y

0 0 0
                                    

SM just smiled and closed her eyes. Ramdam niya ang bawat hakbang ni Knight hanggang sa makapasok sila sa kuwarto niya at maihiga siya nito. Nagmulat lang siya ng mata ng maramdamang kinumutan siya nito.

"Pahinga ka na." Masuyo ang boses na sabi sa kaniya ni Knight.

Tumango siya saka ipinikit ulit ang mga mata.

"Rest well, Sweet Monday." Ani Knight at naramdaman niyang hinalikan siya nito sa nuo, "i'll be back later for your medicine."

SM's eyes remained closed until she heard the door to her room closed as well. Then a smile appeared on her lips as she drifted off to sleep.

Thank you, Knight. I promise to take care of you too.

CHAPTER 7

HINAPLOS NI Knight ang pisngi ni SM habang mahimbing itong natutulog. Mainit pa rin ito hanggang ngayon kahit nakainom na ito ng gamot. Bumuga siya ng marahas na hininga. If this continue, I will bring you to the Hospital tomorrow.

Knight continued caressing SM cheek as he looked at her intently.

Bumuntong-hininga siya. "Magpagaling ka na. Don't make me worry too much, Sweet Monday. It'll drive me crazy."

Tumagilid ng higa si SM saka hinawakan ang kamay niyang humahaplos sa pisngi nito. Napangiti siya ng maramdamang mahigpit ang hawak nito sa kamay niya.

She was mumbling in her sleep making him smile.

"So cute..." bulong niya na may ngiti sa mga labi saka hindi napigilan ang sarili na halikan ang dalaga sa gilid ng mga labi nito.

"... Knight..." she murmured, still asleep.

"Are you dreaming of me?" He smiled and kiss her forehead. "I would love to stay by your side but, i'll be tempted to kiss you. Hindi ako puwedeng magkasakit, hindi ako puwedeng maging mahina— kailangan kitang protektahan."

Sa mga nangyari ngayong araw, kailangan niyang maging handa. His father will not only come for him, he will also come for SM. Hindi niya alam kung kailan 'yon mangyayari kaya kailangan niyang maging handa.

He will not let anyone hurt SM. He's the one who dragged her to his world, he should be the one to protect her from it.

Knight took a deep breath and slowly pulled his hand away from SM's hold. Then he caress her hair.

"Sleep tight..." he whispered before getting up and leaving SM's room. 

Nang makababa siya sa sala, si Midnight nalang ang nandoon at nanunood ng TV na walang tunog. Kanina pa umalis si Cloud pagkatapos nilang maghapunan para sundin ang inutos niyang paglakap ng impormasyon tungkol sa paparating na namang bagong pinuno ng Triad dito sa bansa.

They have to be ready.

Umupo siya sa pang-isahang sofa na kaharap ng kinauupuang mahabang sofa ni Midnight saka pinakatitigan ang kapatid.

"Can we talk?" Tanong niya sa kapatid.

Kaagad namang ini-off ni Midnight ang TV saka tumingin sa kaniya. "I'm all ears."

Knight took a deep breath. "Why call me 'Kuya' earlier?" Deretso niyang tanong. "What's going on?"

"Pagod na ako." Sagot ni Midnight saka panagsak na nahiga sa mahabang sofa at tumitig sa kisame. "Pagod na ako, Kuya. Pagod na akong mag-isa. Siguro hindi mo nararamdaman 'yon kasi kasama mo si Cloud... pero... ako— hindi ko na kaya."

"Night..."

"Ayoko na, Kuya. Pagod na pagod na akong magpanggap palagi. Ayoko na."

Kumuyom ang kamao niya. "I'm sorry... hanggang ngayon, hindi ko pa rin nagagawa ang pangako ko sayo."

"We were both naïve back then." Midnight whispered, "look at us now... both bosses... but still powerless."

Napuno ng katahimikan ang buong salas. Walang nagsalita sa kanilang dalawa hanggang sa basagin iyon ni Night pagkalipas ng maraming minuto.

"You're not gonna accept me again, are you?" Midnight asked. "Maybe i'm already too late. I'd been ignoring you for years because I thought you abandoned me. Kahit hindi mo sabihin sakin, nararamdaman ko, Kuya. Ayaw mo na sakin. I'd been reaching out to you but you seem distant and—"

"I have to be away from you, little brother." Putol niya sa iba pa nitong sasabihin, "wala akong ibang gusto kundi bumalik tayo sa dati. I miss the look in your eyes every time you look at me before— so much trust. But... if we return like before, father will take you away again. I'm sure of that. At hindi ko alam kung saan ka na naman niya dadalhin... kung saan ka na naman niya itatago... so we have to be apart, do you understand me? To keep you safe, I have to pretend that I don't care about you anymore. But even though i'm treating you badly, I will always be your 'kuya' no matter what, you hear me?"

Kumuyom ang kamao ni Night habang mariing nakapikit ang mga mata nito. "Hanggang kailan ba tayo magiging ganito, Kuya? Pagod na ako."

Tumingala siya sa kisame saka huminga ng malalim. "Just give me time. I'll do something. I promise."

Bumaba ang tingin niya sa kapatid dahil hindi na ito umimik. Natigilan siya ng makitang nakatingin sa kaniya si Night, puno ng pagtitiwala ang kislap ng mga mata nito tulad noon.

Midnight... he's trusting me again.

And in that moment, he doesn't want to do anything that can ruin that trust again. This time, he won't disappoint his brother. Gagawin niya lahat makalabas lang ito sa buhay nito ngayon.

"What are you planning to do?" Tanong ni Midnight habang tinutulak ang sarili paupo sa sofa, "it's not as if father will let you do what you want."

"I'll figure it out."

Tumayo si Night saka nakangiting lumapit sa kaniya at ginulo ang buhok niya na ikinatigil niya. It's the first time Night did that to him. Messing his hair like he's the youngest.

"Don't worry, Kuya, this time, i'll hold on to your promise however long it takes." Ani ni Night na ginugulo pa rin ang buhok niya, "just don't abandon me ever."

He nodded.

"Sige," Midnight waved his hand at him, "alis na ako. Take care of SM."

Kaagad na sumama ang mukha niya. "Hindi mo na kailangang sabihin sakin 'yon!"

Midnight smiled. "Make sure she'll be okay. She's the first woman who can differentiate me from you. I like her—"

"She's mine!"

"We both know she's not." Kumaway ulit ang kamay nito saka lumabas ng bahay.

Siya naman ay nalukot ang mukha.

That twerp! Liking, SM, my ass! My boss is mine!

Alam niyang hindi nagbibiro si Night. SM is the first outsider who can differentiate the two of them. If it's big deal to him, it's big deal to Night as well.

Though he would give his brother everything, but not SM.

Not my Sweet Monday.

Knight sighed before locking the door and windows ang returning to SM's room. She's still asleep and her fever hasn't gone down. Mukhang hindi pa umi-epekto ang gamot na pina-inom niya rito.

Fuck!

Naglagay ulit siya ng tubig sa palangganita at masuyong hinaplos ang mukha, leeg, balikat at braso ni SM gamit ang bimpo.

Hindi siya tumigil sa paghaplos sa katawan nito hanggang sa hindi bumababa ng kaunti ang lagnat nito. Ilang oras na ang lumipas pero wala siyang pagod na maramdaman. Patuloy lang siya sa pag-aalaga sa dalaga.

"You're gonna be okay..." bulong niya kay SM ng makitang gumuhit ang sakit sa mukha nito. "You're gonna be okay..."

But SM continued being restless. Sumunod sa pagbakas ng sakit sa mukha nito ay ang luha na namalisbis mula sa mga mata nito.

"SM—"

"N-no ..." she was crying heavily now, "n-no... n-no... s—s-stop h-hurting me... stop! Stop! S-stop! No! I don't know anything! T—t-tama na... p-please... t-tama na... p—p-lease... stop... stop..."

Knight keeps on drying her tears as she begged in her sleep, "it's okay... i'm here... i'm not gonna hurt you... SM... wake up. Wake up!"

But she won't wake up and her tears keeps on streaming down her cheeks.

"SM, it's okay... i'm here..."

But nothing. SM started trashing, murmuring and crying and she keeps on pleading whoever was hurting her in her nightmare to stop. She was begging... pleading ...

And all Knight could do was lay on the bed with her and hugged her as tight as he could while caressing her hair down to her back while whispering 'i'm here' over her ear again and again.

Finally, she stopped crying and trashing.

Nakahinga ng maluwang si Knight saka tinuyo ang pisngi ng dalaga at hinalikan ito sa nuo. Thank God.

Biglang gumalaw ang dalaga na yakap ng mga bisig niya.

"K-Knight?"

Natigilan siya at binigyang distansiya ang katawan nilang dalawa.

"Boss." Kaagad siyang napangiti ng makitang gising na ito, "thank God you're awake!" He happily exclaimed then he realized their position, "sorry about our position, boss, I was just trying to calm you down. I'll get up now."

Akmang aalis siya sa kama ng pigilan siya ni SM sa kamay, doon lang niya napansin ang panlalamig at panginginig niyon.

"S-stay..." she pleaded, "I'm— i-i'm—"

Pinagsiklop niya ang kamay nilang dalawa. "I'm here. Hindi ako aalis."

SM looks relieved when he return to lay on the bed.

"Pasensiya ka na." Pabulong na sabi ni SM sa kaniya, "i'm just... just..." hindi nito masabi-sabi ang nararamdaman.

But he can see it. The fear in her eyes.

Knight smiled. "Can I hug you? Para mawala ang takot mo? Kung ayos lang naman. Don't worry, i'm not gonna do anything to you. Just hug."

Natahimik si SM at bumaba ang tingin sa magkasiklop nilang mga kamay bago ito na mismo ang naglapit ng katawan sa kaniya.

Pinaunan niya ang dalaga sa braso niya saka masuyong niyakap ang katawan nito at hinalikan sa nuo. "Rest now. Hindi ako aalis."

Naramdaman niyang tumango si SM habang isinisiksik ang katawan sa katawan niya.

Knight can feel her body shivering, her hand cold and sweating.

She's really scared.

Humugot siya ng malalim na hininga saka hinigpitan ang yakap sa dalaga.

I'm here, Sweet Monday. "Don't be afraid."

Ipinikit niya ang mga mata habang yakap pa rin ang dalaga. At hindi niya namalayang unti-unti rin siyang nakatulog.



SM's eyes twitched when light hit her face. Slowly, she opened her eyes and yawned, still feeling sleepy. But unlike yesterday, she's already feeling better. Medyo mabigat pa rin ang pakiramdam niya pero hindi na katulad kahapon.

Tumuon ang mga mata niya sa katabi niya na hawak pa rin ang kamay niya.

Knight...

He really didn't let go of her hand. Even in his sleep.

Masuyo siyang napangiti habang nakatitig sa guwapong mukha ng katabi. He really took care of her since yesterday.

She's thankful.

Mahina siya kagabi. Walang kalaban-laban kung gagawan ng masama lalo na pagkatapos niyang managinip ng masama. Pero inalagaan siya ni Knight. He didn't do anything to take advantage of her weak state.

Umangat ang kamay niyang malaya saka hinaplos ang pisngi ni Knight. Nakakailang haplos palang siya ng magsalita ito na ikinagulat pero ikinangiti rin niya.

"Naakit ka na ba sa kaguwapuhan ko?"

Instead of feeling awkward around him because they hugged last night and they're sleeping next to each other, she felt at ease and happy.

Hinaplos niya ang nakapikit pa rin nitong mga mata. "Oo, pero dahil siguro to sa lagnat ko kaya namamalikmata lang ako."

Natatawang iminulat nito ang mga mata saka tumitig ng matiim sa kaniya. "Good morning, Sweet Monday."

She smiled back and teased him. "Good morning, my Lord."

Knight's lips parted as his eyes glowed with desire, "don't turn me on, boss. I'm already hard as it is."

Tumawa siya saka napailing, "go take care of it then."

Napapantastikuhang napatitig sa kaniya ang binata. "Boss, do you know hard it is to jack off in someone else's bathroom?"

Umawang ang labi niya saka hinila ang kumot para takpan  ang mukha niya dahil sa pag-iinit niyon. "What I mean is cold shower!"

"Oh." Knight laughed. "I misunderstood."

"Knight!" Inalis niya ang kumot sa pagkakatakip sa mukha saka tiningnan ng masama ang binata. "Stop being a pervert! Nakakadalawa ka na niyan! Akala mo hindi ko narinig 'yong sinabi mo nuong nasa café tayo, doon sa opisina ko? You said something perverted too!"

Knight laughed. "It was true! I was hard, even now—"

"Too much information!" She hissed at Knight.

Knight laughed again. "You're so cute when mad... but i'm really hard—"

"Knight!" Inagaw niya ang kamay niyang hawak nito saka pinagsusuntok si Knight. "I will kick your ass, you pervert! Get off my bed. Get off!"

Tawa lang ng tawa ang loko-loko habang pinagsusuntok niya ito braso.

"I yield! I yield!" Sigaw ni Knight habang pinagsusuntok niya ito. "I yield, boss! I give up! Baka mabinat ka...boss... boss!"

"Then stop saying things like that—"

"But i. Am. Hard! I don't want to lie to you—"

Mas lumakas ang pagsuntok niya rito pero hinuli ni Knight ang kamay niya at sa isang kisap mata, kinubabawan siya nito habang nakapinid ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ng uluhan niya.

His lips was so near hers.

So near... something inside her stomach was twisting and fluttering.

Itutulak sana niya palayo si Knight ng bigla nalang bumukas ang pinto ng kuwarto niya at pumasok doon ang isang taong hindi niya inaasahang makita sa bahay niya.

He's a stranger after all.

Cloud Beaumont Sebastian. Knight's butler.

May dala itong tray na may agahan. At ni hindi man lang ito nagulat o naging apektado sa posisyon nila ni Knight, basta nilagay lang nito ang tray na may pagkain sa bedside table niya saka yumukod sa kaniya ni Knight.

"This is your breakfast, my Lady." Ani Cloud na nakayuko. "Together with your medicine." Then he looked at Knight, "while you, my Lord, please come down to the dining table. You're not sick."

Napakurap-kurap siya nang makalabas si Cloud sa kuwarto niya saka nagkatinginan sila ni Knight.

"You're butler is very professional." Komento niya.

"Yeah." Knight, then, smiled. "By the way, good morning again, boss." Pagkasabi nito niyon ay hinalikan siya nito ng mariin sa mga labi.

Bago pa siya makapag-react, nakaalis na si Knight sa ibabaw niya saka nakatakbo na palabas.

Nagpakawala siya ng malakas na hininga saka napahawak sa mga labi niya.

I'm getting used to his kisses... and if she's being honest, she quite like it.





GULAT NA GULAT si SM ng matapos siyang mag-agahan sa kuwarto niya saka nakababa sa kusina at nalamang halos ubos na lahat ng pinamili niyang grocery para sa pang dalawang linggo — lalo na 'yong madaling lutuin o gawin tulad ng kape, instant noodles, pancit canton, nuggets, canned goods like corned beef and meat loaf and many more.

And the three men responsible for that was sitting side by side on the long sofa in her house living room, with their head hang low.

There sitting arrangement... from the left. Cloud. Knight. Midnight.

"Paano niyo naubos ang grocery ko?" Hindi niya makapaniwalang tanong sa tatlo habang nakaupo siya sa pang-isahang sofa na kaharap ng mahabang sofa na kinauupuan ng tatlo. "Isang araw lang akong may sakit, naubos niyo 'yon?"

Napaigtad siya ng bigla nalang umalis sa pagkakaupo si Cloud saka lumuhod ito sa harapan niya. "I take all the responsibility, my Lady. I was so fascinated with the instant noddles, pancit canton, nuggets and canned goods that I cooked them all."

Napangiwi siya. "Wala ba niyon sa inyo?"

Umiling si Knight. "I don't even know that such thing exists."

Nasapo niya ang sentido.

"The noodles are fascinating and so easy to cook. Back in the Palace, I have to make our own noodles that'll suit my Lord's tastes buds. And the nuggets, I also have to make them, cut them, seasoned them before cooking — but here— you already have a ready made! Such thinking! And don't start me with the canned goods— they are by far tasty and so easy to cook. And I learn from Midnight that it's also cheap."

Hinilot niya ang sentido saka napatingin kay Midnight na siyang normal lang siguro sa tatlo.

He's unlike Knight and Cloud. That means, he probably didn't grow up at the same household with Knight.

Napailing siya. "It's not cheap, for you, maybe, but for commoners like me, it's pricey."

Cloud looked at her, "pricey? How much is the canned good corned beef?"

"Forty to eighty pesos— depends on the grams."

Cloud face made a so shock impression. Para itong nakakita ng multo. "Holy mother fucker— it's very cheap indeed! While I have to buy a premium meat from abroad worth ten thousand to make a ground pork."

Napanganga siya. "Ten thousand?"

"Yes, my Lady."

Napailing-iling siya. "Wow... I never felt so poor in my life."

Midnight tsked. "That's why you two are broke." Napailing ito.

"I feel ashamed." Bagsak ang balikat ni Cloud habang lugong-lugo pa rin.

"Kung ganun mula ngayon, doon na tayo bibili sa Grocery store na binibilhan ni SM." Deklara ni Knight na ikinailing niya. "Premium meat is good but, canned goods are also good. What do you say, Cloud?"

Cloud's body straightened like he has been revived or something. "Yes, my Lord. From now on, I shall only buy commoners food to save money."

Pinikit niya ang mga mata at napasandal siya sa likuran ng sofa. Kagagaling lang niya sa sakit. Kapag magpatuloy 'to, baka magkasakit siya ulit dahil sa tatlong 'to.

"Magaling na ako." Sabi niya. "Makakaalis na kayong tatlo. Salamat sa pag-aalaga niyo sakin at sa pag-ubos niya sa pagkain ko."

"No. We should replace all the food we ate." Wika ni Knight saka tumayo at nilapitan siya.

... fifteen minutes later, SM found herself entering the Grocery store where she usually buys her food.

With the three headache beside her.

Pero natigilan siya ng makitang may suot na itim na mask si Midnight saka naka-cap ito na para bang nagtatago ito. Ayaw ba nitong makita ng iba?

Must be.

Hinayaan lang ni SM ang tatlo. Kumuha ng malaking push cart si Cloud, si Knight naman at kumuha nang maliit na pushcart. Habang si Midnight naman ay walang imik lang na naglalakad sa tabi niya. Pareho silang nasa likod ni Cloud at Knight na tulak-tulak ang pushcart at panay lagay ng grocery doon.

Binalingan niya si Midnight saka nagtanong, "ayos ka lang ba?"

Walang imik itong tumango.

He doesn't look fine. Parang bigla itong lumayo kay Knight ng makapasok sila sa grocery, hindi lang 'yon, nagtakip pa ito ng mukha.

"How can you tell?" Biglang tanong sa kaniya ni Midnight na ikinabaling ulit niya rito.

"How can I tell what?"

"How can you tell that it's me and not my brother?"

"Ah, 'yon?" Nagkibit-balikat siya. "Magkaiba lang kayong dalawa. I mean, oo magkamukha kayo pero magkaiba kayo para sakin. The way you two talk and the tone of your voices when excited or when bored are very different. At saka, magkaiba ang mukha niyo ni Knight kapag walang emosyon ang mukha niyong dalawa. At kahapon ko lang napansin, magkaiba kayong ngumiti."

Midnight was just staring at her while she's explaining, then he spoke. "Ilang taon ka na?"

"Twenty-seven." Sagot niya.

"Hindi pala nagkakalayo ang edad natin. I'm just years older than you." Then he smiled. "By the way... I like you."

SM blinked at Midnight because of his bluntness. "You... like... me?"

Tumango ito. "You're the first woman who can differentiate me from my brother. That makes you special to me."

Nakaawang ang labi na napatango-tango siya. "That's nice... ahm, thank you, I guess... but..." wala sa sariling hinanap ng mga mata niya si Knight na nakita naman niyang nakikipag-argumento kay Cloud kung anong uri ng canned goods ang bibilhin ng mga ito, "... I think I can't like you that way."

"I know."

Mabilis siyang napalingon kay Midnight, "then why say that?"

"I just want to get it off my chest." Kinindatan siya nito, "and i'm not kidding."

Napangiti siya, "okay. If you say so—"

"SM." Tawag sa kaniya ni Knight saka tiningnan nito ng masama ang katabi niya, "stop talking to my boss. She's mine!"

Midnight sighed. "She's not yours." Sagot nito kay Knight.

"Not. Yet." Ani Knight saka nilapitan siya, hinawakan sa kamay at hinila palayo kay Midnight.

Nagpaubaya nalang siya pagkatapos senyasan si Midnight na sumunod.

"My Lady, how's this?" Tanong sa kaniya ni Cloud habang may hawak na canned good tuna. "Is this good?"

Bumaba ang tingin niya sa pushcart nito. There's so many canned goods. "Wow... ang dami mong pinamili."

"It's very cheap!" Cloud looks so pumped. "Nasa push cart na ang lahat ng kinain namin sa bahay mo." Iminuwestra nito ang kamay sa pushcart ni Knight, "lahat na ba ng kinain namin ay nandito na?

Tumango siya pagkatapos makita ang laman ng pushcart ni Knight. "Mukhang nandiyan na lahat. Thanks."

Cloud bows down at her before pushing his cart towards the meat section. Halatang excited na excited ito habang namimili ng karne.

Nilapitan naman ito ni Midnight at tinulungan mamili ng karne.

While Knight stands beside her. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?"

Tumango siya. "Medyo. A little more rest and i'll be back to normal."

"That's good." He glanced at her, "mula ngayon, alagaan mo ang sarili mo. Don't make me worry too much, I might go nuts."

Nakangiting tumango siya. "Salamat ulit sa pag-aalaga mo sakin." Pagkasabi niyon ay tumingkayad siya ng kaunti at hinalikan sa pisngi ang binata. "Thank you."

Knight frowned at her. "Is that a thank you kiss?"

Tumango siya. "Oo."

Napailing-iling si Knight. "That's a very wrong thank you kiss. Dapat sa labi mo ako halikan. That's how you do a proper thank you kiss."

Inirapan niya ito. "Sinong niloko mo?"

"Nagsasabi ako ng totoo." Giit nito, "anyways, heads up lang, boss, kapag magaling ka na, aakitin na kita. Ibig sabihin hahalikan kita palagi at yayakapin."

"Parang ayaw ko na tuloy gumaling." She mumbled.

Knight chuckled. "Don't say that. I'm looking forward to it. Hindi na ako makapaghintay na halikan ka ng paulit-ulit."

Tiningnan niya ito ng masama. "Gusto mong mabugbog?"

Nagkibit-balikat si Knight. "Ayos lang. Sanay na ako."

That made her still. Sanay na itong mabugbog?

Napabuntong-hininga siya dahil naramdaman niyang ayaw na niya tuloy itong pagsusuntukin. Those cuts on his back... maybe something horrible happened to him and she doesn't want him to ever remember that pain. Kahit hindi kasing sakit niyon ang pagsuntok niya rito... pain is still pain.

Anyways, kissing him won't be so bad at all. His lips feels soft and his breath smells good.

'Yon ang nasa isip ni SM hanggang sa makabayad sila sa grocery at makauwi sa bahay niya. Hinatid lang sila ni Cloud sa Taxi ni Knight samantalang ito at si Midnight ay uuwi raw sa bahay ni Knight.

And as they stood in her kitchen, Knight neared her.

"Boss?"

She looked up at him. "Hmm?"

"Can I kiss you?" He asked, like a gentleman.

Umiling siya. "May sakit pa ako. Baka mahawa ka."

"Can I hug you then?"

Tumango siya.

Knight immediately encircled his arms around her waist and pulled her closer. Ilang segundo rin siyang yakap nito bago ito nagsalita.

"Boss?"

"Hmm?" She hummed.

His lips pressed just below her ear before whispering softly over her hear. "Te quiero."


CHAPTER 8

TE QUIERO means 'I like you' in Spanish. Nalaman 'yon ni SM pagkatapos niyang halughugin ang internet kung ano ang ibig sabihin ng sinabi sa kaniya ni Knight. Some articles says it means 'I want you' as well. Te quiero is like the lightest version of Te Amo. It's an affection confession but not as deep as Te Amo.

It's like saying 'I like you' to someone. Romantically speaking.

Malakas siyang napabuntong-hininga. Sana sinabi nalang ni Knight sa lengguwaheng naiintindihan niya na gusto siya nito, hindi na pinag-research pa siya kung anong ibig sabihin nun.

But why does he likes her anyway? Wala naman siyang ginagawa rito na magugustuhan nito? Wala rin namang espesyal sa kaniya. Bakit nga ba?

He keeps on kissing me though... does he want the same thing as normal male? Sex?

Napatingin siya sa pinto ng banyo niyang nasa kuwarto. Si Knight ang nagluto ng hapunan nila. He can actually cook— pili nga lang ang kaya nitong lutuin at hindi kasing sarap ng luto ng butler nito pero puwede na.

And after their dinner, she went to her room to rest and he followed. To her shock, he said he's taking a bath in her bathroom!

  Sinabihan niya itong may banyo sa ibaba pero matigas ang ulo nito. He wanted to bath in her bathroom— in her personal bathroom! Hindi talaga ito nakinig sa kaniya.

Napailing nalang siya saka isinandal ang likod sa headboard habang nakaupo sa uluhan ng kama niya.

She was reading a book, passing the time while waiting for Knight to come out from her bathroom.

Ilang pahina na ang nababasa niya sa librong hawak ng bumukas ang pinto ng banyo. Awtomatikong doon tumuon ang mga mata niya at napatitig siya kay Knight na nakahubad-baro.

He's only wearing a rugged jeans and he's topless.

"Huwag ka ngang ganiyan sa harapan ko." Kaagad niyang rekalmo kahit maganda ang pangangatawan nito.

"Boss, diba sabi ko naman sayo, aakitin kita?" Wika nito.

Napailing siya saka natigilan ng nilapitan ni Knight ang backpack nito saka kumuha ng damit doon. At dahil nakatalikod ito sa kaniya, kitang-kita niyang maigi ang likod nitong puno ng pilat.

Some are old, some are new!

SM felt her hands tremble while looking at Knight's back. Then pain he might have felt because of those scars— the pain— the pain must have been too much! These scars on his back— these must be the reason why he has a high pain tolerance!

She can feel pity towards Knight. And fury towards the person who hurt Knight like this.

Tapos pinagsusuntok pa niya ito. I'm so sorry, Knight.

Kaagad ibinalik ni SM ang tingin sa librong binabasa ng matapos magbihis si Knight at bumaling sa kaniya.

She acted like she didn't see his back. Siguradong hindi nito gugustuhing makita niyan 'yon tulad ng ayaw niyang makita ng iba ang mga pilat sa likod niya.

Napatingin siya kay Knight ng kunin nito ang libro na hawak niya saka itinapon iyon sa paanan ng kama.

"What are you—"

SM stops speaking when Knight's knee rested on the bed, beside her, his hands pressing against the headboard, both his arms are caging her while his face was moving near hers.

This closeness... this should be suffocating for her but she's used to it. Being taken care of Knight while she's sick made her comfortable with him around.

And she actually likes this closeness because she can smell his scent. How could he smell this good? 

"You're not pushing me away." Obserba nito habang titig na titig sa kaniya.

Nagkibit-balikat siya. "What's the use? Sa sobrang kulit mo, babalik at babalik tayo sa posisyong 'to."

"True." He chuckled sexily, "but i'm glad your not pushing me away."

She stayed silent while looking straight to his deep eyes.

"Narinig mo ba ako kanina?" Tanong nito kapagkuwan. "Te quiero... i'm telling you I like you."

"I know." I looked it up.

"And your response?" He asked while his face drawing more closer to hers.

"Anong gusto mong isagot ko?" Tanong niya sa binata habang nakakunot ang nuo.

"Tell me you like me too." Anito na titig na titig sa kaniya.

"That's not possible."

Natigilan ito. "Hindi mo ako gusto? But you let me kiss you." He pointed out. "Mali ba ang pagkakaintindi ko sa nakikita kong emosyon sa mukha mo? You see, i'm good at reading people and I can read that you like me too."

So much confidence.

"Hindi kita masyadong kilala, Knight." Aniya habang sinasalubong ang mga mata nito. "Limitado lang ang alam ko tungkol sayo. I'll assume that confessing to me that you like me means you want to have a relationship with me but I can't right now. I have more important things to do than be in a relationship with someone—"

"Liligawan kita." Putol nito sa iba pa niyang sasabihin. "Sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita."

Napatanga siya sa binata. "Narinig mo ba ang sinasabi ko—"

"I can hear you. Loud and clear, boss, but," he gritted his teeth, "I don't care. This is my first time being selfish so i'm doing this all the way. I want you— and if you don't want me like I how much I want you— then i'll make you want me. I won't stop until you're head over heels in love with me."

Napanganga siya sa binata. "Nagbibiro ka ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" Mas inilapit pa nito ang mukha sa mukha niya. "Seryoso ako, SM. I'm not letting you off the hook."

SM blinked at Knight in shock. "Ganun mo ako kagusto?"

"Yes."

Napalunok siya. "Paano kung hindi ko kayang pantayan ang pagkagusto mo sakin? Oo gusto kita, pero sa tingin ko mababaw lang 'yon. And I told you, I don't want to be in any relationship right now. I'm serious, Knight."

"I'm serious too." May diin nitong sabi. "Let's see who's more serious then."

She sighed. "Knight—"

He pressed his lips on her, silencing her. Then he slid his tongue inside her mouth, shocking her when she felt tingling sensation on her belly.

What the hell!

Mariin siyang napapikit ng maramdamang hinawakan siya sa beywang ng binata at mas pinalalim ang paghalik nito sa kaniya.

He was kissing her like a man thirsty and craving for water. And when his tongue moving inside her mouth like there's a gold mine inside and he greedily wants it all.

Mahinang napadaing si SM ng maramdamang mahigpit na sinapo ni Knight ang baba niya habang sinisipsip ang dila niya.

Napahawak siya sa balikat ng binata ng kagatin nito ang pang-ibaba niyang labi habang tinutudyo ng dila nito ang dila niya. Parang nagkaroon ng isip ang dila niya na habulin ang dila nito at gayahin ang ginagawa nito.

"Knight..." daing niya ng bahagyang maghiwalay ang labi nila pero kaagad ding siniil nito ng halik ang mga labi niya.

But this time, her tongue was moving together with his. This time... she was kissing him back.

Nakalabas ang dila niya, nakikipag-espadahan sa dila ng kahalikan, nakikipagsipsipan kasabay ng paghahalo ng hininga nilang dalawa.

Darang na darang na si SM. Ang mga braso niya ay nakayakap na sa leeg ni Knight habang tumutugon sa halikan nila pero si Knight ang unang kumalas  at lumayo ito sa kaniya.

Napasabunot ito sa sariling buhok habang habol ang hiningang nakaupo sa gilid ng kama. Ilang beses itong bumuga ng marahas na hininga habang panay ang tagis ng bagang nito.

He looks likes he's in pain... like he's really trying hard to control himself from doing anything more than kissing her.

Wala sa sariling tumuon ang tingin niya sa likod nito... ang likod nitong puno ng pilat.

She wanted to comfort him... in her own way.

Paluhod siyang lumapit sa binata at umupo sa likuran nito saka niyakap ito sa beywang mula sa likuran bago inilapat ang pisngi sa likod nito.

Hinawakan naman nito ang kamay niyang nakayakap sa beywang nito at pinagsiklop ang kamay nilang dalawa, "If you keep doing this and being sweet to me, I will never let you go. Ever."

Mas humigpit pa ang yakap niya sa binata, "hindi ko sinasadya pero nakita ko kanina ang likod mo.

Knight chuckled coldly. "It's ugly isn't it?"

Umiling siya. "It's not..."

"You don't mind even if my back looks like hell?"

Tumango siya. "I don't." Gusto niyang burahin ang sakit sa boses ng binata kaya sinabi niya rito ang isa sa mga pinakatatago niyang sekreto. "I have my fair shares of scars as well, Knight. And they're not ugly. For me... i'd like to think that it's bravery. We're both brave enough to survive after being scarred like that."

Knight looked at her over his shoulder. "This is the reason why I like you... you always know what to say to me to make me feel better. Alam kong normal lang 'yon sayo kasi mabait ka naman sa lahat, pero, hindi ko maiwasang umasa na espesyal ako sayo. But I don't really care if i'm not— i'll court you until I become special to you."

Humugot ng malalim na hininga si SM saka tumango, "fine. I like you too. Feel free to court me. Hindi naman kita mapipigilan. Might as well. Let's see where it'll take us."

"Boyfriend and girlfriend of course."

Natawa siya. "Paano ka naman nakakasiguro na yon ang ending nating dalawa?" Tanong niya saka tinaasan ito ng kilay, "malay mo, may ugali ka palang hindi ko gusto."

Natigilan si Knight saka nag-iwas ng tingin, "I'm a good guy."

"We'll see." Pinakawalan niya ito sa pagkakayakap saka umupo siya sa gilid ng kama, sa tabi nito at ihinilig niya ang ulo sa balikat ng binata, "pahinga ka na, magpapahinga na rin ako."

"Can I sleep beside you?" Ungot nito, "my insomnia is not acting up whenever i'm with you. It's like you're my meds or something."

SM looked at Knight doubtfully, "gusto mo lang yatang tumabi sakin e."

"That too."

Mahina siyang natawa. "So honest."

Hinawakan nito ang kamay niya saka nilaro-laro ang daliri niya, "all my life, it's been nothing but lies and i've been nothing but a liar. But i'm not gonna do that to you." He looked at her in the eyes. "I will be as honest as possible."

Umangat ang malaya niyang kamay saka hinaplos ang pisngi ng binata. "Okay, Mr. Honest, you can sleep beside me. Pero ngayong gabi lang kasi alam kong kulang ka sa tulog dahil sa pag-aalaga sakin, bukas umuwi ka na sa bahay mo."

Knight nodded happily before flopping himself on her bed, making her chuckle.

Nahiga na rin siya sa tabi nito saka napatitig sa kisame hanggang sa maramdaman niyang umusog palapit sa kaniya si Knight at yumakap sa beywang niya.

Bumaling siya rito. "What is it?"

May pag-aalangan sa mukha nito pero sinagot pa rin siya. "Naaalala mo nuong natulog ako rito— sa salas tapos ginawa kong unan ang hita mo at binuhat kita papunta rito sa kuwarto mo ng magising ako?"

Tumango siya.

He took a deep breath, "I, ahm, I accidentally saw your scars on your back."

Natigilan siya. "Oh."

"Are you mad?" Mabilis nitong tanong.

Napatitig siya sa binata. He really wanted to be honest to her. That's nice. "No. I'm not." Aniya saka tumagilid ng higa paharap dito, "tinatago ko 'yon pero ayos lang naman kung makita mo. I saw your scars too."

Tumiim ang bagang nito, "i'm not you, so i'm gonna ask... who did that to you?"

Nakuyom niya ang kamao sa tanong ni Knight. Mahigit isang taon na ang nakakaraan pero apektado pa rin siya. "I, ahm... ahm..." she can't make herself tell him. "Ahm..."

"Never mind my question." Anito ng mapansing hindi niya kayang sabihin dito ang nangyari sa kaniya. "I think I have to earn your trust more for you to open up to me."

Nag-iwas siya ng tingin, "it's not really a secret." Pabulong niyang sabi, "halos lahat ng nakakakilala sakin, alam ang nangyari." Mahigpit na kumuyom ang kamao niya, "I, ahm," huminga siya ng malalim bago nagsalita, "I was kidnapped more than a year ago. They, ahm, contained me for more than a month."

Tumingin siya kay Knight dahil hindi ito umimik. And she was taken aback by how dark and scary his face is. He was gritting his teeth and fury is visible on his sharp eyes.

SM smiled. "But i'm okay now." Kaagad niyang sabi para kumalma ito. "I, ahm, i'll be okay."

Humaplos ang kamay nito sa mga pilat sa likod niya. Madilim pa rin ang mukha nito at nagtatagis ang bagang. "Who did this to you? Do you have a name?"

Umiling siya. "It was always dark. H-hindi ko makita ang m-mukha nila at hindi ko sila kilala."

Nararamdaman niya ang panginginig ng kamay ni Knight sa likod niya. He was livid— she can see it.

"Knight, it's okay." Hinaplos niya ang pisngi nito saka nginitian ito, "i'm okay now— i'm safe now. Calm down."

Tumango si Knight pero nakikita niyang nagtatagis ang bagang nito at panay kuyom ng kamao. Gumagalaw ang panga nito habang nakapikit ang mga mata.

He's shaking in anger. And maybe she's a bad person for being happy that someone is mad for her. That someone cared this much.

Oh, Knight...

SM leaned in and kissed Knight on the lips before whispering, "calm down... i'm fine."

He opened his eyes, there's no lividness anymore but she can tell, she can feel it, he's still mad. "I'll make them pay."

Tumango siya kasi alam niyang sinasabi lang nito iyon dahil sa galit na nararamdaman nito. "Okay... just calm down. Pahinga ka na."

He just stared at her.

"Knight—"

"I'll make them pay." Ulit nito saka hinaplos ang mga pilat niya sa likod, "i will return what they did to you tenfold."

Tumango siya saka ngumiti. "Thank you." Pinisil niya ang kamay nito, "tulog ka na. Papasok na tayo bukas sa café, hindi tayo puwedeng ma-late."

Finally, he smiled. "Yes, boss."

Napailing siya, "good night."

"Good night." He replied before kissing her on the lips.

It was just a peck making her smile.

"Namimihasa tayo ah." Sabi niya kay Knight. "Nanliligaw ka palang tapos halik ka na ng halik."

Ngumisi lang ang loko saka kinindatan siya bago ipinikit ang mga mata. Siya naman ay pinakatitigan ang binata saka masuyong ngumiti.

He's a nobility and being romantically involved with him won't end well. She knows that much. Royalty is for royalty as well. That's how the world works. Harsh but that's how reality is.

Someday, Knight will leave her.

And it made her question herself. Why would she open her heart to someone who's bound to leave her anyway?

Ano bang iniisip ko ng sabihin kong puwede niya akong ligawan?

This will not end well. This won't have a happy ending. But why am I looking forward to being with him?





"NASAAN SI Midnight?" Tanong ni Knight kay Cloud ng makapasok siya sa bahay niya. It's already 1AM. Kauuwi lang niya galing sa trabaho. He's a DJ in a Radio Station. Doon siya tumuloy pagkatapos ihatid si SM sa bahay nito.

"In his room." Sagot ni Cloud sa kaniya. "Sleeping. You though realize, my Lord, that it's already 1AM."

"Kung ganun bakit gising ka pa?" Kinunotan niya ng nuo si Cloud. "And why the fuck are you sucking lollipop?"

"It's good." Sagot nito, "isa ito sa mga binili natin sa grocery at nasarapan ako. Actually, mauubos ko na ang isang pack. This flavour is nice, my Lord."

Napailing siya saka iniwan ang butler sa salas saka tinungo ang kuwarto ni Midnight.

"Little brother." Tawag niya kay Night na mukhang natutulog na.

Nilapitan niya ito saka inilapat niya ang laman ng cellophane na dala.

Kaagad namang bumalikwas ng bangon si Night. "What the fuck!" Napahawak ito sa pisngi. "What was that?! It's cold!"

Knight laughed then handed the cellophane to Night. "Binili ko para sayo."

Tinanggap naman 'yon ng kapatid saka inilabas ang laman.

Night's face lit up when he saw what's inside. "Ice cream!" He grinned. "Hell, yeah! Thanks, Kuya!"

Kuya. It's so nice to hear again. "Kainin mo na bago pa matunaw 'yan."

Night excitedly run out of the room and went to the kitchen. Siya naman ay pumasok sa kuwarto niya saka naligo. Pagkalabas niya ay napakunot ang nuo niya ng marinig na nag-iingay ang cellphone niya.

At 1AM? Who would be calling him at this hour? One of the lunatics?

Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, mabilis niyang sinagot 'yon.

"Boss?" He was worried.

"K-Knight... h-hey... b-bakit gising ka pa?"

SM's voice... it's shaking.

"Boss, okay ka lang?"

"Y-yeah..."

"Bakit gising ka pa?"

"N-nightmare."

He stilled. The same nightmare she had when she had a fever? That kind of nightmare? She was trembling back then.

"Ayos lang ako." Anito kapagkuwan, "this happens all the time. Di ko nga alam bakit kita tinawagan, h-hindi maman ako nang-iisturbo noon kapag nananaginip ako ng masama. M-maybe I just want to h-hear your voice, hoping i-it'll calm me down."

Worry consumed him even more. "Well? Are you calm now?"

"Medyo."

Kumuyom ang kamao niya. "Gusto mong puntahan kita?"

"Huwag." Mabilis nitong sabi, "magmamadaling araw na. Tulog ka nalang."

"But you—"

"Ayos lang ako." She said, reassuring him but her voice was still trembling a little, "pahinga ka na. Good night."

"G'night."

Nang mawala ang dalaga sa kabilang linya, nagbihis siya saka nahiga sa kama. Ilang minuto na siyang nakatitig sa kisame pero hindi pa rin siya makatulog.

He already counted a lot of sheeps in his head but nothing.

It's his insomnia again.

He hates taking sleeping pills.

Pero kapag kasama niya si SM, bakit napakadali sa kaniya ang makatulog? Is it because he's calm when he's with her?

At this rate... he'll be a zombie tomorrow. When was the last time he fell asleep? That was two days ago... in SM's room.

Fuck!

Inabot niya ang cellphone at akmang tatawagan si Valerian pero naisip niya si Grace. Siguradong mai-isturbo niya ito. Ayos lang sana kung si Val lang, pero tiyak na magigising si Grace.

Double fuck!

Bumangon siya saka lumabas ng kuwarto. It's nearing 2AM but the house is still awake. Cloud was vacuuming the living room while Night was eating ice cream in the kitchen.

"Cloud, i'm going out." Aniya sa butler niya.

Yumukod lang si Cloud na may lollipop pa rin sa bibig saka isinara ang pintong nilabasan niya.

Using his taxi, he went to SM's house.

Inakyat na naman niya ang gate saka umikot patungong kanang bahagi ng bahay kung nasaan ang kuwarto ng dalaga, pagkatapos ay ti-next niya ito para malaman kung gising pa ito.

'I'm outside your house. Open the window in your room.'

SM didn't reply but the wide sliding glass window on her room opened.

Kaagad siyang kumaway kay SM na bakas ang gulat sa mukha ng makita siya sa ibaba.

"Diyan ka lang, bababa ako—"

"No need." Aniya saka inakyat niya ang bintana nito ng walang kahirap-hirap.

He was used to climbing buildings and stuff so this isn't really hard to do.

Nang makapasok siya sa bintana ng kuwarto ni SM at naisara 'yon namimilog ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.

"Saan ka natutong umakyat ng ganun?" Puno ng pagtatakang tanong ng dalaga sa kaniya.

Nangako siya sa sarili na hindi siya magsisinungaling kay SM. He promised not to pretend in front of the woman he likes so much. "Pinag-aralan ko."

"Pinag-aralan mong umakyat ng bahay?"

Mahina siyang natawa saka nilapitan ang dalaga at niyakap ito ng mahigpit. "Ayos ka na ba? You still look pale."

"I'm fine." She whispered.

Her 'i'm fine' is totally a lie. He can tell.

Mas humigpit ang yakap niya rito. "I know you're not fine. Stop lying to me."

SM didn't say anything, she just hugged him back silently.

Nanatili silang magkayakap ng ilang minuto sa gitna ng katahimikan hanggang sa basagin 'yon ni SM.

"I don't know why i'm being like this." Bulong nito habang mahigpit na nakayakap sa beywang niya. "Palagi naman akong nananaginip ng masama dati at nakakaya ko namang lampasan 'yon. But now... why am I depending on you to make me feel better? Sanay maman akong mag-isa... bakit ngayon kailangan kita para kumalma? Nabuhay naman ako ng ganito sa loob ng mahigit isang taon na wala ka. This isn't fair."

Knight pulled away a little to cupped SM's face and kissed her forehead. "You can depend on me anytime. I don't mind."

Hindi umimik si SM at tumitig lang sa kaniya. She was just staring at him... intently... and what she did next stunned him.

She tiptoed and kissed him on the lips.

It's the first time that she initiated the kiss.

And his lips automatically move to return her kiss. Lips to lips. Tongue to tongue. Biting each others lips and sucking each others tongue and groaning together pleasurably. Kahit ang kamay niya ay nasa beywang na nang dalaga, pumispisil at humahaplos.

He felt his length hardened and his body responding to the heat. His mind is turning blank, only he could think about was how good SM would fee underneath him.

Knight wanted to stop... he wanted to pull away... to get his hands off SM... but he found himself falling unto the bed, with SM underneat him.

And his lips has a mind of it's own... kissing SM fervently, moving down to her chin, kissing her neck and nibbling her skin, moving down towards the valley of her breast.

I need to stop! Fuck!

He was forcing himself to stop but then, he heard SM's soft moan... destroying the tiniest self-control he has ever left.


*** Sorry in advance, i think some of you might not see the emojis ߘŠbut i hope you do... Happy Reading.

ߑѰߑѰߑэ

CHAPTER 9

HINDI alam ni SM kung anong iisipin niya— kung ano bang kailangan sa kaniya ng isang konde. She thought it was sex that he wanted— like normal male— so she tested her theory if him only wanting sex from her but Knight stopped.

He stopped and he just hugged her... saying sorry for being weak.

Naiiling na napangiti siya ng maalala ang higpit ng yakap nito sa kaniya. It's been three days since it happened but she can still remember how he clung to her that night while apologizing for losing control.

Pero kahit ganun ito, hindi pa rin niya ito matatawag na 'nice guy'. He may have stopped himself that night but he's still a pervert most of the time.

Maraming pagkakataon na matatawag niyang maginoo ang binata pero mas marami ang pagkakataaon na matatawag niya itong bastos.

Maginoong bastos. It's actually a nice combination.

"...670 pesos po, Ma'am." Sabi niya sa costumer na katatapos lang umorder.

Siya ngayon ang nasa kahera dahil lunch break ni Monet. Pagkatapos suklian ang pera ng babae, nakita niyang naglalakad palapit sa counter si Knight.

"I'm tired." Wika nito saka nangalumbaba sa kabilang panig ng counter na nakaharap sa kaniya, "can I kiss you? I need my Sweet Monday vitamins."

Bilang sagot, kumuha siya ng isang slice ng chocolate cake sa cake display chiller at inilapag iyon sa harapan ni Knight. "Here. Your vitamin."

Malakas na bumuntong-hininga si Knight, "I guess this will do."

Napailing siya ng kunin ni Knight ang platito na may chocolate cake saka umikot ito papasok sa loob ng counter, palapit sa kaniya.

"Anong ginagawa—"

The ganache covering the cake was still a little soft and wet, so when Knight dipped his finger, the ganache immediately coated his fingertips.

And what he did next stunned her.

Ihinaplos nito ang daliri na nababalot ng ganache sa gilid ng leeg niya dahilan para lumipat doon ang ganache.

And what he did next was more than shocking than the first one.

Knight leaned in to her neck and licked the ganache off of her.

Mabilis na nasapo ni SM ang parte ng leeg na dinilaan ni Knight at malalaki ang matang humarap rito. Nararamdaman niya ang pag-iinit ng pisngi niya, ang pagtibok ng malakas ng puso niya at ang kakaibang kiliti sa loob ng katawan niya.

It was a simple lick but it took her back to the time when he was kissing her neck that night. It felt good... so good her inhibition flew through the window— so good that she felt like her body was engulfed in flame and she wanted more of that feeling.

"A-anong ginagawa mo?" Lihim na habol ang hininga na tanong niya kay Knight.

"Gusto ko lang malaman kung mas masarap ang ganache kapag nasa katawan mo— hmm... I was right... it's more delicious." Bumaba ang tingin ni Knight sa bahagyan niyang nakaawang na labi, "don't look at me like that, boss."

"Look at you like what?" Halos pabulong niyang tanong.

He leaned in and whispered over her ear, "like you want me... you're making it hard for me to control myself."

Kumuyom ang kamao niya at handa nang suntikin ang binata para makaiwas siya rito ng pumasok sa isip niya ang likod nitong puno ng pilat.

Pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang masaktan ito.

Kaya ang ginawa niya, humakbang siya palayo dito at hindi umimik habang pinapakalma niya ang epekto ng ginawa nito sa katawan niya.

This man! One lick on her neck and she felt so hot and bothered!

Pero si Knight... bumalik ito sa trabaho na parang wala lang. Nang magtama ang mga mata nila habang nagsi-serve ito ng pagkain, tiningnan niya ito ng masama na sinagot lang nito ng pagkindat.

Napailing nalang siya at nagpasalamat na nakabalik na si Monet.

Bumalik siya sa opisina niya saka tumingin sa kalendaryo na nasa likod ng pintuan.

It's today.

Kaagad siyang kumilos at lumapit sa mesa kung saan naroon ang spongecake na pinapalamig niya.

Bumukas ang pinto ng opisina niya. "Boss—"

"Huwag kang pumasok!" Sabi niya kay Knight habang abala sa pagdi-disenyo sa sponge cake. "Kumain ka nalang mag-isa. Hindi ako nagugutom."

"SM—"

"Go away, Knight." Pagtataboy niya rito habang nakatutok ang mata sa cake na nasa harapan.

Thank God Knight listened.

SM used ganache as double filling— she made sure it's creamy and delicious— and used fondant to wrap the crown shape sponge cake and designed it.

Nang matapos niyang gawin ang cake, napangiti nalang siya habang tinitigan 'yon.

"Just finishing touches..." bulong niya saka gumamit ng food paint para kulayan ang paligid ng pabilog na cake.

SM poured all her skills and her heart into making the cake and when it was done, she felt proud.

"Sana magustuhan niya 'to." Nakangiting bulong niya sa sarili.





PABAGSAK NA NAUPO si Knight sa sofa ng bahay habang walang buhay na nakatingin sa kawalan. Hindi niya magawang ngumiti kahit peke 'yon. He just doesn't feel weak or lifeless— he felt scared as well.

Today— SM won't even look at him. Ni hindi ito kumain kasama siya na palagi naman nilang ginagawa.

Is it because of what he did? I couldn't help it. Her neck was sexy as hell.

He was out of line, he's sure of that.

But when he apologized earlier, she just brushed him off.

"—my Lord, are you listening to me?"

Tumingala siya saka nakita si Cloud sa harapan niya. "What?"

Bumuntong-hininga ito. "I'm asking why you look upset and down." Napailing ito, "you look depressed actually."

Knight sighed. "Cloud?"

"Yes, my Lord?"

"Is licking someone on the neck wrong?"

Napangiwi sa kaniya ang butler, "my Lord, a neck is a very intimate part of the body."

"So if I lick your neck, would you be mad?"

His butler looked at him flatly, "how would I know? I don't swing that way."

Bumuntong-hininga siya saka tinulak niya patayo ang sarili, "you're useless. Don't talk to me."

Sumama ang mukha ni Cloud. "You're the one who asked, my Lord!"

Hindi niya pinansin si Cloud at naglakad siya palabas ng bahay kung saan nakasalubong niya ang kapatid sa pintuan.

"Night?"

Midnight blinked at him, "yes, Kuya?"

"If I lick your neck, would you be mad?" Walang buhay niyang tanong sa kapatid.

Tumaas ang dalawang kilay ni Midnight. "You gay? No worries, I will still accept you."

Knight sighed heavily. "I'm surrounded by idiots."

Nilampasan niya ang kapatid saka tinungo ang bahay ni Valerian. Habang naglalakad siya papunta dun, nagpadala siya ng mensahe sa group chat nilang magkakaibigan.

"Hi, Grace." Kaagad siyang ngumiti ng pagbuksan siya ng asawa ni Val.

"Knight!" Kaagad namang ngumiti ito sa kaniya. "It's nice to see you again. Pasok ka."

Kaagad naman siyang pumasok. "Si Val?"

"In his study." Sagot ni Grace, "puntahan mo nalang. Dadalhan kita ng meryenda."

Nalukob siya ng takot. "H-hindi mo naman niluto ang meryenda diba?"

Tumawa lang si Grace saka iniwan siya sa salas.

Napailing siya saka ilang beses na huminga ng malalim. Val's wife can cook now but still— he has a trauma, thanks to her cupcakes before.

It was hell!

Nagtaasan ang balahibo niya ng maalala niya ang pinagdaanan niya dahil sa cupcake ni Grace. Napailing siya.

Never again! So traumatic!

Kumatok muna siya sa pinto ng study ni Valerian bago pumasok. "Best friend?"

"Wala akong best friend na espanyol. Mga mananakop at mapanakit!"

Ngumiti lang siya saka umupo sa visitor's chair sa harap ng kinauupuang mesa ni Valerian. "Val, may problema ako."

Nag-angat ng tingin sa kaniya ang kaibigan mula sa binabasa nitong report. "Who's neck did you lick?"

Namilog ang mata niya. "Waah! How did you know?"

Pinakita nito sa kaniya ang group chat nila sa cellphone nito at malakas na binasa ang mensaheng pinadala niya dun. "If I lick your neck, would you be mad?" Tinignan siya nito ng masama. "You're such a fucking idiot. Kaninong tang'nang leeg ba ang dinilaan mo? Kinagat mo pa sana, nahiya ka pa!"

Nangalumbaba siya sa gilid ng mesa ni Valerian kapagkuwan ay isinubsob niya ang mukha sa mesa nito. "Ang sarap lang kasi ng leeg niya."

"What fucking are you, a fucking vampire?" Valerian tsked. "Basahin mo ang reply ng mga malilibog nating kaibigan para malaman mo."

Umayos siya ng upo saka inagaw ang cellphone na hawak ni Val.

"Hey! That's my fucking phone!" Inis nitong sabi. "Gamitin mo ang cellphone mo!"

"Tinatamad akong kunin sa bulsa ko."

Napailing malang si Valerian at hinayaan siya. Siya naman ay binasa ang reply ng mga baliw niyang kaibigan.

GROUP CHAT NAME: Iuhence is Sexy and handsome

Nagtatakang tumingin siya kay Valerian. "Bakit palaging nag-iiba ang pangalan ng group chat natin? Last month it was 'Lust after me'."

"Kasi mga baliw ang mga kaibigan natin." Isinara nito ang folder na binabasa, "lahat may gustong ipangalan sa group chat kaya sabi ni Zapanta, magpapalit ng group chat name kada buwan. Next month is your turn to change the name."

Hinilot niya ang sumasakit sa sentido. "Woah... I forget about that. My head hurts."

Kinunotan siya ng nuo ni Valerian. "Have you been sleeping these past few days?"

Tumango siya saka nangalumbaba na naman. "Two days ago... I think."

Valerian tsked. "Kaya naman pala para kang zombie. Why don't you take some sleeping pills. Kahit ngayon lang?"

Umiling siya saka binasa ang mga message sa group chat nila.

Iuhence Vergara: @Knight, who did you ߑſ

Lash Coleman: What are you, a dog? @Iuhence that's a nasty tongue emoji you got.

Mandurugasߔʠ: Pustahan tayo. Babae o lalaki ang dinilaan ni @Knight?

Lath Coleman: @Knight alam naming kulang-kulang ka pero para mangdila ka? Inatake ka na naman ba? @mandurugasߔʠI bet it's a male. Walang papatol na babae kay @Knight.

Mandurugasߔʺ Why the fuck is there a knife besides my name?! And who change my nickname again?!!! ߘpߘpߘM

Cali Sudalga: ߤàmangtataga ka raw kasi. Bagay 'yan sayo.

Mandurugasߔʺ @Cali see this? ߖհߏ۠it's called füćk you!

Cali Sudalga: ߤðߤðߤà

Train Wolkzbin: Hindi ako pupusta, mga gago. Hindi niyo nga ako mabayaran ng personal, dito pa kaya sa chat?

Lander Storm: Let's make an agreement.

Ymar Stroam: Like a form? Yong pipirmahan natin na magbabayad tayo? Deal. Let's make it official. Mga mandurugas ang mga tao sa group chat na 'to.

Tyron Zapanta: Magkano ang pustahan?

Calyx Vargaz: Five pesos.

Dark Montero: Five pesos tapos may agreement form pang nalalaman? Ano 'to, gaguhan?

Evren Yilmaz: Want me to notarize it? Come to think of it, mas mahal pa magpa-notarize keysa sa pustahan.

Khairro Sanford: @EvrenYilmaz Speaking of notarize, 'yong pina-notaryohan ko sayo hindi kompleto ang detalye na nandun.

Evren Yilmaz: @Khairro, kalahati palang ang binayaran mo, kaya hinati ko rin ang detalye na inilagay ko ߘϠ

Dark Montero: @Khairro, ang yaman-yaman mo tapos kalahati lang binayad mo sa notaryo? Fuck, Sanford, you're so cheap.

Khairro Sanford: ߘҠfriendly discount ang tawag dun. Dapat nga 20 pesos nalang 'yon, pero dahil kaibigan tayo, ginawa ko nalang na 25 pesos.

Napabuntong-hininga si Knight. Lunatics!

Nag-chat siya gamit ang cellphone ni Valerian.

Valerian Volkzki: Well? Would you be mad if I lick your neck? — Handsome and sexy Knight here using Val's phone.

Evren Yilmaz: Depende sa gender yan. 

Lysander Callahan: If it's a woman...

Dark Montero: Kissing a woman on the neck means I want to have sex with you. Vulgarly speaking.

Valerian Volkzki: ߘѰߘѰߘѰߘѠ

Evren Yilmaz: And if it's a man...

Lysander Callahan: It means you're gay.

Dark Montero: Sayang ang lahi mo @Valerian.

Calyx Vargaz: Pero tanggap ka pa rin naman namin kahit maging kasapi ka ng LGBT.

Valerian Volkzki: ߘѰߘѰߘѰߘэ

Pinakita niya kay Valerian ang chat-chat nilang magkakaibigan. "Val, look, they're bullying me."

Then, Phoenix Martinez sent a message.

Phoenix Martinez: @Valerian what the fuck?! ߘѠyou're gay? Since when?! What did Grace say? Fuck!

Nagtatagis ang bagang na nag-reply si Valerian na lihim niyang ikinatawa.

Valerian Volkzki: @Phoenix you imbecile! ߤ̠mag back read kang tang'na ka! ⚰️ do you see this fucking emoji?! That's a fucking coffin and I will put you there if you don't back read right fucking now!

Tamang-tama naman na pumasok si Grace sa Study na may dalang tray na may cake at beer para sa kaniya.

"Mooncake!" Kaagad na niyakap ni Valerian si Grace ng mailapag nito ang tray sa lamesa. "Look! Read this!" Pinabasa talaga ni Val ang chat-chat nila. "How could he think that i'm a fucking gay?! Binuntis na nga kita e!"

Pigil ni Knight ang matawa ng malakas ng tumawa si Grace pagkatapos nitong basahin ang convo nilang magkakaibigan.

"Oh, my poor husband," hinaplos ni Grace ang pisngi ni Valerian na masama pa rin ang mukha, "don't mind them. Binibiro ka lang ng mga 'yon. Kilala mo naman ang mga kaibigan mo." Kapagkuwan ay tumingin sa kaniya si Grace. "There are three kind of women so it depends on who she is. First is the wild woman who will kiss you if you lick her neck, second is the in between woman who would punch you or run away and third is the innocent woman who will blush."

Tumaas ang dalawa niyang kilay. "At saan mo naman nalaman ang mga 'yon?"

Grace grinned. "Kay Czarina."

"Ymar's weird wife?" Sabay nilang tanong ni Valerian.

Tumango si Grace. "Mabait naman si Czarina ah. She's just a little weird but she's nice." Hinaplos nito ang buhok ni Valerian, "siya pa nga ang nagturo sakin sa mga sex position na nagustuhan mo."

Na-i-ubo ni Valerian ang kapeng sinisimsim nito at siya naman ay muntik nang mabilaukan ng beer na iniinom.

Grace is still innocent sometimes.

Knight grunted. "I always said that there's no such thing as too much information but this— this is fucking too much. I'm out of here! Thanks for the cake, Gracey."

"Don't call my wife with cute nicknames!" Singhal sa kaniya ni Val.

"Knight, yong cake!" Tawag sa kaniya ni Grace. "Di mo kinain—"

"Baka sumakit ang tiyan ko." Tumatawang sabi niya.

"Knight!" Tiningnan siya ng masama ni Grace. "Come back here!"

Tumawa lang siya saka tumakbong palabas ng bahay ni Valerian. Nang naglalakad na siya pabalik sa bahay niya, naalala niya ang reaksiyon ni SM kanina dahil sa ginawa niya.

She took a step back— away from him.

Is it because she knew the meaning of that kiss on the neck? But it wasn't a kiss... it was a lick!

Holy fuck! If kissing on the neck means 'I want to have sex with you' then the lick on the neck is much more severe than that?!

Masyado siyang focus sa trabaho niya at ibang personal na bagay para pagtuunan ng pansin ang mga bagay na 'to. It's not like he's a womanizer. He doesn't date either. When was the last time he had been with a woman? He can't remember.

He avoids women all together because his mind is already jaded. So many what if.

What if the woman was sent by the Triad? What if she's a spy? What if she's an assassin paid to kill him?

Si SM lang ang babaeng nakapasok sa mundo niya. She entered his life unknowingly and invaded his heart effortlessly.

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang dibdib niya at nanigas ang buo niyang katawan ng maalala na naman ang paglayo nito sa kaniya kanina at ang pagtataboy nito sa kaniya. So she's the woman in between that Grave was talking about.

I bet she's mad. Fuck! He should say sorry again tomorrow— or tonight?

Tumigil siya sa paglalakad saka kinuha ang cellphone sa bulsa.

There's a lot of chat from their group chat.

*Evren Yilmaz sent an attachment*

Binuksan iyon ni Knight.

Napailing siya ng makitang agreement form 'yon tungkol sa pustahan ng mga ito.

He tsked. These lunatics.

Knight Velasquez: I licked a girl. Idiots.

Valerian Volkzki: ߘҍ

Mandurugasߔʺ ߥӍ

Lath Coleman: Binata na siya.

Calyx Vargaz: May manglilibre ng bbq at beer.

Iuhence Vergara: Binata ka na @Knight. Pautang nga.

Dark Montero: @Tryon pasok.

Tyron Zapanta: Welcome to UnderStanding Possessive Men's Club. You may rest in peace, fucker.

He sighed and shook his head. "I feel loved." Sarkastiko niyang sabi.

Ibubulsa sana niya ang cellphone ng makatanggap ng text mula kay SM.

Mabilis ang tibok ng puso niya na binuksan 'yon.

From: My Sweet Monday

Yep. He change her name in his contact.

'Can you come over? Bring Cloud and Midnight with you. I'll leave the door unlock for you.'

Worry consumed him. Is she sick again?!

Mabilis niyang tinawagan si Cloud habang tumatakbo siya patungo sa bahay niya para ipahanda rito ang taxi niya. Nang makarating siya sa gate ng bahay, naghihintay na sa kaniya ang taxi niya.

Cloud was the driver, he was on the passenger seat and Midnight was on the back seat.

Halos paliparin ni Cloud ang taxi patungo sa bahay ni SM.

"Ano bang sabi niya?" Tanong sa kaniya ni Midnight na may pag-aalala. "Is she okay? Is she sick again?"

"I don't know." He was feeling anxious. "She just wants us to come over! The last time we were in her house, she was sick so i'll assume that maybe she's sick again! Fuck it! Bakit ba hindi siya nag-iingat?! Balak niya ba akong baliwin sa pag-aalala?!"

"Don't worry, my Lord, we're near." Pagpapakalma sa kaniya ni Cloud.

"Fuck..."

Halos mapasubsob silang tatlo ng iparada ni Cloud ang taxi sa labas ng bahay ni SM.

They didn't use the doorbell. They all climbed the gate and run towards the house door.

Mabilis silang pumasok at kaagad na hinanap ang dalaga.

"Boss!"

"My Lady!" It was Cloud.

"SM!" It was Night.

He was frantically looking when they heard a faint voice coming from the kitchen.

"In here..."

The three of them immediately run towards the kitchen only to be greeted by confetti poppers.

Natigilan silang tatlo saka gulat at nagtatakang napatitig kay SM na may masayang ngiti sa mga labi.

"What's this?"

SM smiled sweetly at him. "Happy Birthday, Count Knight Alastair Minrod Gutterez Velasquez!"

He froze as his eyes went to the dining table.

Home cooked meals. Beer. And his favourite— cake. Specially designed for him.

A crown shape cake with a man carrying a sword while riding a horse like a knight in medieval times.

And the 'Happy Birthday, Knight' was written on the side of the cake.

Tumingin siya kay SM. "How did you—"

SM was still smiling happily. "Your resume."

Tumingin ulit siya sa cake. He's happy, but at the same time guilty.

Lumapit sa kaniya si SM. "Hindi mo ba nagustuhan? Sorry... gusto lang kitang surpresahin. Ito yong ginagawa ko kanina kaya hindi ako nakapag-lunch kasama ka."

He was silent as he looked at the cake.

"Kung ayaw mo sa fondant cake, may ginawa rin akong triple Bavarian cake." Masayang balita sa kaniya ni SM. "Gusto mo ilabas ko sa Ref? Mas gusto mo ba 'yon—"

"Boss."

Napatitig ito sa kaniya. "Hmm?"

"I'm happy— I really am... but—"

"You don't like the cake?" Nakangiwing tanong sa kaniya ni SM.

Umiling siya. "... but it's not my birthday today."

Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ni SM. "P-pero sa resume mo, sigurado akong ngayong araw 'yon. Binilogan ko pa ang kalendaryo sa opisina ko para hindi ako makalimot."

"My birthday in my resume," he feels ashamed and guilty as he looked at SM who made an effort to celebrate his 'fake' birthday. "I just... m-made it up."

Nakita ni Knight ang pagbagsak ng balikat nito.

"Oh." Was all SM said.

"I'm sorry." Aniya saka niyakap ang dalaga, "I lied."

After he confessed his lie, SM's silence was deafening. And thinking that she might be angry... there's nothing scarier than SM being mad at him.

Fuck! I messed up!


CHAPTER 10

THE FEELING of disappointment was everywhere... every part of her body felt that word, like a piercing sharp knife cutting through her skin, embedding through her heart. Hindi siya makagalaw  sa sobrang gulat sa nalaman.

Disappointed and embarrassed. That's what SM feels. But oddly, she's not angry.

Alam niyang nagsisinungaling ito sa kaniya, hindi lang niya inaasahan na pati ang birthday nito sa resume ay parte ng kasinungalingan nito.

"SM, i'm sorry." Boses iyon ni Knight na pumukaw sa pag-iisip niya. "I'm so sorry... I didn't mean to lie. I was used to it— to lying— it's like my second skin and i'm so sorry... i'm so sorry..."

Kumawala siya sa yakap nito saka tumingin sa mga pagkaing inihanda niya bago tumingin sa tatlo. And she saw it, the sympathy on Cloud and Midnight's eyes. The guilt and shame on Knight's eyes.

"Don't look at me like that." Ngumiti siya, "it's okay. Kasalanan ko naman. Sana nagtanong ako para makasigurado." Ibinalik niya ulit ang tingin sa pagkain habang nakangiti pa rin. "Kumain nalang tayo. Sayang naman. Or do you want to take some home? You want cake? I can slice it for you—" her voice quiver, "oh, should I put some on... I mean should i—" pumiyok ang boses niya. 

"My Lady..." Cloud's voice was full of sympathy.

"Sorry... I didn't mean to be like this." Pinulot niya ang cake saka binigay iyon kay Knight, "here... I, ahm, y-you can do whatever you like with it." Nginitian niya ang binata kahit parang may pumipiga sa puso niya. "You three can eat the food as well." Mahina siyang tumawa, "s-sa kuwarto lang ako. Inaantok na ako e. Feel free to eat...and please lock the door when you leave."

Hindi na niya hinintay ang sagot ng tatlo. Naglakad siya palabas ng kusina hanggang sa natagpuan niya ang sariling tumatakbo patungo sa kuwarto niya.

Kung saan niya puwedeng itago ang pag-agos ng mga luha niya.

She doesn't want Knight to see her like this. She made her bed, then she'll lay on it.

The surprise party... "it was an epic fail." Bulong niya habang walang imik na pumapatak ang luha niya. "I s-should h-have a-ask..."

She never felt this embarrassed all her life. Standing there with a smile— preparing all those food and making Knight a cake— it was embarrassing because it wasn't even his birthday.

All her efforts...  failed.

Kumuyom ang kamao niya ng maramdamang parang may pumipiga sa puso niya at may yumuyurak sa dibdib niya.

To feel this kind of pain... because of one single person... it's terrifying.

Napasandal siya sa likod ng nakasarang pintuan ng kuwarto saka mahinang natawa habang nakatingala sa kisame.

I'm such a liar. Telling Knight that she might not like him like how much he likes her. It was a lie.

Dahil kung hindi niya ito ganun kagusto... bakit nasasaktan siya ng ganito?

Bumuga siya ng marahas na hininga habang tinatampal-tampal ang dibdib kung nasaan ang puso niya.

"Stop hurting and beating so fast at the same time." Pakiusap niya sa puso niya. "It's terrifying..."

"SM?"

She froze. That voice! Knight. He's outside the door while she's leaning on it, trying to calm herself.

"Don't be mad at me." His voice... he's begging. "I was raised and taught not to beg but... i'll beg on my knees if I have to... huwag ka lang magalit sakin. There's nothing scarier in this world than you being angry at me. Sweet Monday... please?"

Mariin niyang pinikit ang mga mata. "Hindi naman ako galit." Pilit niyang pinapakalma ang sarili para hindi manginig ang boses niya.

"Then come out and see me."

Kumuyom ang kamao niya. "P-puwede bang bukas na? Hindi ako galit pero... ayoko munang makita ka."

Natahimik ang binata sa labas. Akala niya umalis na ito pero nagsalita ito ulit.

"June 1." Anito. "That's my real birthday. "It's June 1. Do you hear me?"

"Yeah."

"I'm sorry, Sweet Monday. I'm really sorry."

"Me too." Balik niyang sabi saka pinikit ang mga mata.

Then there's silence. Hindi na nagsalita si Knight. Hindi na niya narinig ang boses nito.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sahig at naglakad patungo sa kama niya. Pabagsak siyang nahiga saka ipinikit ang mga mata.

I hope Cloud and Midnight enjoyed the food I made. Kahit hindi birthday ni Knight, sayang pa rin kung hindi ng mga ito nagustuhan ang luto niya.

She wanted to eat with them but... she couldn't look at Knight in the eyes. Baka masira lang niya ang gabi nilang lahat kung pipilitin niya ang sarili niya.

So she left...

Bumuntong-hininga siya saka tumihaya sa kama at napatitig sa kisame.

Minutes later, she heard Midnight's voice.

"SM?" Nasa labas ito ng pintuan ng kuwarto niya. "Okay lang ba na magdala kami ng pagkain sa bahay? Masarap ang luto mo, eh."

"Okay lang." Sagot niya. "Ingat sa pag-uwi."

"Good night, SM." Ani Midnight.

"Good night." Balik niyang sabi.

Wala siyang narinig na papalayong yabag pero mukhang wala na si Midnight sa labas ng kuwarto. Kaya naman pinikit niya ang mga mata.

Mukhang umuwi na ang tatlo.

SM blows a loud breath. "So much for a good night."

Pinilit niya ang sariling makatulog. She twisted and turn for more than an hour until finally, she fell asleep.

When she woke up, it was already morning. Pero hindi pa lumalabas ang bukas-liwayway kaya medyo madilim pa sa labas. At dahil hindi na siya makatulog, napagdesisyunan niyang bumaba sa kusina para mag-bake ng cake, pampalipas ng oras.

Pero pagkalabas niya ng kuwarto niya, hindi niya naihakbang ang paa ng makita si Knight na nakaupo sa sahig, naka sandal sa hamba ng pinto. Yakap nito ang nakabaluktot na paa at nakasubsob ang mukha sa tuhod nito.

Nanlaki ang mga mata niya.

Hindi ba ito umalis kasama nila Cloud? Nanatili ba ito rito magdamag?

Oh, God!

Lumuhod siya sa harapan nito para magpantay ang mukha nila saka hinawakan niya ang magkabilang braso nito. Akmang gigisingin niya ang binata ng gumalaw ito at nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Boss." He whispered, "umaga na ba? Kakausapin mo na ako kasi umaga na diba?"

Naisubsob niya ang nuo sa tuhod nito bago tumingin ulit dito. "Bakit hindi ka umuwi?"

Nagkibit-balikat ito. "Hindi rin naman ako mapapakali sa bahay. Hindi rin ako makakatulog. So why go home?"

"Sana tinawag mo ako."

"You don't want to see me so I, ahm, I waited until," tumingin ito sa labas ng bintana na nasa hallway, "morning."

She wasn't mad about last night, she was disappoint and embarrassed but seeing Knight like this... shit. "Are you feeling cold?"

"Kanina." Wika nito saka ngumiti sa kaniya, "it's okay. I'm fine."

Inilapat niya ang kamay sa pisngi nito at natigilan siya ng maramdamang malamig ang mukha nito.

Mabilis siyang kumuha ng comforter sa kuwarto niya saka ipinalibot iyon kay Knight bago ito hinawakan sa kamay at hinila patayo saka giniya patungong kusina.

Tinimplahan niya ito ng gatas para mainitan ang katawan nito. "Here. Drink it."

But Knight didn't make a move to drink the milk. He was just looking at her. "Galit ka pa ba sakin?"

Pinakatitigan niya ang mukha nito. He looks so stressed. There's dark circle under his eyes and he looks pale. Ilang araw na naman ba itong walang tulog?

"Inumin mo na ang gatas na yan—"

"I never felt this terrified." He said while staring at her, "nothing terrifies me more than you, being angry at me and not seeing me anymore."

Itinulak niya palapit dito ang gatas. "Inumin mo na to para mainitan ang katawan mo tapos matulog ka na."

"I can't sleep so easily, remember—"

"Sasamahan kita." Aniya. Hindi niya kayang pabayaang ganito si Knight. "Tatabihan kita para makatulog ka."

His face lit up, "talaga? Gagawin mo 'yon?"

Tumango siya. "Inumin mo na 'yan para makabalik na tayo sa kuwarto. Sige na."

SM felt like she's talking to a child. She can feel him hanging on to her every word.

Hinawakan niya ito sa pulsuhan ng matapos nitong inumin ang gatas at dinala ito sa kuwarto niya. Inayos niya ang higaan bago pinahiga doon ang binata.

Dahil hindi naman siya inaantok, naupo lang siya sa uluhan ng sofa.

"Matulog ka na." Sabi niya. "Kailangan mong magpahinga."

Knight stayed silent and awake. He was just looking at her, intently staring at her.

Ipinatong niya ang unan sa hita niya saka tinapik 'yon. "Come here. Sleep tight."

Kaagad namang ngumiti ang binata at umunan ito sa unan na nasa hita niya. At para tulungan itong makatulog ay sinuklay niya ang buhok nito hanggang sa marinig niya ang mahina nitong paghilik.

"Sweet dreams." Bulong niya sa binata saka isinandal ang likuran sa headboard ng kama. Wala siyang balak na gumalaw baka magising si Knight.

Mamaya na siya gagalaw kapag malalim na malalim na ang tulog nito. He has to rest and if that means not moving an inch, then so be it. Hindi niya kasi alam kung kailan na naman ito makakapagpahinga o makakatulog pagkatapos dito... kailangan niyang samantalahin ang pagkakataong ganito para makapagpahinga ito.



PABALIKWAS NA bumangon si Knight ng magising siya at wala na si SM sa tabi niya. Iniwan ba siya nito? Pumasok ba ito sa café? Mabilis niyang tiningnan ang orasang pambisig.

4:48 PM.

"What the fuck?!" He hissed.

He slept the whole day?!

Umalis siya sa kama at lumabas ng kuwarto. He was looking for SM when he heard a faint sound of someone singing from the kitchen.

Kaagad niyang tinungo ang kusina. Nakahinga siya ng maluwang ng makita roon si SM na nagluluto.

Malalaki ang hakbang na nilapitan niya ito saka mahigpit itong niyakap sa beywang mula sa likuran.

"I'm sorry." Kaagad niyang hingi ng tawad. "I'm so sorry. I'm so sorry. Sorry. Sorry."

Humarap ito sa kaniya saka kumurap-kurap. "What are you saying sorry for?"

Natigilan siya. "I lied, remember?"

"Yeah." Anito na tumango pa. "And I told you, it's okay. I mean, hindi okay ang magsinungaling pero alam ko namang mula umpisa na nagsisinungaling ka sakin sa ilang bagay tungkol sayo. Hindi ko lang inasahan na pati birthday sa resume mo ay hindi pala totoo."

Knight stared softly at SM. Why is she understanding him?

"Saka iisipin ko nalang na nagsinungaling ka sakin dahil hindi pa naman tayo malapit sa isa't-isa ng panahong 'yon." Ngumiti ito, "so stop saying sorry. Okay na 'yon. Inamin mo rin naman na nagsinungaling ka. Nakapag-isip na ako ng mabuti. Saka sinabi mo naman sakin kung kailan ang tunay mong birthday."

Niyakap ulit niya si SM sa beywang saka hinalikan ito sa nuo. "Again... i'm sorry." He buried his face on her shoulder, "I still have so many secrets... and all of them might hurt you. Natatakot akong malaman mo ang mga 'yon."

SM encircled her arms around his waist, hugging him. "Hindi ako magtatanong kung ano ang mga sekreto na 'yon. If you want to tell me— if you think I deserve to know... then tell me at your own pace and time. I'll wait. And if its too many, then one secret at a time. Susubukan kong intindihin ang mga sekreto mo."

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa dalaga. Gusto niyang panghawakan ang sinasabi nito pero natatakot siya. Paano kung tumakbo ito palayo sa kaniya?

Telling his secrets, baring his heart to someone ... it's like he's giving that someone the power to hurt him. And it's scary.

Hinagod ni SM ang likod niya. "Upo ka na dun. Kain ka na. Ininit ko 'yong niluto ko kagabi."

Napangiti siya at nakahinga ng maluwang. Thank God she's not mad anymore even after what happened.

Nakatingin siya kay SM habang pinaghahain siya nito ng pagkain habang nakaupo siya sa hapag-kainan. She looks delicate and soft while serving him. She a kind hearted person, nice and understanding.

Meeting a woman like her... it's like fate was giving him something to treasure after what he'd been through.

"My Sweet Monday..."

Nginitian siya ng dalaga, "hmm?"

"Thank you."

"Para saan?"

"Para sa palaging pag-intindi mo sakin." Hinawakan niya ang kamay nito saka dinala iyon sa mga labi niya at hinalikan ang palad nito habang matiim na nakatitig dito. "Sana hindi ka magsawa. I'm a very complicated man with so many skeletons in the closet. Please don't let go of me."

Natatawang ginulo ni SM ang buhok niya. "Di pa nga kita sinasagot e."

That made him chuckle. "Akala ko tayo na. Advance akong mag-isip, eh."

Naiiling na tumawa lang si SM saka kinunan siya ng tubig. "Kain ka na. You slept the whole day."

Tumango siya saka nag-umpisa nang kumain. Habang kumakain siya, may tumawag kay SM.

"Oh, Eli, napatawag ka." Nakangiting sabi nito, "stress ka na naman sa trabaho mo?" Tumawa ang dalaga kapagkuwan, "ginawa mo na naman akong stress absorber— yeah, yeah. Ngayon?" Tumingin sa kaniya si SM, "sorry, Eli, hindi ako puwede. May inaalagaan akong baby ngayon e."

Tiningnan niya ng masama si SM na ikinatawa lang nito.

"Bukas nalang. Mag staycation tayo, gusto mo? Libre mo, mayaman ka naman." Tumawa si SM. "Batukan mo ang boss mong batugan. Sige sige, ako na ang bahala. Daanan nalang kita riyan bukas sa condo mo. Oh? Nagpalit ka ng condo? Bakit? Umuwi si Tita at gusto kang makita?" Napailing ito. "Bakit pinagtataguan mo ang sarili mong ina? Yeah, I know. I get it. See you tomorrow. Bye. Don't stress yourself too much."

Nang matapos ang tawag, humarap ito sa kaniya. "Gusto mo ng cupcake? Gumawa ako ng red velvet."

He grinned. "Can I have a dozen?"

Napailing si SM. "Para ka talagang baby na ewan."

"Am i?" Pinagpatuloy niya ang pagkain. "I only get to be like this with you. And I only get to be crazy when i'm with my friends. Ibang tao ako kapag wala ako sa harapan niyo. Pretending is like my second nature, and sometimes, I don't even know who I am anymore. Am I the crazy me... or the serious me... or someone different all together?"

Tumungo si SM sa likod niya saka niyakap siya sa leeg mula sa likuran at hinalikan siya sa gilid ng nuo.

"The baby, the crazy, the serious you or the different you all together... You can be who you wanna be. I will always know it's you."

His heart pounded as warmth feeling spread through him. Is this what happiness of being accepted feels like? It feels good.

Knight looked at SM over his shoulder. Napakalapit ng mukha nito sa mukha niya dahil nakayakap pa rin ito sa kaniya. Naamoy niya ang mabango nitong hininga na tinutukso siyang ilapit ang labi niya sa labi ng dalaga.

He gulped as he looked at her slightly wet parted lips.

Kaagad na nabuhay ang parteng iyon ng katawan niya.

It's slowly hardening and erecting.

Humugot ng malalim na hininga si Knight saka ibinalik ang atensiyon sa kinakain niya.

Self-control... be strong. Don't be weak even when SM is a walking temptation.

Tumikhim siya. "So, ahm," iniba niya ang topic, "who's Eli?"

"Best friend ko mula high school." Sagot ni SM bago siya pinakawalan sa pagkakayakap. "Kaibigan ng mga magulang ko ang Mommy niya. Iniwan siya samin nuong College kami kasi kailangan magtrabaho ng Mommy niya sa ibang bansa kaya malapit kami sa isa't-isa. She's like my sister, actually. Kahit magkaiba kami ng ugali, magkasundo pa rin kami."

"So she's not nice as you?" He asked while eating.

Tumawa si SM. "She's only nice when she wants to but she's a good person. Maalaga siya sa mga taong importante sa kaniya. Matalino rin si Eli at maasahan."

Napangiti siya dahil puring-puri nito ang kaibigan nito. "Parang gusto ko siyang makilala."

Ngumisi sa kaniya si SM. "Huwag kang mag-alala, makikilala mo siya. Kapag kinuwento ko sa kaniya na may nanliligaw sakin, humanda ka nang ma-interrogate. Para 'yong si Mike Enriquez, hindi ka tatantanan."

Knight laughed. "I won't mind."

Nginitian lang siya ni SM at nagpatuloy ang kuwentuhan nila hanggang sa matapos siyang kumain. At habang kumakain siya ng dessert, nililigpit naman nito ang kinainan niya.

Masuyo siyang ngumiti habang pinakatitigan ang dalaga.

Gustong-gusto niya ang pagiging maalaga nito sa kaniya. Masarap sa pakiramdam na may nag-aalaga sa kaniya ng ganito.

It felt good. It's addictive.

After dessert, SM pulled him back to her room.

"Matulog ka ulit." Sabi nito sa kaniya habang inaayos ang kama. "Wala ako rito bukas at napapansin kong hindi ka nakakatulog kapag wala ako kaya bumawi ka ngayon ng tulog."

Knight smiled. He likes the feeling of SM doting on him. It momentarily made him forget all he'd been through and all that he had done.

Lumuhod siya sa kama saka nahiga. Pagkatapos ay pinagsiklop niya ang kamay nila ng dalaga bago ipinikit ang mga mata.

Knight sigh in contentment when he felt SM's hand combing his hair.

"Knight?"

"Hmm?" Nakapikit pa rin ang mga mata niya.

"Sabi mo may insomnia ka. Then that means you have some pills to help you sleep, right?"

Humigpit ang hawak niya sa kamay ng dalaga. "Yeah, but it has an over fatigue side effect on me. Though my condition is not a normal insomnia per se. Hindi ako makatulog kasi palagi akong nananaginip ng masama. Nightmares after nightmares. It's draining me."

"Kung ganun, bakit ka nakakatulog kapag kasama mo ako?" Tanong nito, "i'm pretty sure I don't have super powers to chase your nightmares away."

Natawa siya saka nagmulat ng mata para tingnan ang dalagang katabi. "Hindi ko rin alam. Maybe because we're meant to be?"

SM laughed. "You and your cheesy remarks."

Napangiti siya saka wala sa sariling napatitig sa mga labi nito at parang magnet na hindi nag-iisip na lumapat ang mga labi niya sa mga labi nito.

And SM didn't pushed him away.

She welcomed his lips and return his kisses.

His self-control was slipping away as his lips moves against SM's, french kissing. Her lips felt so soft— her tongue tastes so good, he's losing his mind and his hands are having a mind of its own.

Humahaplos pababa ang kamay niya, pababa sa maselang parte ng katawan ng dalaga na walang pagtutol sa ginagawa ng kamay niya.

SM let out a soft moan, fuelling the already burning desire inside him. 

He was raging hard, his lips are desiring to taste her more, his hands are craving to feel her skin and bathe or her scent but he clenched his fist and stopped.

It was so hard— his trembling fist was clenched so tight. Pero ayaw niyang isiping na iyong bagay lang na 'yon ang habol niya rito.

Knight buried his face on SM's neck. "Sorry." He murmured, "I went too far. You should have pushed me away."

Hinaplos nito ang buhok niya habang nakakubabaw siya rito at nakayakap. "Itutulak kita kapag hindi ko gusto ang ginagawa mo."

He stiffened. So she likes what i'm doing to her?

His sex throbbed.

Napalunok siya. "Don't tease me too much, Sweet Monday. It's not nice."

Mahina itong tumawa. "Sino bang palaging nag-uumpisa nito na nauuwi palagi sa ganitong posisyon?"

"Me."

"Then blame yourself."

Knight groaned. "Fuck..."

SM laughed. "Matulog ka nalang. Sige na. Baka saan na naman to mapunta."

But he didn't listen to her... he didn't even move a muscle. He likes this position very much.

Knight was trying to calm down but then he found himself kissing SM's neck like a hungry man and running the tip of his tongue on her skin like a thirsty animal. Habol niya ang sariling hininga habang pinaglalandas niya ang dila pababa sa dibdib nito habang kinagat-kagat ang balat nito.

"Knight..." daing nito sa pangalan niya habang napapasabunot sa buhok niya at bahagyang umaarko ang katawan.

What SM said earlier keeps ringing on his ear as he nipped her skin on the valley of her breast. Itutulak siya nito palayo kung ayaw nito sa ginagawa niya kaya malakas ang loob niya na pababain ang mga labi sa dibdib nito habang ang mga kamay ay humahaplos sa beywang nito, pababa sa pang-upo nito.

Fuck! I don't think I have the strength to stop this time.


ߑѰߑѰߑэ
Sorry, it took me so long to update Knight's story. I'd been really busy lately ߘŠbabawi nalang ako. ߘڠHappy Reading ❤️
ߑѰߑѰߑэ

CHAPTER 11

SM MIND was blank. No thoughts... just Knight. It's like her body has a mind of its own while responding to Knight's touch and kisses. It doesn't do what her mind says. Panay ang sigaw ng isip niya kanina na itulak si Knight palayo pero tinugon niya ang halik nito at tinanggap ang mga haplos at yakap nito.

That's when she realize that there was no point on going against her body that was responding aggressively to Knight's kisses and touch? Her body will just betray her if she pushed Knight away. She know that much.

Kaya nagpaubaya siya... nagpaubaya siya sa gusto ng katawan niya. Hinayaan niya matupok ng init ng katawan niya ang natitira pa niyang inhibisyon.

SM hissed when Knight suck the skin on her neck— leaving a mark for sure. Then he did it again and again and again.

"Knight..." pinagkrus niya ang mga braso sa harap ng leeg niya para pigilan ang binata, "ano bang ginagawa mo? Are you planning to cover my whole neck with kiss marks? Nakakahiya sa makakakita."

Knight kissed her chin, "I don't care. Everyone has to know that you have me." His kisses trailed to her jaw. "Only me, okay? Don't let any man do this to you. Just me... only me."

Natigilan siya, "that's possessive of you—"

"No. This is greed." Pagtatama nito habang hinahalikan ang tainga niya at pinaglalandas ang dulo ng dila sa gilid ng tainga niya. "I want you all to myself. Only me, Sweet Monday. Just me..."

Napatitig siya sa binata na desperadong nangungusap ang mga mata sa kaniya. "Knight..."

"Just me, Sweet Monday."

Napalunok siya bago tumango. "Okay... just you." Ito lang naman ang tanging lalaking komportable siyang kasama.

That put a smile on his lips, "good. Don't let any other man touch you or be close to you. Better yet, don't talk to any man other than me. Only look at me. Your eyes should only be mine. Your smile as well. No— all of you is mine, understand?"

Mahina siyang natawa saka biniro ito. "Tayo na ba para mag demand ka ng ganiyan?"

"Hindi pa pero sasagutin mo rin naman ako kaya ini-a-advance ko na." Wika nito saka iginiya ang mga hita niya na yumakap sa beywang nito.

Pakiramdam ni SM ay nanginig ang kalamnan niya dahil ramdam niya ang buhay na buhay nitong pagkalalaki na kumikiskis sa mga hita niya.

Good gracious! Is that his...

Napalunok siya at nagpaubaya ng halikan siya ulit ng binata sa mga labi.

"Mine." He whispered while kissing his lips down to her neck, "mine and nine," then his lips moved to her chest, "and mine..."

Napahawak si SM sa balikat ni Knight ng bumalik ang mga labi nito sa mga labi niya at siniil siya ng mapusok na halik. Napasabunot nalang siya sa buhok ng binata habang nag-i-espadahan ang dila nilang parehong nakalabas. Lumalaban siya ng sipsipan ng dila at kagatan ng labi.

Napuno ng mahihina niyang daing ang buong kuwarto niya ng bumaba sa leeg niya ang mga labi ni Knight, kumakagat doon at pinaglalandas ang dila sa balat niya.

SM can feel her body trembling, her breathing ragged and her body burning with desire.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi kasabay ng pagbilis ng paghinga niya ng bumaba sa dibdib niya ang mainit na labi ni Knight habang binubuksan nito ang butones ng suot niyang polo.

Parang nag-aapoy ang mga labi nito dahil pakiram niya ay napapaso ang balat niya sa bawat paghalik nito sa katawan niya.

Her body softly arched, panting, craving for more, aching, when his tongue started making circles around her bare nipple.

He already got rid of her bra.

Lust filled her face. His tongue feels warm... it feels good. God! She didn't even want him to stop.

When it comes to Knight Velasquez, she's weak. Mind and body... even her heart is weak for him.

Ito ang unang beses na hinayaan niya ang isang lalaki na gawin ang ginagawa ni Knight sa katawan niya.

She finds kissing and being intimate with anyone uncomfortable before. Kaya siguro walang nagtagal sa karelasyon niya. But with Knight... it doesn't feel uncomfortable or dirty. It actually feels good and she can't help but to make that erotic sound coming out from her parted lips.

"Ohh..."

Mabilis na tinakpan niya ang bibig para hindi na gumawa ng nakaka-eskandalong ingay pero inalis lang 'yon ni Knight.

"It's okay..." he whispered as he bit her lower lip, "moan for me. I like the sound you make..."

Napahawak siya sa buhok ng binata ng bumaba ang bibig nito sa dibdib niya at kinagat nito ang utong niya at bahagyang hinila iyon.

Malakas siyang napasinghap at napadaing habang mahigpit na nakahawak sa bedsheet.

"T-that h— h-hurts..." but feels good at the same time.

He bit her nipple again before sucking it and lapping it while his finger are rubbing and teasing her other nipple.

Wave and wave of Pleasure shoot through her belly at every lick of his tongue on her hard nipples.

Napapikit nalang siya ng mariin ng maramdamang bumabiyahe ang mga labi nito para halikan ang ibang parte ng pang-itaas niyang katawan na wala nang saplot.

Knight kissed her breast, licked her skin, kissed her neck, shoulders, arms, legs, and then back to lapping and sucking her chest again... down to her stomach and to her belly where pressure was building inside it.

Oh, God.

SM was panting with no inhibitions— not even when Knight slid his hand inside her sweatpants.

Alam ni SM na hahawakan nito ang pagkababae niya. The anticipation was killing her— no inhibitions talking —  she wants him to touch her and feel her there.

Kanina pa niya nararamdaman ang kakaibang kiliti at sensasyon sa pagkababae niya.

... then Knight's phone rang.

Knight groaned in irritation as he pulled his hand out from her sweatpants.

"Fuck..." inabot nito ang cellphone habang nakakubabaw pa rin sa kaniya saka sinagot nito ang tawag habang hinahalik-halikan ang mukha niya. "This better be important, Cloud—" he stilled as worry filled his face. "What?!" Knight hisser. "Are you okay— fuck! Stay right there! I'm coming to get you!"

Mabilis siya nitong hinalikan sa mga labi at kinumutan ang hubad niyang pang-itaas.

"I have to go. It's an emergency." There's urgency in his voice.

"Ayos lang ba si Cloud?" May pag-aalalang tanong niya kay Knight na papaaalis na ng kama.

"Don't worry about him." He sounded irritated. "I won't allow you to worry over someone that is not me. You're mine, remember?"

What's with him? Being possessive all of the sudden?

"Call you later, boss!" Wika nito na pumukaw sa pag-iisip niya.

Naiwang nakatigagal si SM sa kawalan kapagkuwan ay bumangon siya at napatingin sa walang saplot niyang pang-itaas dahil bumagsak ang kumot niya sa kama.

Bumaba ang mga mata niya sa dibdib niya. "I wonder why didn't I push him away..." bumuntong-hininga siya. "Ganun ko na siya kagusto? Is this even just a simple like?"

Bumuga siya ng marahas na hininga saka pinulot ang damit niya na hinubad ni Knight na nasa gilid ng kama saka isinuot ulit 'yon.

Wala sa sariling napahawak siya sa leeg niya ng maalala ang pagsipsip at pagkagat dun ni Knight.

Did he leave a mark?

Mabilis siyang umalis sa kama saka tumakbo patungo sa harap ng salamin para tingnan ang leeg niya.

Napaawang ang labi ni SM ng makita ang mapupulang marka na iniwan ni Knight sa leeg at dibdib niya. "Oh, shit..."

Not just one, not two, but a lot!

"Holy mother of..." mas lalong umawang ang mga labi niya habang tinitingnan ang sarili sa salamin.

Parang ayaw niyang bilangin kung ilan ang kiss mark na iniwan ni Knight sa leeg at dibdib niya.

That man... he was so possessive earlier when he keeps saying the word 'mine'. Being that possessive is not healthy and scary but with Knight... she actually felt safe.

Napailing siya. Nababaliw na ako. I like him too much.

Itinuloy niya ang pagbubutones ng polo niya saka napaupo sa gilid ng kama at napatitig sa kawalan habang bumabalik sa isip niya ang muntikan nang mangyari sa kanila.

Hindi niya ito tinulak palayo. Hinayaan niya lang itong gawin kung anong gusto nito? Is it because she likes him too much?

SM took a deep breath and sighed. "This is bad."

Pabagsak siyang nahiga sa kama saka napatitig sa kisame. Really bad.





"BAKIT PARANG wala ka sa sarili mo?" Tanong sa kaniya ni Eli habang sumisimsim sila ng wine at nakasalampak ng upo sa gilid ng swimming pool ng staycation house na nirentahan nito. "Kanina pa parang malayo ang tingin mo."

Hindi na bumalik si Knight sa bahay niya kagabi at hanggang ngayon na kasama niya ang matalik na kaibigan niya ay naguguluhan pa rin siya sa mga bagay-bagay na nangyari.

Bumuntong-hininga si SM. "May iniisip lang ako. Pasensiya na."

Eli sighed before facing her. "Let me hear it. I'm all ears."

Tumingin siya sa kaibigan bago huminga ng malalim at nag-umpisa nang magkuwento tungkol sa muntikan nang mangyari sa kanila ni Knight.

Ilang segundo ang lumipas matapos siyang magkuwento bago nagsalita si Eli. "So... in a nutshell, you are bothered by the fact that you didn't push him off?"

Tumango siya saka bumuga ng marahas na hininga. "Ganun ko ba siya kagusto?"

Eli gave her a deadpan look. "SM, you have high IQ and a stable EQ. You don't need me to tell you the reason why."

SM sighed. "Pero nakikilala ko palang siya."

Tinaasan siya ng kilay ni Eli, "gaga, love moves in mysterious way ika nga diba?"

"Does it?" Balik niyang tanong sa kaibigan saka bumuga ng hininga. "Eli, masyado pang maaga para sa emosyong 'yon."

"That certain emotion knows no time. Matamis na lunes." Inungusan siya ni Eli. "Matalino ka. You can figure it out yourself."

Humaba ang nguso niya. "Anong gagawin ko? Paano kong gawin niya ulit 'yon— no, i'm pretty sure he will do it again."

Bumuntong-hininga si Eli. "Don't make it complicated, Matamis na Lunes. Kung hindi mo siya kayang itulak, e di huwag. Nasa sa iyo naman ang desisyon, hindi sakin. Kahit anong advise pa ang sabihin ko, kung hindi mo siya kayang itulak palayo, wala ring mangyayari. If your body wants him, then be with him. Huwag mo nang pahirapan ang utak mo sa kakaisip nang gagawin dahil tiyak namang hindi makikinig 'yang katawan mo base na rin sa kuwento mo."

Natahimik siya saka humaba ang nguso. "It's really bothering me..."

"Just enjoy..." ani Eli sa mahinang boses habang hinahawi ang ilang hibla ng buhok niyang nakatabing sa nuo. "When was the last time you dated someone?" Bumakas ang lungkot sa mukha nito. "Dahil sa nangyari, naging mailap ka sa mga tao, lalo na sa mga lalaki. It's only been months since you started coming out from your house after what happened. And now that someone can make you feel comfortable again, don't you wanna grab the opportunity to feel that comfort?"

SM smiled when she remembered how comfortable she is with Knight.

Pinatulog niya ito sa bahay, pumayag siyang magtrabaho ito sa café, palagi siya nitong hinahatid sa bahay niya kapag gabi, pinagluto niya ito, ginawan ng cake, tinugon ang halik at yakap nito at hinayaan niya itong gawin sa katawan niya ang ginawa nito.

Wala siyang reklamo— hindi, wala siyang balak na magreklamo.

She likes the attention he was giving her... from the start, when he recognized her voice... that was the beginning.

And maybe she's greedy as well... for wanting that attention to be solely hers. For Knight to not stop liking her.

SM leaned down on the pool to play with the water before glancing at her friend. "Gusto mo ba siyang makilala, Eli?"

Eliza looks stunned. "Seryoso ka talaga sa kaniya? I mean... sobrang seryoso?"

Tumango siya. "Siya ang unang lalaking pinapasok ko sa bahay at buhay ko pagkatapos ng nangyari. That must've mean something right?"

"Right..."

"And I can't shake off this feeling of familiarity."

Doon nagsalubong ang kilay ni Eliza. "Kilala mo siya?"

Umiling siya. "Sigurado akong hindi ko siya kilala kaya nga hindi ko 'yon pinansin noon. I thought it was just a feeling. But now that I think about it, I trust him way too easily. It's like my instinct is telling me to let my guards down. Hindi 'yon normal."

Biglang tumawa si Eliza. "In other words, parang ginayuma ka niya."

Inirapan niya ito. "Baliw."

Panay ang tawa ni Eliza, "damn! I have to meet this guy. Na curious tuloy ako. Kailan mo siya ipapakilala sakin para ma interrogate ko?"

"Sasabihan nalang kita." Sagot niya saka sumimsim ng wine. "Anyways, kanina pa tayo nag-uusap tungkol sakin. How about you? Anong pinaggagagawa mo maliban sa trabaho mong stress ka palagi?"

"Well..." Eli drank her wine, "may nakita akong salot last week."

Napangiwi siya sa ginamit na salita ng kaibigan. "Salot?"

Tumango ito saka tumalim ang mga mata. "Kaibigan siya ng boss ko. May pinasuyo saking gawin."

"Ah... gusto mo siya?"

"Noon."

oykyWhere stories live. Discover now