CHAPTER 5

160 9 0
                                    

Maganda ang gising ko sa umagang ito kaya maaga akong bumangon bukod sa exam namin ay ganado akong kumilos.
Pakanta-kanta pa akong naliligo.
Nakapagbihis na ako at nagwisik ng kunting pabango.
Wala naman akong katagpo.Trip ko lang magpaganda ngayon kaya kahit hindi ako mahilig sa lipstick ay naglagay ako ng light lang naman.
Palabas na ako ng mapansin ko ang lalaki nakasandig sa kanyang magarang sasakyan at nakapaikis ang mga paa nakalagay sa bulsa ang isang kamay.Ang kisig nya sa suot na white long sleeve at maong pants.Gwapo talaga makalaglag panty.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng humakbang sya papalapit sa akin para salubungin ako.
Napalunok ako ng huminto sya sa harap ko nakatingin kami sa isat-isa.Ngumiti sya may inilabas sya mula sa likod isang rose na bulaklak!!Hihimatayin na ba ako?.

"Para sa isang pinakamagandang binibining nakilala ko!" Inabot nya sa akin ang bulaklak kinuha ko ito at inamoy ang bango niya.

"Thank you!" pero kumunot ang noo ko."Ang aga mo naman!anong ginagawa mo ng ganito kaaga?"

Ngumiti sya."Para dimo ako ma-miss."he said

Napangiwi ako sa sinabi niya.
"Hindi kita namiss no!" Ismid ko.

Tinawanan ako.
Wow!bago ito ah!end of the world na ba?mahal kaya ang tawa ng lalaking ito.
Lumabas tuloy ang magkabilang biloy nya.Tssk gwapo talaga!

"Halika na!ihahatid na kita"

I frowned."lapit lang ng skol ko.Nilalakad ko nga lang eh!"

"From now on!hatid sundo na kita" binuksan niya ang pintuan ng sasakyan na iginaya ako papasok sa loob.
"Mamaya susunduin kita!" Kindat nito.

Araw-araw na kaming magkasama ni Vinic unti-unti na akong nasasanay na palagi syang nasa tabi.Isa na ang sigurado ako ngayon mahal kona ang lalaking ito.
Bigla kong naalala si Trisha.
Gusto pala nya si Vinic.Ayokong masira ang pagkakaibigan namin.Hindi pwede.

Hindi ko inaasahan ang bisita ko ng gabing iyon.Kakaalis lang ni Vinic sa paghatid.

"Tristan!" Tila namamalik-mata ako sa nakikita.Sa loob ng tatlong buwan ngayon lang sya nagpakita.

"Dimo ba ako papapasukin Din?"nakangiting sabi nito kaya Napilitan akong luwagan ang bukas ng pinto.
Kahit papano namis ko rin siya.

Nakapag-usap kami ni Tristan.
Humingi sya ng tawad.

" Babawi ako sayo Din"sabi ni Tristan.
Pinakiramdaman ko ang sarili kung meron paba ako nararamdaman  para kay Tristan.Pero wala na akong makapa sa puso ko.Si Vinic na ang nandoon.Ganun lang kabilis nawala ang pagkagusto ko sa kanya sa ilang taon kung inalagaan.Ibig sabihin hindi ganun kalalim ang pagmamahal ko kay Tristan.Marahil ay isa lang yong paghanga na pwede ding mawala.

Hindi ko akalain na maaga pupunta si Tristan kinabukasan.At sa unang pagkakataon may dala syang bulaklak.Masaya naman akong tinanggap.Pero walang kilig akong naramdaman.

"Thank you" wika ko.

"Hihintayin na kita.Ihahatid kita sa skol."

"Ha? naku wag na Tristan,malapit lang naman."tanggi ko

" Sige na.Babawi ako sayo diba?"
dapat sana ay kiligin ako sa ginagawa nya.pero wala na eh.

Hinatid nga nya ako.Mabuti nalang nagkataon na wala si Vinic ngayon.May business trip sya sa tagaytay.

Pero ang diko inaasahan ay susunduin din nya ako at sya rin daw ang maghahatid ulit bukas.
What!hindi pwede paano si Vinic kapag dumating.
Pero hindi kaya dapat iwasan ko narin si Vinic.

"Ang aga-aga may away sa labas" sabi ni Solenn.

"Din!Din!"humahangos na tawag ni Allyna galing ito sa labas.

" oh bakit para kang hinahabol dyan anong nangyari sayo."si Solenn

"Dinarose!awatin mo ang dalawa sa labas at nagpapatayan kawawa si Tristan" hinihingal sya kaya hirap sa pagsasalita.

"Ano?" Bigla akong tumakbo palabas nakita ko si Vinic at Tristan ay parehong putok ang labi pero malala si Tristan,may mga pasa sa ibang mukha.

"Hayop ka,pagkatapos ng ginawa mo kay Dinarose may mukha kapang ihaharap dito." nanlilisik ang mga mata ni Vinic habang nagsasalita.

"Wala kang pakialam!at sino kaba sa buhay ni Dinarose at palagi kang nakikialam ha!ako parin ang boyfriend nya at ikaw anong papel mo dito."sigaw din ni Tristan.At ng muli ay magsusuntukan na naman umawat na ako.

" Tama na!ano ba kayo!"
nag-aalala na ako dahil nakatingin na ang mga ibang nandon.
May nakita akong may kumukuha ng Video.

"Hindi na kayo nahiya!dito pa talaga kayo gumawa ng gulo." sabi ko.Hindi ko kasi alam kung sino ang kakampihan kaya mas mabuti na lang na wala.

"Din!" tawag ni Vinic.

"Mahal!"si Tristan.

Nagsabay pa silang dalawa.
Tiningnan ko nalang ang dalawa bago ako tumalikod at iniwan sila doon bahala sila sa buhay nila.

Hindi nga ako nagkamali,inapload ng isang baklang studyante ang kinuha niyang Video.Pumutok kaagad ang balita sa tv. At pati mukha ko ay na-close-up.
Mabilis lang ang viral non dahil sikat si Vinic at involve sa away.

" Ano ba ang nangyari Dinarose!"si dad.Sinasabi kona nga."Nakipagbalikan kana ba kay Tristan?"hindi naman yon sigaw pero madiin.

"Hindi naman po kami nagbreak dad!" humawak sa panga nya si dad alam ko nagpipigil lang sya ng galit.

"Anong meron sa inyo ni Vinic?"
Mahina na ang boses nya.

"Wala pa dad!magkaibigan lang kami."sagot ko

Pero bakit tila nagulat si dad.
" Ano? Wala pa ba syang nasabi sayo?"medyo tumaas ang boses ni dad

"Ano naman po ang sasabihin nya dad" nagtataka ako kay dad.

Parang may nililihim si dad!ano naman ang pwedeng sabihin ni Vinic sa akin.
Maliban sa...hintayin ako sa tamang edad kahit maputi na ang buhok nya.Napangiti ako ng maisip yon.Pero baka hindi naman yon!.

"Kayong dalawa! Kakain na tayo.Masyado kayong seryoso dyan!" Tawag ni mommy.

Sabay kaming tumayo ni dad at pumunta sa dining.

"Bakit nag-away si Vinic at Tristan anak doon pa nangyari sa dorm nyo.Nanliligaw ba sayo si Vinic?" Huminto akong sumubo at tiningnan si mom nakatingin din silang dalawa sa akin.

"Wala naman syang sinasabi mom pero nagbibigay ng bulaklak.Sabi nya lang hihintayin ako hanggang sa tamang edad." Sabi ko na parang wala lang.

Tumango-tango si dad."Mas gusto ko pa para sayo ang anak ni Vincent kahit malaki ang agwat ng edad nya sayo Dinarose kaysa dyan kay Tristan,pagkatapos ng ginawa sayo nawalan na ako ng tiwala."sabi ni dad.
Pero hindi naman ako hadlang sa kaligayahan mo anak.Nasa sayo parin ang desisyon sana lang dika magkamali"natuwa ako sa sinabi ni dad swerte ko talaga sa kanila.Mas mahalaga parin sa kanila ang kaligayahan ko.

Tumayo ako at niyakap ko si dad sa may likuran."Thank you dad! I love you!"

Inangat niya ang kamay at hinaplos ang ulo ko."You're my princess Dinarose!"lumuha tuloy ako.Kahit si mommy ay natutuwa rin sa lambingan namin ni dad.

You're the only one My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon