Chapter 2

60 2 0
                                    

“Sorry… Kamukha mo kasi ‘yong kakilala ko ‘pag nakatalikod ka.”

“Okay.”

Nagmamadali na rin itong naglakad papalayo. Ni hindi man lang siya nag-offer ng tulong na punasan ‘yong damit kong natapunan ng kape.

Hay jusko. 

“Ano ba naman kasi ‘yong ginawa mong ‘yon, Tanya? Dapat yata ‘g’ ang ipalit sa ‘y’ ng pangalan mo, e. Tanga yarn?” 

“Sarap yatang magpalit ng manager, ah,” pagpaparinig ko habang naghahanap ako ng tissue sa loob ng kotse niya. “Wala ka bang kahit isang pilas man lang na tissue na naitabi rito?”

“Pauwi ka na rin naman na. Doon ka na magpalit. Nagtitipid ako sa tissue-”

“Gusto mo na talaga magbakasyon, ‘no? Sige… ‘yong bakasyon na ibibigay ko sa iyo, hindi ka na pwedeng bumalik.”

“Hindi mo kaya. Alam mong ako lang ang pinagpala ng nasa itaas para matiis ‘yang ugali mo, ‘no? Tiyaka pwede ba…”

Inihagis niya sa akin ‘yong bimpo, na hindi ko malaman kung saan niya ‘yon kinuha. Kanina kasi wala naman siyang hawak na gano’n.

“Ipahinga mo na lang ‘yang walang katapusan mong pagtalak. Kailangan mo ng energy bukas para sa talk show na naka-schedule bukas. Kayo ni Loki.” 

“Bukas na ba agad ‘yon?” 

“May choice ka naman… kung bukas or hindi na itutuloy-”

“Syempre itutuloy!” pagputol ko sa sinasabi niya. “Sure naman ako pwede na rin tanggalin benda nito bukas. Hindi naman na gaano masakit. Nang ma-free naman na rin ‘yong ilong ko. Pakiramdam ko kasi habang may benda ang ilong ko, may malaking kulangot akong hindi matanggal.” 

“Ginusto mo naman ‘yan. Tiis ganda lang.”

Napangisi ako. “Para kay Loki syempre.” 

Another thing that’s why I’m excited for tomorrow’s schedule is that I was, again, after a long time, seeing Loki.

He got busy with his hosting a singing competition, and he was invited to be an emcee in an award show, and mayroon din siyang tinatrabahong teleserye, in which he’s playing the antagonist role.

He’s been busy in the past few months… and we were able to reunite just now.

Nakaka-miss siya. Grr.

*****

The night before our reunion for tomorrow, our agency told us, both Loki and I, to have a live stream on CelebriLIVE. Matagal din noong huli kaming mag-stream dito ni Loki nang magkasama kaya sure na sure akong na-miss kami no’ng mga fans namin.

One day, I came across to the internet and saw a post that he’s wishing to watch another drama na kami ‘yong bida ni Loki. 

Kung sinuman siya, pareho kami ng gusto. Another drama cutie for TanKi.

“Let’s just wait for him to join the stream…”

Nauna na kasi ako sa live stream, since hindi naman kami magkasama ngayong dalawa. Kung baga group live yata ang tawag dito, kung saan pwedeng mag-live ‘yong dalawa or higit pang tao, and then mapapanood sila ng mga viewers sa iisang live stream.

“Maybe he’s still preparing, that’s why he’s taking a little bit long.” 

“Anyway, I miss you, guys! Kumusta naman kayo?” 

Binaha ako ng sari-saring comments, and they we’re saying they’ve missed us, too. Okay lang daw sila and ang iba naman ay fina-flood ako ng heart na emoji.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 02, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Singularity: Maimed My PureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon