"Ms. Medea, gising na po ba kayo? Nagaalala si Mr. Alucard 'nong nabalitaan niyang nahimatay ka"
Napamulat si Medea ng mata at sinalubong ng isang lalaking naka itim na damit. Ang kulay ng balat nito ay sobrang nakakasilaw sa puti ni hindi niya mamulat ng mabuti ang mga niya habang ang buhok nito ay sobrang itim na parang gabi, ang mga mata naman nito ay kasing kulay ng dugo na kakalabas lang sa katawan mo.
What the hell happened?
Ang naalala ko lang ay sobrang uhaw ako at may lalaking mabango sa tabi ko at hindi ko na maalala pagkatapos.
"Teka lang, ako ba ang kinakausap mo?" Nagtaka si Medea, may sore throat ba siya? Ang boses na lumalabas sa kaniyang bibig ay mas mababa sa kinaugalian niyang malasoprano na boses.
Tumingin ito sa paligid, nasa ibang kama siya 'nong una siyang nagising. Mukhang Ospital ang una, ngayon naman ay malamansiyon na kuwarto.
Lumuhod ang magandang lalaki sa tabi ng kama.
"Opo, Ms. Medea Saffron Lazarus, nagaalala ang inyong ama na si Alucard Lazarus nang nabalitaan niya na ang nagiisa niyang anak ay nahimatay habang nasa eskuwelahan."
Ang pormal naman nito.
...Teka
"Medea?"
Binigkas niya ang pangalan na narinig niya sa nakaluhod na lalake.
"Ms. Medea Saffron Lazarus" Ulit ng lalaki.
Hindi ba siya yung...
"Kieran?"
"Ano po mapaglilingkod ko?"
Siya nga! Kung ganun, napunta ako sa isang nobela? Imposible!
Tumingin si Medea sa paligid.
"Bigyan mo ako ng salamin"
Nagulat ang lalake sa sinabi niya.
"Para saan po"
"Basta bigyan mo ako" Sumasakit nanaman ang ulo nito dahil sa paghihinala niyang nasa isa siyang nobela ngayon.
Nawala bigla sa tabi niya ang nakaluhod na lalaki.
Kung tama ako, dapat...
Lumitaw agad ang lalaki na parang nawala lang ito ng ilang segundo at ibinigay sakaniya ang isang salamin na merong hawakan.
Tinignan nito ang sarili niya sa salamin.
BINABASA MO ANG
I Became a Villainess and a Vampire
FantasíaAfter Medea woke up from an accident, she felt an immediate thirst that no one can satiate other than the man beside her. The seductress within her was released and she, herself cannot stop it. But what if another tasty dish was served in front of h...