"Magkano ba?" Tanong ko. Wala akong pakialam kung maliit na halaga, ang utang ay utang."1.8 billion po Sir." Sagot ng sekretarya ko.
Maliit na halaga lang iyon para sa akin.Wala akong pakialam sa pera...
Pero...
Nagtiwala ako...
Ayokong napupunta sa wala ang tiwalang binigay ko."Status?" Tanong kong muli. Umiinit ang ulo ko. Napatingin na lang ako sa labas ng bintana ng kotse ko. Nakakainit ng ulo...
Masyado pang maaga para mainis."Malabong makabayad Sir" panimula ni Bien. Lalaki ang sekretarya ko dahil ayaw ko sa maarteng babae na hindi kayang gawin ang mga bagay na inuutos ko. "...lubog pa po sa utang sa bangko at mukang magsasarado na din ang kompanya nila any time soon at may kaso din po silang kinakaharap tungkol sa drug at smuggling"
" Ipapatay mo na lang kay Timmy" si Timmy ang pinakamahusay kong hitman . Madalas pinapahirapan nya muna ang mga pinapapatay ko at mas madalas ako ang tumatapos.
Buhay ang kapalit sa nasira kong tiwala.
Ang hirap sa mga nangungutang, wala naman palang pangbayad, todo pangako at puros yabang pa.
Kapag nasisira ang tiwala ko, nawawalan ako ng pakialam, sapat na sigurong naging mabait ako ng pautangin ko sila.
Handa akong pumatay...Wala akong awa?
Wala akong pakialam.
Maganda nga itong ginagawa ko para mabawasan ang aalalahanin ng gobyerno.Napatitig ako sa labas ng binta, kasalukuyan naming binabagtas ang daan pataas ng tulay. May sinasabi pa si Bien pero hindi ko na maintindihan. Nakatutok ang tingin ko sa babaeng naka tingin sa baba ng tulay.
Nagtama ang paningin...
Bumaba ang mata ko sa pulsuhan niya."Itigil mo" mahinahong sambit ko sa driver.
Lumabas ako ng sasakyan. Bago pa siya makatalon, hinuli ko sya sa aking bisig. Binaon nya ang kanyang muka sa aking dibdib.
Hinawakan ko ang buhok nya at sinuklay ito gamit ang daliri ko.
Ramdam ko pa ang unti-unting pagkabasa ng dibdib ko, marihil dahil sa luha nya.
Maya maya pa'y tumigil siya sa pag iyak. Naramdaman ko ang paghina ng tuhod niya.
Hinawakan ko siya at binuhat papasok sa aking sasakyan. Nawalan siya ng Malay.
Bakas ang pagkagulat sa muka ng mga tauhan ko ngunit ramdam ko din ang takot nila kaya hindi sila makapagtanong. Sino nga naman ang mag aakalang ang taong walang awang pumapatay ay magsasalba ng buhay...
-----------------------------------------------------------
❦︎
𝙿𝚊𝚗𝚝𝚘𝚙𝚑𝚊𝚐𝚘𝚞𝚜
YOU ARE READING
Flare Guns
Short StoryI told you I'd be down forever Loving you is danger, but it don't feel wrong It's old news, I should look for better Falling back to strangers, leave me hanging on...