One Shot
***
"Ched, start na ng online class mo!" sigaw ko mula sa kusina.
"Ito na, ito na!" nagmamadali niyang sabi.
Humahangos siyang umupo sa isang silya, kaharap ang computer. Ipinusod niya ang kaniyang mahaba at malagong buhok. Magiliw niya ring isinuot ang headphones at inayos ang webcam. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan siya.
Ilang buwan na kaming nagsasamang dalawa pero namamangha pa rin ako sa tuwing masisilayan ko siya mula umaga hanggang gabi.
Siya ang paborito kong tanawin.
Habang abala siya sa pag-attend ng kaniyang online class ay minabuti kong pag-igihin ang pagbe-bake ng cake.
May naipatayo na kaming dalawang pastry shop, doon kami kumukuha ng aming panggastos sa araw-araw. Sa una ay nakahiligan lang namin ang baking pero kalaunan ay napagdesisyunan namin na gawin itong negosyo.
"Break ka muna," inilapag ko sa ibabaw ng mesa ang cake na ginawa ko.
"Thank you, love!" sagot niya bagama't nanatili ang kaniyang atensyon sa screen ng computer.
Tumuhog siya sa cake at isinubo iyon. Nakangiti kong pinunasan ang gilid ng kaniyang labi. Ang kalat niya talagang kumain.
Tatlong taon na kaming magkasintahan ni Ched. Engineering ang kinukuha ko, samantalang siya ay Nursing. Parehas na kaming fourth year college students. Pabor ang mga magulang ko sa relasyon naming dalawa, gayundin naman ang nanay ni Ched pero magpasahanggang ngayon ay hindi maayos ang relasyon namin ng kaniyang tatay.
Kinakailangan ng dobleng tiyaga sa pag-aaral sa gitna ng krisis nitong pandemya. Ang mga kursong skill-based ay napakahirap matutunan sa pag-o-online class. Kung hindi ka mas lalong magsusumikap at magdodoble kayod, ikaw ang talo. Kaya naman nagtutulungan kaming dalawa para mairaos ang taon na 'to.
Mahirap pero dapat kayanin.
"Love, labas lang ako ah!" paalam ni Ched habang nagsusuot ng jacket.
Napatigil ako sa pagdo-drawing at kunoot noo siyang binalingan. Alas otso na ng gabi, kakatapos lang ng online class ko samantalang siya ay may isa pang klase.
"Saan ka pupunta? Gabi na ah."
"May bibilhin lang ako sa pharmacy. Kailangan ko kasi para sa next major ko."
"Ako na lang ang bibili. Dito ka na lang," akmang tatayo na'ko pero pinigilan niya ako.
"You're doing your plates. Deadline na n'yan tomorrow. Come on, ako na lang. Sa kabilang kanto lang naman ang pharmacy."
"Pero..."
"Mabilis lang, promise. Bye!" hinalikan niya ako pagkatapos ay kumaripas ng takbo.
Malakas akong napabuntong hininga. Wala talagang makakapigil sa mga bagay na gusto niyang gawin.
Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa kong plates dahil gaya nga ng sinabi ni Ched, kinabukasan na ang pasahan ng mga 'to.
May mga pagkakataon na gusto kong mainis sa mga prof dahil isang bagsakan nilang ibinibigay sa'min ang mga gawain. Ang tingin siguro nila sa'min ay robot.
Nasa kalagitnaan ako ng pagde-design ng isang condominium nang makatanggap ako ng tawag. Automatiko akong napangiti nang makita ang pangalan ni Ched.
"Come on, come home na," nagawa ko pang iipit sa pagitan ng aking tenga at balikat ang cellphone. "Bring me some ice cream."
"Hello, is this Mr. Phillip?"
Muli kong sinulyapan ang name ng caller para masigurado kung numero ba 'yon ng girlfriend ko.
BINABASA MO ANG
Castle in the Air (One Shot)
ContoWhen the person that gave you the best memories becomes a memory Republished: Started | Ended : September 18, 2020