Chapter 2 | Crying Mochi

66 10 0
                                    

Kayleigh's POV

I was shocked no'ng nalaman ko na siya 'yong sinasabi ni Ate Che na magiging tutor ko. Nahiya ako bigla no'ng nag-kita kami. He's the guy na nakasalubong ko kanina sa hallway. I thought he was a teacher, pero siya pala 'yong anak ni Sir Ilagan. Teacher namin si Sir Ilagan sa first subject. Kaya pala nando'n siya sa hallway kanina ay dahil nag-ikot siya sa building. Maybe he was bored.

After namin mag-kita at nakilala niya na ako, niyaya niya kaming kumain.

"Ate Che kumain na po ba kayo ni Ms. Leigh? Ililibre ko kayo ni Ms. Leigh bago po kayo umuwi." Matapos niyang sabihin 'yon ay nginitian niya kami.

"Sure ka ba diyan? Oh sige, libre mo ah?" Pabirong tanong ni Ate Che.

"Yes, sure po. Haha!" Natatawang tugon ni Sir.

Tahimik akong naglalakad habang masaya silang nag-kukuwentuhan ni Ate Che. Nang nakarating kami, pinapili niya kami kung saan kami pupwesto.

"Ahhmmm... Ate Che kayo na po ang pumili kung saan niyo po gusto ni Ms. Leigh umupo." Sabi ni Mr. Ilagan.

Pinapili ako ni Ate Che kung saan ko gustong maupo. "Leigh saan mo gustong pumwesto?"

"Doon nalang po tayo Ate Che para po hindi gaanong matao at mahangin."
Tugon ko sa tanong ni Ate Che.

Maya maya pa sa aming paghihintay, sa wakas nariyan na siya.

"Sorry sa paghihintay Ate Che and Ms. Leigh." Matapos niyang sabihin 'yon ay umupo siya sa tapat namin ni Ate Che.

"Ayos lang Mr. Alec hindi pa naman kami  totally na gutom ni Leigh."
Nahihiyang sagot ni Ate Che. Hindi rin nagtagal dumating na rin ang in-order niya. "Salamat ng marami kuya, kumpleto na po ba lahat?" Tanong niya sa naghatid sa'min ng pagkain.

"Yes sir nandyan na po lahat, wala na pong kulang." Tugon ni kuya. Hindi na namin pinatagal ang pagkain at nagsimula na kaming kumain.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin, puumasok sa isip ko,  'bakit walang nagsasalita? siguro gutom na talaga sila'
(0_0)

Maya maya pa ay isa isa kaming natapos sa pagkain kaya nag-ayos na kami ng gamit para umuwi. "Uuwi na po ba kayo ni Ms. Leigh, Ate Che?"

"Hindi ko alam kay Leigh, Mr. Alec. Bakit? may paguusapan pa ba kayo?"

"Meron Ate Che pero hindi naman po sobrang tagal." Pangiti niyang sinabi ng nakatingin sa'kin.

"Sige po ano po ba 'yong paguusapan natin sir?" Tanong ko.

"May mga schedule sana akong ibibigay para maging guide mo sa pagpasok mo." Tugon niya.

"Sige po ano po ba 'yong mga schedule sir."

"Okay. Anyways, ito yung magiging schedule Ms. Leigh at sana masunod mo then para hindi mo makaligtaan, i-take down notes mo na rin."

"Sige po sir." Tugon ko sa kan'ya.

"Ito 'yong magiging schedule mo Ms. Leigh, paki-take down notes nalang."

Kinuha ko 'yong notebook ko at ballpen sa bag para mai-sulat na lahat ng magiging schedule ko.

"Sir, ito na po ba lahat? Wala na po kayong idadagdag?" Pangiti kong tanong sa'kaniya.

'tinatamad akong magsulat, gusto ko ng umuwi. Pagod na 'ko.'
(-_-)

"Yes po, Ms. Leigh. Ipapaliwanag ko na rin sa'yo 'yan lahat."

Nang matapos sa pagpapaliwanag si Mr. Ilagan about sa schedule ay nag-usap muna kami.

Sweet EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon