CHAPTER 2

164 8 0
                                    

Ngunit tila bingi na ang lalaki dahil imbes na lumayo lalo lang syang lumalapit.Nakakatakot syang tingnan.Makikita sa mga mata nya ang galit.Dahan-dahan akong humakbang paatras hanggang lumapat sa malamig na pader ang aking likuran.

"Tristan,wag mong gawin ito kung talagang mahal mo'ko rerespetuhin mo'ko." sa kabila ng takot ay naglakas loob akong sabihin yon umaasang magbago ang isip nya.
Napatili ako ng bigla nya akong dinakma hindi na nya ako binigyan ng pagkakataong makawala.

"Huwag ka nang pumalag pa.Matagal na akong naglalaway sayo mahal!Sisiguraduhin kung mag-eenjoy ka sa gagawin natin hmm.." sabi niya.

"Tristan please !tama na!!Tristan!" pagmamakaawa ko.
"Tulong!!" sigaw ko kahit alam kung imposible na may makarinig sa akin.Nagkataon pa na wala ang mga dormmate ko.Humagulgol na ako.
"Tristan wag!!! Tulong!!!"ubod lakas kung sigaw pero wala..wala ng makakaligtas sa akin nawala na rin akong lakas punit-punit narin ang damit ko.Hanggang dito nalang ba ang lahat?makukuha ni Tristan ng ganun-ganun nalang ang pinakai-ingatan ko?oo maaring mahal ko  sya pero di pa pwede ngayon.
Si Tristan ba talaga ito?ang lalaking kinabaliwan ko noon?.

Natigilan ako ng tumigil si Tristan sa ibabaw ko.Kaya unti-unti kong minulat ang mga mata ko.Baka natauhan.
Nagulat ako ng masilayan ang mukha ni Vince Nicolo or Vinic inshort.Pero mas nanlaki ang mata ko ng makitang duguan na ang mukha ni Tristan.Dali dali akong bumangon at inawat si Vinic ng akmang uundayan nya ng suntok muli si Tristan.Gigil na gigil ito.

" Tama na!"awat ko.

"Tristan!"tawag ko sa kanya pero parang dina ito makagalaw.Ganun nya kabilis itong napuruhan.Sa tangkad at laki ng katawan ng Vinic na'to walang laban dito si Tristan.

" Oh my god Tristan!.. Dalhin natin sya sa ospital"sabi ko sa lalaki na kita ko parin ang galit sa mukha.
"Please!"

"Sa kabila ng ginawa sayo ng lalaking yan!" Tila kulog ang boses nya sa galit ng lalaki.Pero hindi pwedeng mamatay si Tristan.

"Please!kaylangan nyang magamot!" sabi ko.

Bumuntong-hininga sya at tinignan ako."Magbihis ka muna!"utos nya,doon ko naalala na halos hubad na ako dahil sa pagkapunit ng suot ko.
Tumalikod ang lalaki tsaka naman ako tumayo at kumuha ng maisusuot sa closet.

Siya narin ang nagbuhat kay Tristan.Ganun siya kalakas!

Kaagad koring tinawagan si mommy. At sya na ang bahala kay tita Angie at tita Nicole.

Di rin nagtagal at dumating ang tatlong mommies alalang-alala sila.

"Anong nangyari Dinarose!" kaagad na tanong ni mommy.

"Mommy" umiiyak ako na tila batang nagsusumbong.

Niyakap niya ako."sshh!!nandito na ako baby".para akong nakakuha ng kakampi nanginginig parin ang katawan ko sa nangyari kumalas sa akin si mom at tumingin sa gàwi ni Vinic na katabi na ni tita Nicole habang si tita Angie ay umiiyak ng makita ang sinapit ng anak na si Tristan.

Kinuwento ko sa kanila ang nangyari.
Gulat si tita Angie sa narinig,hindi makapaniwala sa ginawa ng anak.

"Sorry tita" nasabi ko nalang kay tita Angie.

"Ako dapat ang humingi ng sorry sa ginawa sayo ni Tristan iha" hindi makatingin ng diretso sa akin si tita.
"Wag kang mag-alala Nicole,hindi ako galit sa anak mo.Ipinagtanggol niya lang si Dinarose."kahit papaano nakahinga ako ng maluwag.Ayoko rin na magkalamat ang pagkakaibigan nila ng dahil sa akin.

" Ibig sabihin Dinarose may relasyon kayo ni Tristan?"nahihiya akong tumango kay mommy.

"Sorry mom kung naglihim ako"

"Sshh,okay na yon baby,ang importante walang masamang nangyari sayo..pero wag munang uuliting maglihim" sabi ni mommy.
Si Vinic naman ay napaka-seryoso lang sa gilid.Nahuhuli ko syang pasulyap-sulyap sa akin.

Humahangos na sunod-sunod ang datingan ng tatlong daddies.Bestfriends din ang tatlong ito.Nang makita ko si daddy ay kinabahan ako sigurado akong magagalit siya.

"Anong nangyari!"tanong agad ni tito carlo ng makita ang nakaratay na anak.

" Huminahon ka carlo!kasalanan din ng anak mo!"sabi ng asawa.

Si tita Angie na ang nagpaliwanag dito pati ang relasyon namin ni Tristan.Matalim akong tiningnan ni dad hindi ako makatingin sa kanya nahihiya ako sa mga nangyayari lalo na ako ang pinagmulan ng gulo.
Si tito Vincent ay tinabihan ang anak.Natatakot ako sa tensyong nagaganap sa tatlong lalaki.

Tatlong araw bago nakalabas si Tristan sa ospital.Mabuti nalang at walang nabasag na buto sa mukha bugbog lang talaga pero kailangan parin ng pahinga ni Tristan at tuloy parin ang pag-inom ng mga anti-biotics nya para mabilis maghilom ang mga sugat nito.

Akala ko ay ligtas na ako kay daddy.Pero akala kolang yon.

"Bakit dimo sinabi na may relasyon pala kayo ni Tristan!"

"Sorry dad!"habang nakayuko ako nahihiya ako sa kanya.

"Makipaghiwalay kana sa lalaking yan!"

"But dad!"umangat ako ng ulo.

"So balak mo pang ituloy ang relasyon nyo sa kabila ng ginawa sayo ng lalaking yon!"namumula si dad sa galit.

"Jerome!huminahon ka." saway ni mom sa kanya.

Umiiyak ako."Mahal ko sya dad!"

"Lintik na pagmamahal na yan!muntik kana nyang ma-rape Dinarose!hindi porket kaibigan ko ang tatay nya ay pwede na nyang gawin sayo yon!"

Tuluyan na akong umiyak nilapitan naman ako ni mom para yakapin.

"Tama na anak" iniwan kami ni dad ng ganong posisyon.

Makalipas ang ilang araw ay pumunta ng bahay ang parents ni Tristan.
Sila ang humihingi ng pasinsya sa ginawa ni Tristan.
Hayst ang gulo na hindi ako sanay ng ganito.Mabuti nalang nandyan si mommy na umalalay sa akin.

You're the only one My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon