PART 2

3 1 0
                                    


Hindi ko magawang kumain ng pagkaing binili ni anne , Parang tutulo ang luha ko . Napaka bading ko talaga . Hindi ko akalain na hiningi niyang pabor ay ang mag kunware kaming kami padin at hndi ko alam kung sinasadya niya ba to para lalo ako masaktan .

"hon?" tawag sakin ni anne , na nagpa gulat sakin . tumikhim ako at tumingin sa kanya ng may pagmamahal sa aking mga mata , ito na ang huling beses na tatawagin niya akong hon ,

"hmm?" sagot ko sa kanya ,

"may lighter ka diyan? Pahiram naman ako " sabay sabit niya ng kanyang braso sakin , naka ngiti siya habang tumitingin sakin ,

"eto, anong oras ba flight mo hon?"

"1:30 pm , gusto ko sanang pag hatid mo sakin wag mo na akong kontakin gusto kong mabigyan ng kompletong pamilya yung anak ko . Nagpapa salamat ako sayo sa lahat ng sakripisyo mo samin ni cassie . " Hindi ko nalang siya sinagot , alam ko namang sasabihin niya din to sakin , Pag dating naming sa airport ay binaba ko na ang kanyang maleta at dumiretso kami agad sa departure area .

"thankyou din anne , sayo ko naramdaman ang pagmamahal na hndi ko pa naranasan noon . Hindi na kita guguluhin pati si cassie dito . mag iingat ka sa canada" sabay yakap ko sa kanya ng napaka higpit . umiiyak siya sa balikat ko at parang ayaw ko na siyang bitiwan .

Calling all the passengers for the flight 156789

"Sige na anne , baka maiwan kapa ng eroplano mo " sabay ayos ko ng kanyang buhok at punas ng kanyang mga luha .

"Bye frank! , thankyou"

" I love you " I kissed her so deeply that I don't her to leave me



It's been a month since anne left , and I'm a mess , so damn mess . Hndi nako nagtatrabaho , Pinaalis nako sa kompanya at binenta ko na yung sasakyan ko para may pang bayad sa condo at pang bili ng alak . Hndi ko na alam kung paano pa ipagpatuloy yung buhay ko .

RING! RING!

Mama Calling...

"Hello ma?"

"Wala kana daw trabaho? Anong nangyayari sayong bata ka? Hindi kana pumupunta dito sa bahay , hindi kana bumibisita . anak pwede kabang pumunta dito? May sasabihin din kasi ako sayo ."

"pwede bang ngayon mo nalang sabihin ma? " tamad kong sagot tyaka tumungga ng alak ko. Wala akong gana sa lahat ayoko ko munang makipag halubilo sa mga tao . alam ko namang maaawa lang sila sakin .

"Aba tigilan mo ako frank ha! Pumunta ka ngayon " sabay patay niya ng tawag. Tumayo ako at dumiretso sa banyo , pag hindi ako pupunta sa bahay baka ako ang puntahan nila dito ayokong Makita nila kung gano ka miserable yung buhay ko ngayon.

Nakakasawa nang ganto nalang araw-araw yung buhay ko pero wala talaga akong gana sa lahat ng bagay , alam kong matatapos din to . Alam kong kakayanin ko din to .

"ma?" sigaw ko dito sa labas ng gate namin , wala yung isang sasakyan mukang wala nanaman yung gala kong kapatid

"aba buti naman at pumunta ka balak ko pa sanang magpahatid sa kapatid mo sa condo mo para hampasin ng kaldero , bilisan mong pumasok at may pag uusapan tayo" sabay bukas niya ng gate , dumiretso kami sa hapag mukang alam ni mama na wala pakong maayos na kinakain halos isang buwan

"ma asan si Jeffrey?" tanong ko kay mama habang nilalagyan niya yung pinggan ko ng pagkain ,

"Christmas party sa school nila kaya umalis pero babalik yun dito mamayang gabi , mukang wala kang dalang sasakyan . nasan sasakyan mo? Nakikita moba yang itsura mo jusko ang lalim ng mga mata mo , ang payat payat mo " sunod-sunod na tanong sakin ni mama , napaka ingay niya talaga

"binenta ko yung sasakyan ko ma-"

"Ano? Bat mo binenta?"

"Para may ipang bayad sa condo , ano ba yung sasabihin mo ma?" pag iiba ko ng usapan namin , alam ko namang alam ni mama na ayaw kong pag usapan yung tungkol samin ni anne at ayaw ko din naman pag usapan

"Gusto ko sanang umuwi ka muna ng negros anak , yung papa mo kailangan ka don"

"Ano nanaman pinag iinarte nun? Tyaka ayoko dun ma , babalik nadin ako sa trabaho ko pakikiusapan ko nalang yung supervisor ko na ibalik ako " Hindi kami close ng tatay kong lasingero , kahit kailan hndi maganda yung pakikitungo niya samin palaging lasing kaya palagi din sila nag aaway ni mama dati

"Ano kaba naman , wag kang mag salita ng ganyan. papa mo padin naman yun tyaka para naman maiba nadin yung environment mo at makalimutan mo nayang si anne " sabay hawak ni mama sa kamay ko na parang alam niyang papayag ako sa hiling niya

Pag kauwi ko sa condo ay nag linis ako hndi ko alam kung bakit naisipan kong mag linis , kinontak ko agad sila carlos para makibalita sa kanila , gusto kong lumabas ngayon kahit ngayon lang gusto kong sa bar kami iinom dahil uuwi nadin naman ako sa negros.

Beep!

From carlos:

Alright , see you at bgc pare



----

If you love mommy gorg, hit the like button hihi

Again , thank you so much for reading this. I really appreciate all of your efforts reading this.

what's on your mind? let's talk.

#supportlocal

I am yoursWhere stories live. Discover now