CHAPTER 7

147 10 0
                                    

Kailangan ko nang mamili sa kanilang dalawa.Si Tristan na dati kong minahal!o si Vinic na mahal kona ngayon.Alin man sa dalawa ang pipiliin ko ay alam kong may masasaktan pero kailangan naming tanggapin.

Kailangan konang makausap si Tristan!
Tumunog ang celfon ko.

Trisha calling....

"Can we talk?" bungad kaagad ng kausap ko sa kabilang linya.
Tumango ako na para bang nakikita nya yon bago ako pinatayan.Kinabahan ako bigla.

Sa isang mall sa quezon city ako pumunta doon daw kami magkikita.Isang restaurant ang paghihintayan namin kung sino man ang mauna.Nauna ako sa kanya kaya kailangan kong maghintay hindi maalis ang kaba ko mula pa ng tumawag sya parang alam kona ang pag-uusapan namin.

Kita ko ang isang magandang babae at sexy sa suot nyang black sexy off shoulder elastic short sleeve tube tops with denim skirt at mataas na heels.Model na model ang dating sa paglakad palang para ng rumarampa marami ang napapalingon sa mga nadadaanan nya at humahanga sa kanya.

Ngumiti ako agad ng makalapit sya."Trisha!"kahit kinabahan.

"Oh my dear friend!" nag-beso beso kami.

"Kumusta kana" tanong ko.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Din! Nanliligaw ba sayo si Vinic?" tumaas ang kilay nya.

Lumunok ako bago sumagot."Hindi sya nanliligaw"pinilit kong maging normal ang pagsisinungaling.

"Good!gumagawa narin ako ng paraan para mapalapit sa kanya.
Kumusta kayo ni kuya?pasinsya kana sa ginawa nya,mahal kalang talaga non kaya nya nagawa." sabi ni Trisha.
Parang may nagbago sa kanya.Parang hindi na sya ang Trisha na kaibigan ko dati.

"Oo naman Trish!" sabi ko.

Hindi ako makatulog ng gabing yon.Pabaling-baling na ako sa higaan ko pero diko parin makuha ang tulog ko.

"Señiorita nasa baba po si sir Vinic" sabi ni ng maid.

"Pakisabi manang busy ako!" sabi ko kahit ang totoo nakahiga parin ako.
Bumangon lang ako para kumain pagkatapos nagkulong na naman ako sa kwarto.
Ganun din ang pagbabalik ko sa dorm,nagpahatid ako sa driver namin hindi kona hinintay si Vinic na sya palagi ang gumagawa non.Nahihirapan narin akong iwasan sila kahit si Tristan.Hindi habang buhay ko sila maiiwasan pero hanggat kaya ko ay wala akong pakikiharapan sa kanila.

Sumama ako kay Solenn at Allyna na mamasyal sa mall.
Biglang huminto ang dalawa kong kasama sa paglalakad na may itinuturo sa akin.Nakita ko si Vinic at Trisha na nakahawak pa sa braso nya magkasama sila papasok sa isang restaurant.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig kasabay ang pagkislap ng mga mata ko na pinahid ko din agad para di makita ng mga kasama ko.

Dapat masaya ako para kay Trisha natupad na nya na mapalapit sa lalaking gusto nya.
Umalis kami sa lugar na yon at nagpasyang uuwi nalang batid ng dalawa ang nararamdaman ko.

Bakasyon kaya humiling ako kay dad at mom nasa probinsya mona ako mag-stay.Alam nila ang nangyayari sa buhay ko,wala naman akong inililihim supportive naman sila sa akin kaya pumayag sila,nakiusap na din ako na wag na nilang sabihin kong nasaan ako.

"Kung yan ang pasya mo pero sigurado kabang okay kalang?"
tanong ni mommy.Tinanguan kolang ito.

Si dad mismo ang naghatid sa'kin sa pampanga.

"Tawagan mo'ko pag may kailangan ka my princess." sabi ni dad.

Niyakap ko sya."Thank you dad!"

Tinawanan niya ako."Dalaga na talaga ang prinsessa ko umiibig na eh!"

"Dad naman eh". Ismid ko kay dad.

" Sigurado kang okay kalang dito?"tumango lang ako sa tanong nya.

Nakaalis na si dad pero marami syang bilin sa mga maids at bantay ko bago sya umalis.

"Huwag nyong pababayaan ang señiorita nyo!ibigay nyo ang lahat ng utos nya!maliwanag?"
Si dad  talaga!napapailing nalang ako.
Kung sya lang kasi ang masusunod ayaw niya na mag-isa lang ako dito buti nalang kasama ko si mom magpaliwanag.

Nagpahinga mona ako ng buong araw bukas kona lilibutin ang lugar at para sulit ang pahinga ko.No celfone kung kokontakin ako ni dad at mom sa landline nalang sila tatawag.

Maaga akong nagising.Ngayon ako lilibot sa lugar na ito.Isa ito sa pagmamay-ari ng magulang ko.

"Señiorita nakahanda na po ang inyong pampaligo"

Ngumiti ako."Maraming salamat Suzi pero hindi nyo na kailangan gawin yon OA lang si daddy."Kindat ko dito ngumiti naman ito sa akin.Ayoko ko kasi na kinaiilagan ako ng mga maids mas maganda kong comportable sila sakin yon ang turo ni mom hindi lang si dad.

"Ah señiorita kung may kailangan po kayo tawagin nyo nalang po ako sa baba."sabi pa nya bago umalis.

Nakasuot ako ng summer dress na hanggang may sakong.
Bago ako lumabas.
Nilakad ko ang papuntang tabing dagat na natatanaw ko mula sa bahay.Hindi pala madali akala ko malapit lang pero ayos lang nawiwili naman ako sa mga nadadaanan.
Malayo ang bahay na ito sa bayan pinakadulo na yata ito ng lugar at naisipang bilhin ni dad at pinatayuan ng malaling bahay.
Pinaka-bahay bakasyunan namin.Kaya ngayon ko lang ito napuntahan.Sulit naman it's nice place.Mas lalo ako humanga ng marating ko dagat parang inaakit ako para maligo.
Tama ang naging desisyon kong dito muna mamalagi iwas sa mga dapat iwasan.

Sa loob ng isang linggo na pamamalagi ko dito halos nalibot kona.Nagpapasama ako kay Suzi kapag medyo malayo ang pupuntahan ko at ngayon naman ay ang falls ang gusto kung mapuntahan.Sabi nila maganda daw doon at napakalinis ng tubig ngunit medyo paakyat ang lugar na lalakarin ko.Carry ko ito kasama ko ang tatlong kasama sa bahay,si Suzi,Liza,at madilyn.

" Kaya mo pa ba señiorita?"nag-aalalang tanong ni suzi.
Pawis na pawis na kami pero sabi nila malapit na kami.

"Oo naman!wag nyo ako alalahanin." sabi ko at sinabayan ko ng ngiti.

"Di bali po ilang hakbang nalang tayo" sabi ni madilyn.

"Siguro kung may kasama tayong mga barako hindi tayo mapapagod" sabi ni Liza.

"Bakit naman kilangan pa ng barako ha!Liza" tanong ni Suzi dito.

"Insperasyon!" seryosong sagot ni liza.

"Ano kaba Liza naririnig ni señiorita Din ang kalandian mo!Maka-insperasyon ka naman dyan." Si Suzi.

"Suzi napaka-bitter mo kaya wala kang lablype." naputol lang ang usapan nila ng makarating na kami.
Tama nga napakaganda dito.Sulit ang pawis na nilabas ng katawan ko mula sa pag-akyat namin.Kalahating oras din mula sa bahay bago makarating sa lugar na'to.

You're the only one My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon