PART XVIII

1.7K 82 24
                                    

WEDDING DAY..

Sarah's POV..

habang abala ako sa pag papasalamat sa mga bisita namin.. nakita ko yung limousine kung saan nakasakay ang asawa ko at mga in-law ko.. ng tumigil ang sasakyan ay binaba mg konti ni Tanch ang bintana para masilip ko sya.. ang ganda nya.. walang kasing ganda.. ang swerte ko sya ang mapapangasawa ko.. eto na yon.. eto na yung araw na hinhintay namin.. our first anniversarry as a couple turns to be our wedding anniversarry..

ako Si Sarah Garcia asawa ng nag iisang Tanchellie Lobete.. ang sarap sa pakiramdam sa wakas asawa ko na talaga si Tanch...

maya maya pa ay nakita ko na ang mga magulang nya.. lumapit ako para mag mano.. sa huling pag kakataon nag pasalamat ako sakanila dahil ibinigay nila sakin ang basbas nila para maging asawa ang anak nila..

Sarah: daddy, mommy salamat po dahil buong puso ninyong ibinigay sakin ang kamay ni Tanch.. Salamat po sa pag tanggap sakin bilang asawa ng anak nyo, salamat po dahil tanggap nyo ako kung sino man ako...

Mommy Tess: isa lang ang hihilingin ko sayo Sarah anak.. ingatan at paka mahalin mo ang anak ko.. sya ang reyna mo.. sya ang magiging ina ng mga anak mo.. respetuhin mo sana ang anak ko gaya ng pag respeto mo samin ng mommy mo..

Sarah: makakaasa po kayo mommy.. pwede po bang payakap po sa unang pag kakataon..

Mommy Tess: halika dito ikaw talagang bata ka.. wag kang iiyak mamaya ha..

Sarah: opo.. daddy thank you po..

Samuel: wala iyon anak basta aalagaan mo ang anak ko ha..

Sarah: promise po..

Tanch's POV

nasa sasakyan ako kasama ang magulang ko..
habang papalapit unti unti akong nakaramdam ng kaba.. eto na yung araw na ikakasal ko.. ikakasal na ko sa kaisa isang taong pinili ng puso ko makasama.. eto na yon magiging ganap na Mrs. Tanchellie Lobete-Garcia na ko..

pag dating sa venue bumaba muna saglit sila mommy at daddy para mag pasalamat sa mga bisita.. nakita ko si Sarah na nag mano sa mga magulang ko.. natuwa ako dahil sa ilang pag kakataon nakita ko kung gaano irespeto ni Sarah ang magulang ko.. maya maya pa ay pumasok muna ang mga magulang ni Sarah sa sasakyan kung nasan ako para kamustahin ako..

Stephano: ready ka na ba Tanchellie anak..? eto na yung araw na hinhintay nyo..

Tanch: kinakabahan ako dad.. parang gusto kong maiyak sa tuwa.. mom, dad salamat po ha dahil pinag katiwala nyo sakin si Sarah bilang asawa ko.. pangako po na aalagaan ko ang anak nyo at magiging apo nyo..

Lomi: anak si Sarah ang magiging haligi ng bahay nyo.. magawa mo sanang suportahan ang asawa mo sa mga desisyon na gagawin nya para sa pamilya nyo.. matutunan mo din sana na irespeto at unawain anu man ang maling magagawa nya.. ikaw ang ilaw ng tahanan.. obligasyon mo na tulungan ang asawa mo para sa mas magandang desisyon.. mag tatalo kayo anak pero ipangako mo na hinding hindi mo susukuan si Sarah.. ikaw ang asawa at ikaw ang ilaw ng tahanan kaya ikaw mas may kakayanan na itama ang asawa mo higit sa lahat..

Tanch: Lomi pinapaiyak mo naman ako ee..

Lomi: hindi anak wag kang umiyak.. gusto kong maging matatag ka para sa bagong buhay nyo ni Sarah bilang mag asawa.. ikaw ng bahala sa anak ko..

Tanch: opo.. salamat po..

Stephano: oh sya bago kayo mag iyakan lalabas na kami at mag sisimula na ang kasal..

unti unti ng nag ayos ng pila ang grupo nila James at Monica..

maayos na ang guest list.. mag lalakad na si Sarah papunta sa altar kasama ang magulang nya..

The Girl who stole my first kissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon