SND

325 42 16
                                    

Note: "Dzae" means 'day/inday. Hehe

-----


Hindi na lamang ako umimik at nagpatianod sa hila ng dalawa kong kaibigan. Kanina pa kasi nila ako pinipilit na sumama sa kanila sa comedy bar.

"Kailangan natin pumunta dito. You know, tawa-tawa din minsan?" Sabi ni Chandria sabay upo sa upuan malapit sa stage.

Napaaga yata ang punta namin dito dahil kaunti pa lang ang na-okupang upuan. Hindi rin naman nagtagal ay dumami ang manonood at nagsimula na ang segment nila. Sa pagkakaalam ko, dinadayo talaga ang comedy bar na ito.

"Correction tape! At para narin sapian ka ng good vibe spirit." Sabi ni Jessa.

Napairap ako sa sinabi nilang dalawa. Ayaw ko rin naman sa ugali ko ngayon, e. Masayahin akong tao pero nagbago lahat nang maaksidente kami.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang gabing iyon. Masaya ako kasama ang pamilya ko. Nagtatawanan kami habang nasa biyahe pauwi. Sa hindi inaasahang pagkakataon, ang tawa namin ay napalitan ng sigaw dahil sa truck na bumunggo sa amin.

Ilang linggo din akong na-comatose. Lumaban ako dahil gusto ko pang mabuhay kasama ang pamilya ko, gusto ko pang ma-promote sa trabaho, gusto ko pa magkaroon ng sariling pamilya. Laban na sana hindi ko nalang ipinanalo.

Nang magising ako, masamang balita ang sumalubong sa akin. Wala na ang mga magulang ko, pati na si kuya at ang bunso naming kapatid. Nawalan ako ng ganang mabuhay. Wala akong ginawa kundi magkulong sa kwarto. Hindi ko na rin nagagampanan ang trabaho ko kaya wala silang choice kundi tanggalin ako. Lahat nawala sa akin. Sana pala namatay na lang din ako kasama ang pamilya ko.

Sina Jessa at Chandria lang ang nagtiyaga na pakisamahan ako. Kahit nag-iba ang ugali ko, hindi nila ako sinukuan. Thankful naman ako dahil kahit papaano ay sinusubukan  nilang pasiglahin ako.

"Smile na, dzae!" Rinig kong sabi ng isang baklang comedian na nasa entablado. "Ikaw lang yata ang hindi natutuwa. Kanina pa kami tawa ng tawa pero ikaw nakasimangot lang."

Hindi ko sana papansinin ang sinabi ng bakla pero mahinang siniko ako ni Jessa. Napalingon ako sa gawi niya at binigyan ng masamang tingin.

"Smile ka na daw sabi nung bakla." Medyo natatawa niyang tugon.

Doon ko lang napagtanto na nakatingin na pala lahat ng tao sa akin. Pakiramdam ko ay uminit ang aking mukha dahil sa hiya. Ayaw ko ng atensyon kaya tipid akong ngumiti para tigilan na nila ako.

Alas onse na yata ng gabi nang makauwi kaming tatlo. Hinatid nila ako para makasigurong nakauwi ako ng ligtas. Medyo OA sila sa part na iyon pero hinayaan ko na lang dahil sabi nga nila ay ayaw lang nilang maulit ang nangyari sa akin.

Nakahiga na ako sa kama para matulog ngunit biglang tumunog ang aking cellphone hudyat na may mensaheng dumating. Nagtaka ako dahil hindi uso ang text kay Jessa, lalo na kay Chandria. Usually, direkta silang tumatawag, importante man o hindi.

Inabot ko ang cellphone na nasa bedside table upang basahin ang mensaheng natanggap.

From: +639*********

Goodnight

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa aking nabasa. Ilang segundo kong tinitigan ang numero at pinilit na alalahanin kung kaninong numero ito. Baka kasi isa ito sa mga customer ko.

Mahilig ako sa mga halaman. Since nawalan ako ng interest sa lahat, ibinenta ko ang mga halaman na inalagaan ko. Sana lang talaga hindi ko pagsisihan ang kagagahan ko ngayon.

Smile na, dzae!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon