Unedited
" HELLO PO MA'AM, SIR GOOD AFTERNOON PO!" masiglang bati ni CC sa magiging amo niya kung siya'y papalarin.
Nginitian lang siya ng babaeng malaanghel ang ganda, napatulala pa siya habang tinitignan ang babae. Napabaling siya sa lalaking katabi lang ng babae. Ang gwapo nito na may pagkacute dahil sa singkit nitong mga mata. Shit ang gwapo sigaw niya sa isip. Nagulat siya ng may tumikhim mula sa kanyang likuran kaya napalingon siya. Kilala niya ang lalaki na nasa likuran niya, ito ang may ari ng mga pharmacy sa buong probinsya nila at balita niya ay may branch narin ang parmasya nito sa maynila.
"Maupo ka na iha." tinuro nito ang upuan na nasa harapan nito. "Bakit hindi niyo siya pinapaupo kanina?" tanong nito sa dalawa na nakaupo sa kabilang mesa.
"Eh daddy, kinakabahan po akong mag-interview at bago lang po siya dumating." paliwanag ng babae sa ama nito.
Umupo siya sa harapan ng mesa ng magiging amo niya. Ang alam niya ay mababait ang mga ito dahil narin sa mga sinabi ng kapitbahay niya na naging katulong ng mga Cruz.
" Hi po sir, good morning po." masiglang bati niya sa medyo may edad na lalaki.
" Hello din sayo, si Yssabelle pala prinsesa namin." Pagpakilala nito sa magandang babae na medyo bata sa kanya ng tatlong taon. Ngumiti sa kanya ang babae at nag hi pa sa kanya.
" Hi, but I'm not a princess~"
" No she's our princess miss. btw I'm Jefferson ching and you are?" nakangiti ito sa kanya kaya mas lalo itong gumagwapo sa paningin niya dahil sa mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin.
Tinanggap niya ang kamay nito na nakalahad sa kanya. Binawi niya agad ang mga kamay ng makaramdam siya ng kuryente habang hawak niya kanina ang malambot nitong mga kamay.
" Okay iha, ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong ni Mr. Cruz sa kanya.
" I'm charlyn Candy Alejandro po sir." magalang na sagot niya.
" Wow! ang sweet naman ng name mo candy." komento ni Jefferson sa kanya.
" Shut up prince! kita mong iniinterview pa siya ni daddy e." mataray na sabi ni yssabelle dito.
"Tss, ang taray." bulong nito na siya lang ang nakakarinig, magkaharap kasi ang upuan nila.
" Charlyn, tinawagan kita dahil sabi ni maria sa amin ay mabait ka daw na bata at mapagkatiwalaan." tumango lang siya bilang tugon kay Mr. Cruz.
" Iha ang nakasulat sa bio-data mo ay gusto mong mag apply bilang katulong namin. "
"Upo sir."
"Pero nakakuha na kasi kami ng papalit kay Maria charlyn." bumagsak ang balikat niya sa sinabi nito. "Pero kung gusto mo talaga ng trabaho, pwede kitang kunin bilang tindera namin sa boteka, yun nga lang ay sa manila kita ipapadala." nagliwanag ang mukha niya sa narinig.
" Talaga po sir! pero sir wala po akong alam sa mga gamot at hindi ko din maiintindihan ang sulat ng nasa resita."
Highschool graduate lang kasi siya at hindi narin siya nakapasok sa kolehiyo dahil narin sa kahirapan. Mag-isa lang siyang itinaguyod ng kanyang ina, wala kasi ang kanyang ama sa tabi niya dahil may iba itong pamilya. Anak lang siya sa pagkakasala at balita niya ay may kapatid daw siya sa ama.
" Wag mo nang problemahin ang bagay na yan, sila Jeff at Yssabelle
muna ang magtrain sayo, pero kung gusto mo paaaralin karin namin habang nagtatrabaho ka sa amin. " Suhestyon nito.
BINABASA MO ANG
UNWANTED BRIDE
General FictionKung ikaw Lang din ang dahilan ng paghihirap ko sana hindi nalang kita pinakasalan."her Hindi kita mahal, pinakasalan lang kita kasi gusto kung gumanti sa ginawa ng kapatid mo sa akin". Him A/N Unedited po Ito at medyo matagal din po akong makapag...