun ng mas matagal dito eh."

"Zeo!" Napalingon naman kami pareho dun sa tumawag Kay Zeo.

"Ay si mommy talaga oh!" Rinig kong bulong ni Zeo "Ah Uerize, wait lang ha!" Sambit nito at pumunta na sa mommy nya.

Ang ganda ng mommy ni Zeo! Para syang diwata! No wonder kung bakit ganon na lang kagwapo si Zeo.

"Ikaw talagang bata ka! Bakit ba ang tagal-tagal mo?" Rinig kong tanong ng mommy ni Zeo sa kanya.

Napansin ko naman na papalapit sila sa pwesto ko at napansin ko din ang mini mommy ni Zeo.

"Mom, let me introduced you to this gorgeous lady" panimula naman ni Zeo ng makalapit muli sa akin.

"Hala anak! Ito na ba ang girlfriend mo Zeo? Ay sobrang gandang dalaga nito Zeo!" Dire-diretsyong sabi ng mommy nya.

Nangiti naman ako sa naging reaksyon ng mommy ni Zeo.

"No mom! Hindi pa! Este hindi po!" Sagot naman ni Zeo.

"Ay ganon? Sayang!" Mukang disappointed na ani ng mommy nya.

"Btw mom? This is Uerize Cael Hidalgo, and Uerize this is Zacha Palma my mom and Zoe my sister" pagpapakilala ni Zeo samin.

"Ahmm, hello mam" pagbati ko dito at inilahad ang aking kamay ngunit nagulat na lamang ako ng bigla ako nitong yakapin.

"Myghad hija! Don't call me mam! Tita na agad! Alam ko naman na magkakatuluyan kayo nyang si Zeo!" Sabi pa nito sabay pakawala sakin mula sa mahigpit na pagkakayakap.

"Ah,eh, hehe tita?" Naiilang pa na banggit ko dito.

Binalingan ko naman ng atensyon ang kapatid ni Zeo. "Hello Zoe! I'm ate Uerize" pagpapakilala ko pa rito, kaso nagtago lamang ito sa likuran ng mommy nya.

"Nako, pasensya na Uerize ganan talaga yan kapag hindi pa masyadong kilala ang tao" paliwanag pa ni Zeo. "Diba kukunin mo pa itong gatas?" Pagpapaalala nito sa dapat kong kunin.

"Hala! Nakalimutan kona! Tita, Zeo, pasensya na pero kailangan ko na umalis hinihintay nga pala ako ni Clay" Pagpapaalam ko at kumuha ng limang piraso nung gatas. "Maraming salamat po sa oras! Paalam na po!" Huling sabi ko tsaka tumakbo kung nasaan man si Clay.

A GAME OF LIFE (COMPLETED)Where stories live. Discover now