Iiba na sana ako ng dadaanan ng hilain nila yung bag ko.
"Where are you going?" tanong noong leader na humigit sa bag ko, oyy baka masira pakibitawan naman.
Inikot nya ako para mag kaharap na kami. Umiling ako at pinakita yung phone ko sa kanila.
"What was that?" tanong noong nasa gilid. Tiningnan ko yung phone ko at binuksan, hindi ba nila yun alam?
"It is a phone, tatawagan ko lang si Christine" sumama yung tingin nila saakin kaya naman napa yuko ako. Tatawagan ko na sana ng kunin ng leader nila yung phone ko.
Nagulat naman ako, hindi ko na kinuha dahil alam kong pag papasa pasahan lang nila iyon at hindi ko rin makukuha dahil matatangkad sila. Teka ano bang grade nila.
"And why would you call her" tanong ng leader, nag isip naman ako at naalala ko kung bakit ko sya tatawagan.
"Ahh... kasi hindi ko sya mahanap dito sa school" sagot ko but alam ko na aabsent talaga sya, dahil nga sa kumpanya ng papa nya.
Inabut nya naman saakin yung phone ko at kinuha ko naman, nag ri ring na yung phone ko, kahit na alam ko ay tatawagan ko sya dahil nasa tabi ko parin yung limang lalaki.
Ng sagutin na ni Christine ay pinindot naman noong leader nila yung loudspeaker syaka ko sya nilingon.
*On the call*
"Hello Keisha" bati nya sa unang linya,
"Christine nasaan ka na ba huh?" sagot ko na kahit na alam ko kung nasaan sya, pero ayus na ito para sa limang lalaking gangster.
"Ay sorry Keisha... hindi ako papasok ngayun nandito ako sa office ni Daddy" nag aalalang sagot nya, tumango naman ako kahit na nasa phone lang kami nag uusap.
"Sege bye... importante pala yang ginagawa mo... tawagan mo ako mamaya huh?" sagot ko, tapos sumunod naman sya sa linya.
"Oo sege... ibaba mo na" sagot nya, binaba ko na nga yung tawag sunod tingin sa kanila.
Kinuha nya nanaman yung phone ko at umalis. Sisigawan ko sana dahil phone ko yun pero ok lang, papabili nalang ako ng bago.
Natapos na yung 4 na subject namin at pumunta na ako sa cafeteria para kumain. Nakita ko naman yung limang babae papunta saakin pero bigla silang Umatras.
May kumalabit sa likod ko kaya naman nilingon ko sila, tumatawa yung limang lalaki at Binigay saakin yung phone ko tapos tumabi na sila saakin sa pag kain.
"I got your phone number" sabi ng leader "Me too!" sagot pa noong isa.
Lahat pala sila ay kinuha yung number ko,
"Then? What would we do next?" sabay isip ng leader nila. Naka tingin yun sa kanyang pag kain, pinag titinginan kami ng mga studyante.
"Ano?" tanong ko kaya naman napa tingin sila saakin tapos tumawa nalang bigla, may dumi ba ako sa mukha.
"Tinatawanan nyo ba ako?" malambing kong tanong, tumango naman sila.
"Yes... your face looks funny" sabay tawanan nanaman nila, hindi naman ako natawa at kumain nanaman.
Bully ba ang tawag dito?
"Sino ba kayo?" mahinahong tanong ko sa kanila, tumigil naman sila sa pag tawa at tumingin saakin.
"Oww, how sweet. Do you not to know who we are?" sabay tawa nanaman nila. Ano bang problema ng mga ito, binubully nila ako mag isa MOMMY!
"Ahhh... oo ehh" nalilitong sagot ko, alam kong sila yung mga bully gangster pero ang tinutukoy ko mga pangalan nila.
BINABASA MO ANG
The Lovers
RomanceHi wattpaders. I'm just new here, and this is my first story. Please read my story and don't forget to vote and fallow me. Thanks.