Chapter 3.

19 4 1
                                    

School days ( part 2)

Gian Andrew Galvan's POV

Nandito kami ngayon sa library at ginagawa ang project na pinagawa samin ng adviser. It's our second to the last subject kaya last subject nalang mamaya ay dismissal na.

Our Dismissal time is 5:30 kaya 3:35 palang ngayon. Habang nasa bookshelves ako may nakita akong book na sci-fi. Basahin ko kaya to. Maganda to ah.

Naglakad-lakad pa ako habang nag hahanap ng magandang mababasa. May nakita akong book na teen-fiction balak ko sanang kunin yon ng sumagi sa isip ko yung lalaki na sumagip sakin. Bat di ako mapakali. Bumalik ako sa dinadaanan ko at pumunta sa ibang category.

Nakita ko ang mga kaibigan ko sa isang lamesa na tahimik na gumagawa ng kani-kanilang gawain. Si Keisha at Flourida naman ay nakikita kong naguusap.

Umupo na ako sa Computer table at binuksan ang computer. Napagisipan ko kasing isearch yung lalaki na sumagip sakin. Sa napagalaman ko sya yung lalaki na pinuntahan namin sa concert. Pero hindi ko maaakala na sya talaga yun. Pano bato?. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.

Searching...

Rising star in moa arena concert on August 23, 2020.

Result...

Bryan Shawn Sovistaloso
Rising star contacts: view more..

SOVISTALOSO? haaaaa?!! Pero bakit?
Magkapatid sila?!.

Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa nakikita,nang may boses na nagsalita sa likod ko upang panghinaan ako ng loob.

"Ano yang sine-search mo Andrew?" Napalingon ako sa pamilyar na boses.

Bigla ko pinindot ang esc. sa taas at naghanap ng ibang tabs para hindi mahalata kung ano ang ginagawa ko.

"Ah, eh" napakamot ako sa ulo.
"Wala may sine-search lang tungkol sa project." Palusot ko.

"Eh bakit may sovistaloso dyan?" Taas kilay nyang tanong.

"Maya na tayo mag-usap." Sabi ko sabay tayo sa inuupuan ko.

Eksaktong tumunog ang dismissal time para sa subject nato. Isa isa kaming umalis ng library at dumiretso sa last subject.

Imposibleng magkapatid sila. Iba ang ginagamit ni Xyra na Apelyido. Pero bakit?

Aira Flourida Trinouma's POV

Naglalakad kaming mag tropa papunta sa last subject namin. Pagkatapos nito ay dismissal na.

"sis, wag mo lang ipagkalat. Pati narin kay Gian. I have a big plan." Siguradong sabi ni Keisha.

I am her bestfriend, sister by soul and heart. But not by blood. We've been together since grade 1. Then grade 2 nakilala namin si Zaiko. Grade 3 is Walter. Magkababata sila ni Gian. Pero after nung graduation, umalis ng bansa si walter jade at doon nag highscool sa America. Grade 4 nakilala namin si Ian. And Grade 5 nakilala namin si Gian. Pinakilala sya samin ni walter. Kaya nung grade 6 doon namin nabuo ang Onshie Group.

Bakit Onshie? Malalaman nyo rin soon. Matagal ko nang gusto si Ian. Pero hindi ko lang masabi. Kahit alam kong mayroong namamagitan saming dalawa, hindi ko pinapahalata. Only Andrew and Keisha lang nakakaalam.

Nang makarating kami sa room namin ay nagsi-upuan na kaming lahat. Dumating narin ang last subject teacher namin at nagsimula na syang mag discuss.

Lovely Pearl ArtistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon