Chapter 4

13 8 5
                                    


Ngayun lang nakaranas ng ganito ang lima. Nag taka rin sila ng tinulungan pa sila ni Keisha na tumayo at kunin yung mga gamit nila na nangalat sa ground.

Hindi naman sila napa principle sa ginawa nila. Yung Daddy kasi ni Rhaizen ang may ari ng school kaya hindi na sya prinapa principle.

Mag kaibigan talaga yung lima at wala silang pakialam sa mga buhay nila. Wala naman na kasing nangingialam sa buhay nila dahil puro trabaho ang magulang nila.

See! Wala silang kasama sa bahay kundi ang mga kaibigan lang nila. Bumili din sila ng condo at doon sila sama samang mag kaibigan.

Nasa bench lang mag hapon yung lima at nag lalaro lang ng roblox si Dean, si Heffer naman ay nag pho-phone, si Carl naman kumakain ng dragon balls na tig 2 isang piraso, si James ay naka tingin kay Rhaizen na nag lalaro ng ML.

(ML means: Mobile Legends)

Tumayo si James ng nakita nya si Keisha na may dalang malaking kahon. Nag sign si James na 'Pumarito ka'.

Lumapit naman si Keisha dala yung kahon at ngumiti. Binaba nya yung kahon sa lamesa at parang nag papahiwatig na binibigay nya sa lima yung kahon.

"Ano ito?" tanong ni Carl sabay bukas ng kahon. Nanlaki yung mata nya sabay kuha ng isa at kinain.

Ngumiti naman si Keisha dahil mukhang nasarapan yung lima.

"Obviously? It's a cupcake?" masungit na tuon ni Rhaizen. Kaya naman tumango yung apat.

So bakit Binigay ni Keisha yung kahon ng cupcake sa kanila? Lets find out!

--Keisha POV—

--Flasback—

Umalis na ako pag katapos ko silang tulungan at nag paalam na ako na aalis, kinuha ko yung mga gagamitin ko sa baking subject at pumunta na doon.

Pag ka punta ko doon ay nag tinginan sila saakin ng masama, hindi ko naman alam kung bakit pero nilapitan ako ni Sir.

"Ka close mo pala yung limang lalaking yun ahh..." sabay ngiti nya, umiling naman ako pero hindi sya naniwala. Kweninto nya pa kung paano ko lapitan kanina yung apat.

Pati yung nasa cafeteria, nakita daw lahat ng mga studyante dito sa compus ang nangyari kaya nga pala sila naka tingin saakin.

"Gawan mo sila ng makakain para hindi maging bad mood at mag hanap nanaman ng away sa gate..." sabay tapik saaking balikat ni Sir, dinamihan ko naman ng gawam dahil yung isang kahon I uuwi ko sa bahay.

Yung pangalawa naman ay kay Christine at yung pangatlo ay sa mga gangster na tinulungan ko kanina.

Halos ang laman ng isang box ay 35 pcs. Ede lahat ng gagawin ko ay 105 pcs. Ako yung huling natapos. Pinasundo ko sa driver ni Christine yung kahon at pinasabay ko na yung kila Mommy at Daddy.

Syempre ang ginawa ko ay110 pcs dahil tumikim ako ng lima. Masarap naman, kinakabahan lang ako kung ano ang magiging expression noong limang lalaking yun.

Dumaan ako sa locker ko para mag palit ng damit sa comfort room, pag ka tapos kong mag palit ng uniform ay lumabas na ako at nakita kong tumayo si James sa bench na kanina pa nandoon at tinawag yung pangalan ko.

"Kanina nyo lang ito binake?" tanong ni Carl habang kumakain, balita ko daw na matatakaw ang mga ito sa matatamis.

"Ahh oo ehh" sagot ko sabay tingin sa kanila na parang ngayun lang naka tikim noon, pero mas tinamisan ko kasi yung sa kanila baka magustuhan nila subra.

"Ano? Uuwi?" tanong ni Heffer sabay tingin saakin, umiling naman ako tapos nag salita.

"Ahh hindi ahh, sabi ko oo ehh" sabay tawa nanaman nila, Muntik na nga mabulunan si Carl kakatawa, buti nalang at binatukan ni Dean.

The LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon