Chapter 2

15 1 0
                                    

Unedited


MAS LALONG  naging close  pa silang tatlo sa nakalipas na taon. Sa katunayan nga ay bestfriend na ang tawag sa kanya ni yssabelle.  Pero masakit parin kapag na friend zone ka.  Hanggang doon lang  talaga ang kayang ibigay ni  Jefferson sa kanya. Magpasalamat  nalang siya na itinuturin parin  siyang kaibigan nito, kahit isa lang siyang empleyado ng mga  ito. Ang dami ngang naiinggit na kasamahan niya sa kanya, dahil  Isa daw siyang sipsip kaya naging kaibigan niya ang mga amo.

Naghahanda na  siya  papuntang  paaralan. May pasok  kasi siya ngayon, tapos na ang kanyang duty kanina sa pharmacy at ngayon ay  nagmamadali siya  para hindi malate sa kanyang first class.

Pagkatapos niyang ayusin ang sarili ay lumabas na siya at nag-aabang ng masasakyan papuntang paaralan.  Papara na sana siya ng Jeep ng may kotse na tumigil sa harapan niya.

"Candy, hatid na kita!" 

"Ay wag na Jeff, mag jeep nalang ako,"sagot niya  sa amo.

  "halika na kasi,  malapit lang naman sa hospital ang paaralan mo e," pangungulit nito sa kanya.

Kaya wala na siyang nagawa kundi sumabay sa crush niya.  Ang kulit pa nito habang nasa sasakyan sila. Will, makulit naman talaga  ang magpinsan, kapag mga kapamilya nito ang kasama. 

"We're here, matamis!" anunsyo ni Jeff sa kanya na nakangiti pa.

Hindi niya namalayan na dumating na sila dahil  nakatulog siya. Inayos muna niya ang kanyang buhok bago bumaba. Bubuksan na sana niya ang pinto ng sasakyan  ng magsalita na naman si Jeff.

"Matamis, sabay tayo ulit mamaya, kaya  kapag wala pa ako, puntahan mo nalang ako sa hospital okay, "sabi nito sa kanya.

Aayaw pa sana  siya pero nagpumilit talaga ito hanggang sa pumayag siya. 

"Okay sir!" Napasimangot ito dahil tinawag niya itong sir.

"Huwag mo nga akong tawaging sir, nakakahiya!"

Tinaasan niya ito ng kilay, " sir naman talaga kita, saka aalis na ako dahil baka ma late ako, bye," sabi niya sabay baba.


Pagpasok niya  ay nakita siya agad ng kaklase niyang nanliligaw sa kanya. Gwapo, mayaman at  habulin din ito ng mga babae sa school nila. 

"Hi, Charlyn   kumusta?" tanong nito   na lumalapit pa sa kanya.

Nginitian niya ito bago sumagot, " okay lang, mauna na ako sayo Diego."sagot niya at nagmadaling umalis. 

"Sabay na tayo cha, classmates naman tayo eh!" sabi nito na nakasunod parin sa kanya.


Pagkatapos ng kanilang klase ay sinabayan na naman siya ni Diego  palabas ng campus nila. Nagyaya ito sa kanya ng date  sa sunday. Pero sinabi lang niya dito na pag-isipan pa niya. Habang naglalakad siya ay  nakita na niya  ang bulto ni Jeff na nakatayo sa may sasakyan nito habang nakapamulsa. Nakasimangot ito na nakatingin sa kanila ni Diego.

"Sabay kana sa akin Cha." Yaya sa akin ni Diego.

" Ayy huwag na, may kasama kasi ako~" hindi niya natapos ang sasabihin niya  dahil bigla siyang  hinalikan ni Diego sa pisngi.

Nagulat siya sa paghalik nito sa kanya, pero mas nagulat siya  nang biglang sinuntok ito ni Jeff.

"Putsa, kang gago ka! Bakit mo ninakawan ng halik  si candy?"   galit na tanong nito sa manliligaw niya  na natumba dahil sa lakas  ng suntok nito.

"Gago, sino kaba huh!" tumayo  na din si diego at pinunasan ang  dugo sa  labi nito.

"Ako lang naman ang BOY FRIEND ng babaeng hinalikan mo!"  galit na sagot nito at hinila siya papasok sa kotse.







..........................

TULALA PARIN  si Candy  sa kanyang sasakyan habang nagmamneho siya. Kaya mas lalo siyang naiinis, sa sobrang inis ay itinigil niya ang sasakyan sa tabi ng kalsada. Tinignan niya ng masama ang dalaga, na nagtataka  kung bakit bigla siyang tumigil.

"M-may p-problema ba a-ang  s-sasakya~"

" Ikaw  CC  may problema ka ba, huwag mong sabihin na gusto mo rin ang halik ng gagong 'yon!"pasingal na sabi niya sa dalaga.

Natauhan naman si Charlyn dahil  sa sinabi ng kaharap.

" Ahm ano kasi Jeff, nabigla  lang ako kanina." Paliwanag niya.

"Nabigla  ba talaga o gusto mo talaga?" may pag-aakusang tanong niya.

"Ba't ka galit e sa nabigla lang naman ako sa ginawa mo at the same time  medyo malambot din ang labi ni Diego e!"

" Ayy puta, nagustuhan mo yun, eh nakaw lang yun!" galit na talaga siya dahil sa narinig mula sa dalaga. 

Hindi siya sinagot ni candy, nakayuko lang ito  na parang nahihiya pa. Kinuha niya ang alcohol  at cotton. Nilagyan niya ang cotton ng kunting alcohol  at nilapit niya sa pisngi na hinalikan kanina ng lalaki. 

"A-anong g-ginagawa mo?" gulat na tanong ni candy sa kanya.

"edi  pinunasan ang pisngi mo, may virus na  'yan dahil sa laway ng gagong  lalaking  iyon!"

Napanganga si  candy sa sinabi niya.  Pero wala siyang pakialam,  kailangan matanggal sa katawan ng kaibigan ang halik ng  lalaki kanina.

"Hayaan mo nalang kaya ang halik ni Diego Jeff, tutal naman  manliligaw ko naman  iyon." 

" So manliligaw mo iyon! Huwag mo siyang sagutin, dahil bastos siya. Hindi pa nga kayo  nanghahalik na siya, paano kung kayo na  edi baka virginity muna ang nakawin niya sayo!" namula ang pisngi nito sa sinabi niya.

"Ang bastos ng bibig mo, Jefferson!"singhal nito sa kanya at hinampas pa siya.

" Ouch ano ba, matamis masakit, totoo kaya ang sinabi ko." nakasimangot na sabi niya.

Napatingin siya sa labi ng dalaga, napakapula ng labi nito kahit walang lipstick na nilagay, napalunok siya ng laway dahil sa naisip.

"Sasagutin ko siya  kapag gusto ko!" singhal nito sa kanya.

Kaya naiinis na naman siya sa sinabi nito.  Nilapit niya ang kanyang mukha  sa mukha  nito at agad na hinalikan ito sa labi. Natigilan ang dalaga sa paghalik niya, pero  bumuka din ang bibig nito at hinayaan ang dila niya na  makapasok sa bibig nito.

Hinihingal  na tinapos niya ang kanilang halikan. Napa smirk siya dahil sa hitsura ng dalaga. Namumula kasi ang mukha nito.

"Matamis ka nga, kasing tamis ng pangalan mo ang labi mo." Pahayag niya at  pinaandar na ang sasakyan.


Nakatulala parin si Candy habang nakahawak ito sa labi. Kaya mas lalong napangiti si Jefferson. Hindi  na nga namalayan ng dalaga na dumating na sila sa tinitirahan nito, kung hindi pa siya tumikhim.

"Huwag ka ng sumama sa lalaking 'yun, at simula  bukas hatid sundo na kita candy!" Sabi niya sabay halik  sa dalaga.










Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNWANTED BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon