Chapter 3 | Wrong Judgement

45 9 0
                                    


Kayleigh's POV

"Kayleigh! Gumising ka na! Tanghali na hindi ka pa rin bumabangon diyan! Hindi ka ba papasok?!"

Nagising ako sa sigaw ni mommy. Inaantok pa 'ko. Huhu.

Naglugaw muna 'ko ng ilang minuto bago tumayo at nag-unat. Humihikab pa 'ko dahil sa antok. Sa hindi malamang dahilan, napaka-antukin ko talaga. Hehi. (^_^)

Napatingin ako sa wall clock at halos magkandarapa na lakad-takbo ang ginawa ko nang makitang late nanaman ako.

"Hay nako. Ano ba naman 'yan Leigh, nagka-first warning ka na kahapon! Gusto mo ba talagang maging dalawa 'yong warning mo?! Aishhh!" Inis na inis kong kinakausap ang sarili ko habang naga-ayos ng sarili sa salamin.

Kanina'y nagdadalawang isip ako kung papasok pa ba 'ko. Ayo'ko naman hindi pumasok dahil sayang ang isang araw na marami akong mami-miss na lessons. Ayo'ko
din naman kasing magkaroon pa ulit ng isa pang warning. Dalawa na lang at mapapatawag na ang magulang ko. Hay, nako. (>_<)

"Mom, I'm leaving." Dali dali akong lumapit kay mommy at saka humalik sa'kaniya.

"Sige na, sa school ka na mananghalian. Mag-ingat ka sa pag-pasok at pag-uwi. Umuwi agad ha?"

"Yes mommy."

Pagdating ko sa school ay lakad takbo ang ginawa ko para baybayin ito hanggang sa makarating ako sa room.

Nakayuko akong kumatok sa pinto at dali dali akong naglakad papunta sa upuan ko ngunit bago pa man ako marating do'n ay nasapo ko ang ulo ko nang bumunggo ang ulo ko kung saan.

(O_O)

Nang itaas ko ang tingin ko para makita kung saan ako bumunggo ay laking gulat ko ng masama ang tingin sa'kin ni Sir Ilagan.

"S-sir?"

"Where did you learn that being rude Ms. Venreialle? Hindi ka ba naturuan ng good manners?"

"S-sorry p-po Sir."

"Hindi mo ba alam na may teacher na nagtuturo sa harapan? Wala ka manlang permission mula sa'kin na pinapa-pasok na kita sa klase ko, o kahit manlang 'sorry I'm late' wala kang sinabi. Dire-diretso ka lang papunta sa upuan mo na parang walang teacher na nagtuturo sa harapan." Kunot noong sabi ni Sir Ilagan.

"Go in front! Now!" Sigaw ni sir sa'kin  nang hindi pa ako pumupunta sa harapan.

Nakayuko pa rin ako na sinunod ang sinabi ng guro at pumunta sa harapan.

"Tumayo ka lang diyan sa buong klase ko. That is your punishment." Madiin niyang sinabi ang huling pangungusap bago niya 'ko tinalikuran at nagsimula na muling magturo.

Nang matapos siyang magturo ay nagpaalam na siya sa buong klase. Bago siya lumabas ng room ay binigyan niya muna 'ko ng matalim na titig na para bang nagpapahiwatig na iyon na dapat ang huling pagkakataon na male-late ako sa klase niya.

Nakatayo ako mula ng magturo siya at hanggang sa matapos. Nangalay ang parehong binti ko.  Hay, nako. Ang tanga ko kasi. Nawala sa isip ko kanina na may pasok pala 'ko.

(>_<)

"Hoy, babae. Late ka nanaman. Sa pagkakatanda ko, sabi mo sa'kin kahapon ay hindi ka na magpapa-late ngayon." Nakataas ang isang kilay na pagpapaalala sa'kin ni Gian sa sinabi ko kahapon.

Umupo muna 'ko sa seat ko bago siya sinagot. "Well, that's a big lie." Kibit balikat kong sagot sa'kaniya habang kinukuha ang notes ko sa bag.

"Parang tangang sagot 'yan. Duh." Maarteng pagkakasabi niya na inirapan pa 'ko.

"Why? Big lie naman talaga 'yon. Tignan mo kanina, na-late ako. HAHAHA" Tumawa ako ng walang dahilan.

Sweet EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon