chapter 7

15 8 0
                                    

ATHENA POV

Hindi ko akalain na naaalala ako ni tyron akala ko limot niya na ko dahil Hindi naman niya ko pinapansin noon ni tignan ay hindi niya ginawa kaya pano nangyari yon, "Ang galing ng tadhana noh akala mo limot kana niya kaya Hindi mo sya nilapitan or kinausap man lang yon pala naaalala ka niya akala lang niya limot mo na sya" kasalukuyan kaming nandito ni ash sa bahay sinamahan niya ko dahil wala pa sila mommy.

"Hindi ko din alam kung alam ko lang sana sya ang una Kong nilapitan" sagot ko sakanya na nagiisip padin Kung anong isasagot ko sa tanong ni tyron kanina.

FLASHBACK

"Hindi ko akalaing naaalala mo ko" sabi niya na parang gulat talaga sya.
"Bat ko naman kakalimutan ang lalaking naging dahilan kung bat buo padin ako hanggang ngayon " sagot ko sakanya na napapa ngiti sa reaksyon niya.

"Matagal ko nang pinipigilan na lapitan ka nasanay na lang ako na pasulyap sulyap sayo noon kung alam ko lang sana isa na ko sa mga lalaking nanliligaw sayo sana sinabi mo sakin naunahan tuloy ako" sabi niya at tumitig sakin nagiwas naman ako ng tingin dahil alam Kong namumula ang muka ko.

"Ano ba sinasabi mo?" Sabi ko sakanya na naiilang, "Athena heavenly... pwede ba kitang ligawan?" Sabi niya na nakakatitig padin sakin jusko!!

PRESENT

Ayon ang nangyari gusto ko sya matagal na hays Napatigil ako sa pagiisip ng makarinig kami ng sigawan sa baba nagkatinginan kami at lumabas ng kwarto ng makadatingin kami sa hagdan narinig namin ang kabilang usapan.

"Ano bang problema mo?" Tanong ni mommy na mukang nagagalit na talaga, "Problema ko? Haa!!!"mukang galit na din si daddy 'what's happening?'

"Hindi kita maintindihan bigla ka na lang susugod sugod sa office na parang baliw Tas ganyan ka ano ba nangyayari sayo? Dapat ako ang galit dito dahil Hindi mo pa alam ang problema natin" sabi sakanya ni mommy biglang tumahimik si daddy, Maya Maya nagsalita din sya.

"Ang problema ko bat ka may kasamang lalaki sa isang romantic restaurant? Kayong dalawa lang alam ko namang may problema tayo pero wag naman ganito alam mo namang kahinaan kita Althea" sabi niya nang mahina at alam Kong umiiyak na si dad dahil katulad ko hirap sya magsalita pag umiiyak.

"Mahal na mahal kita pinag babayaran ko na ngayon ang kasalanang Hindi ko naman alam" dagdag pa niya napatingin ako Kay mommy dahil sya lang ang nakikita ko lumuluha sya at parang gusto nang sumigaw Maya Maya sumigaw na nga sya.

"Hindi kita niloko, business partner sya ng company at may kasama kami yung asawa niya gusto mo ng proof" Nagkalikot si mommy sa phone at Maya Maya hinarap niya Kay daddy yung phone nagulat naman si daddy at tumitig sakanya.

"At ang kasalanan mo....Hindi lang sya basta bastang kasalanan henry yung kasalanang yon ang sisira sa buong pagkatao natin" sabi niya na humahagolgol na, "Tungkol San toh?" Tanong ni dad na litong lito na.

"Tungkol Kay janna na best friend ng anak mo" sagot ni ma'am na pinipilit na lang magsalita, "what about her?" Sabi ni dad na nagiisip na, "She's your daughter hon" sagot ni mommy na kinalaki ng mata ni daddy at ikina guho ng mundo ko janna is my sister how?

"Anak mo sya nauna syang ipanganak kesa Kay Athena 1 year older sya sa anak mo" dagdag niya pa tama sya mas matanda si janna sakin ng isang taon, "Nung nakaraang buwan ko lang nalaman dahil nakapag usap kami ng mommy niya nakiusap sya na wag muna sabihin sayo at Kay janna lalo na Kay Athena dahil masasaktan sila" sabi ni mommy at napatingin sya sa pwesto namin nagulat sya at tumakbo papunta sa pwesto namin pero bago pa man sya mapunta sa pwesto namin bigla na sumakit ang ulo at puso ko napakapit ako Kay ash at tumingin sakanya kita ang pagaalala sa mata niya

"Anak ok ka lang" Hindi ko na sya maintindihan pa dahil unti unti nang nanlalabo ang mata ko at d ko na alam ang sunod na nangyari, basta ang alam ko lang kapatid ko ang matalik kong kaibigan noon.

HI EVERYONE HOPE YOU LIKE IT PLEASE  DONT FORGET TO VOTE GUYS!!

Can't Help Falling Inlove With You Where stories live. Discover now