Chapter 2 - Her Thirst (2)

145 15 3
                                    


House of Count Lazarus


Naglalakad si Medea papuntang hapagkainan habang nakasunod sakaniya ang dalawang maid at may sumalubong sakaniyang lalaki.


"How are you Medea, my lovely daughter?"


Tinaas ni Medea ang kaniyang kamay senyales na tumigil ang lalaking palapit sakaniya. Ayaw niya sa mga taong basta-basta nalang siyang hinahawakan.

Ang mukha ng lalaki ay may bakas ng takot.


Sino ba 'to?


"Are you angry at your Papa, My daughter? Naaksidente ka daw habang hinahabol si Prince Athan"


Aa, siya si Alucard, tatay ni Medea, sa sobrang pagmamahal niya sa anak niya ay 'di niya pinansin ang lahat ng mga masamang ginagawa niya kay Iris Rachel, a fool I must say.


May edad ang lalaki, mga nasa 40's na. May itim itong buhok na may pagkahaba at bigote, ang mga mata nito ay katulad din ng butler niyang si Kieran, mala dugong pares na mamalahipnotismong titig.


"Okay lang po ako, medyo masakit lang ang ulo ko kaya mas mabuti kung huwag niyo muna akong yakapin."


Nilapitan parin siya ni Alucard at ipinuwesto ang kamay nito sa braso at ginabayan si Medea sa upuan nito.


"Kumain ka muna kung ganun, buti nalang at walang klase ngayon kaya makakapahinga ka. Kung gusto mo ulit mamili ng mga damit sabihan mo si Kieran para maprepare ang carriage."


Oo nga pala, walang kotse dito, kabayo padin ang transportasyon nila. Wala ding smartphone, paano ako nito mabubuhay?


Tinuloy na ni Medea ang pagkain nila ng umagahan at buti nalang alam niyang gamitin ang mga bawat kustara , tinidor at kutsilyo na may iba't ibang klaseng laki dahil nalaman niya ang western etiquette sa pagbabasa ng mga western novels.


Kung ganun...


"Pwede po ba ako pumunta kung saan pwede humiram o bumili ng mga libro?"


Kailangan niya ng maraming impormasyon sa nobelang ito, ang natatandaan lang niya ay ang bansang ito ay tinatawag na "Athanor" at ang pinapasukan niyang eskuwelahan ay "Athanor Academy of the Nobles" kaya nabully si Irish Rachel ni Medea dahil hindi siya maharlika t nakuha niya ang atensiyon ng "mahal" niyang prinsipe.


Baka may mga romance novels din do'n, para naman malibang-libang ako. Ngayon at hawak na niya ang oras, balak niyang gawin ang lahat ng gusto nitong gawin na hindi kaya gawin ng dating buhay niya.


"Anything you want, My daughter" Namula ang mukha ni Medea, hindi niya alam paano tumugon sa kaniyang ama dahil hindi nito naranasan paano maalagaan ng isa.


Tinawag ni Alucard si Kieran at inutusang ihanda ang carriage at samahan siya.


I Became a Villainess and a VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon