Prologue

50.8K 838 170
                                    

Ang kuwentong ito ay galing sa malikot na imahinasyon ng author. Ang anumang pagkakatulad ng pangalan, lugar at pangyayari ay hindi sinasadya.

This story may consists of violence and sensitive topics or scenes. Open minded readers are needed.

I am not perfect. (Well, nobody's perfect😅) I'm really not good in english and tagalog words as well (Ilongga here). Expect the grammatical and typo errors ahead. (I don't edit my stories here in Wattpad so please bear with me)

Happy reading !

Ito si Rosas Vhiie na laging nagsasabing...

SASAKTAN KO KAYO PERO HINDI KO KAYO BIBIGUIN.✨💛

PROLOGUE

"ANONG gusto mo sa 19th birthday mo, anak?" Malambing siyang tinanong ng sariling ina.

Nilingon niya ito, awtomatikong nginitian.

Noime Ysabelle Hernandez, his mom, is the most beautiful woman he have ever seen. Ang ngiti at magandang mukha nito ay palagi niyang hinahangaan. Wala na yatang makakapantay sa angking ganda nito sa paningin niya.

"Anything, mom." Nilapitan niya ito at masuyong hinalikan sa pisngi.

"I want you to kiss me on my lips." Ungot nito, nagpapalambing.

Siya naman ay napangiwi.

"Mom..." He groaned.

Natawa ito at kapagkuwan ay niyakap siya.

"Binata na talaga ang anak ko. Parang noon lang, hinahalik-halikan mo ako sa labi, eh." Kunwari ay nagtatampo ito.

"Mommy, para lang kay Daddy 'yong labi mo. Hindi na ako bata." Aniya at napabuntong-hininga.

Natatawang ginulo nito ang buhok niya. Tumingkayad pa ito ng konti dahil mas matangkad siya sa ina. Sa murang edad niya, napakabilis niyang tumangkad. Halos kasing-tangkad na niya ang ama.

"I know. Nagpapalambing lang, eh." Matamis itong ngumiti.

Nakakadala ang ngiti nito. Wala na nga yatang mas gaganda pa sa ina niya.

"I love you, mom." Muli niya itong hinalikan sa pisngi.

"I love you more, anak." Tugon nito, muling ginulo ang buhok niya.

Lumingon ito sa labas nang marinig ang pagtunog ng door bell nila.

"Your Ninang Elisse and Tito Vincent is here." Excited itong naglakad patungo sa pinto.

Binuksan ng ina ang pinto at masayang sinalubong ang mag-asawa.

Lumapit siya sa mag-asawa at awtomatikong nagmano.

"Binata na ang inaanak ko." Nakangiti siyang tinignan ni Ninang Elisse.

Ngumiti siya.

"It's nice to see you, Ninang, Ninong." Aniya sa dalawa.

Tinapik ni Ninong Vincent ang balikat niya.

"Lumalaki kang guwapo, Claude." Puri ni Ninong Vincent.

Nahihiyang napakamot siya sa batok. Natuon ang tingin niya sa batang karga-karga ng ninang niya.

Ang magagandang mga mata nito ay nakatunghay sa kanya. Mataman niya itong tinignan. Kumibot-kibot ang labi nito, nagbabadyang umiyak.

Akmang hahawakan niya ang pisngi nito nang pumalayaw ito ng iyak.

Natatawang pinatahan ito ng ninang niya.

"Natakot yata sa'yo." Anito habang pinapatahan ang anak, natatawa.

Mas lalong lumakas ang iyak ng bata.

"Let me hold her, Ninang." Aniya sa mahinang boses.

Inabot ito ng ninang niya. Napangiti siya nang awtomatiko itong tumigil sa pag-iyak nang karga na niya ito. Nakatingin ito sa kanya. Napakaganda ng mga mata nito.

"What's your name, baby girl?" He gently asked.

Umangat ang dalawang daliri nito. Natawa siya. Pangalan nito ang tinatanong niya pero ang edad nito ang sinagot sa kanya.

"Oh, I see. You're two years old." Naaaliw niyang pinisil-pisil ang pisngi nito.

Muling kumibot ang mga labi nito, nagbabadya na namang umiyak. Kaya nag desisyon na siyang ibalik ito sa ninang niya.

Akmang ibabalik na niya ito nang mahigpit nitong hinawakan ang damit niya.

Napako ang tingin niya sa bata nang matamis itong ngumiti, diretsong nakatingin sa mga mata niya.

"Her name is Baby Lyn. She's our miracle child. And her birthday is tomorrow, September 18. She will turn 2 years old tomorrow. Sabay kayo ng birthday, Claude." Nakangiting nagsalita ang ninang niya.

Ilang beses siyang napakurap, bahagyang napaiwas ng tingin sa bata.

Hindi lingid sa kaalaman niya na nakunan ang ninang niya noon. Sinabi ng doctor nito na hindi na ito mabubuntis ulit and this little child came to their life. Muling nabuntis ang ninang niya nang hindi inaasahan.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong nakita niya ang bata. Halos kakabalik lang niya mula sa ibang bansa.

Muli niyang tinignan ang bata.

"Baby Lyn..." He murmured her name softly.

Nang marinig nito ang sariling pangalan mula sa kanya ay humagikhik ito. Ang maliliit na kamay nito ay inabot ang leeg niya, malambing siyang niyakap.

He smiled.

"Nice to meet you, Baby Lyn." He whispered.

To be continued...

A/N: Gonna write this after Prinx's story. Please, 'wag mag demand ng update dito, ha? Uumpisahan ko 'to after Prinx Kal Smith. Thank you.

One Sweet Night (Completed on Nobelista)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon