Chapter 8

10 2 0
                                    

                      Getting to know

Gian Andrew Galvan's POV

Nakadungaw ako sa malaking bintana ng aking kwarto habang pinapanood ang walang hangganang traffic.

Wala dito ngayon si mommy and daddy dahil may pinuntahan sila na business trip.

Kaya ako lang mag-isa dito habang sila ay nandon for 3 weeks.

Habang nakatanaw ako sa malaking bintana ng biglang tumunog ang aking tiyan na hudyat na ako ay gutom na.

Umalis ako papuntang salas para tignan kung may binilin ba si mommy na pera or pagkain man lang.

Tinignan ko ang ilalim ng lamesa pero wala akong makita.

Dumeretso ako sa kusina at may nakitang sulat kasama ang pera na nakatungtong sa ibabaw ng plato.

"Anak wala kaming binilin na pagkain or canned foods sa iyo ng daddy mo, ayan 3k kasya nayan for 3 weeks, bili kana rin ng groceries kasi mukhang bodega na bahay natin e. Loveyou anak!"

"Tss. Ang arte talaga ni mommy."

Chineck ko muna ang ref kung may laman paba pero tama nga si mommy. Walang pagkain. Tubig lang ang nakikita ko.

Tinignan ko ang orasan namin at saktong 6:45 palang kaya puwede pa kong mag-gogroceries.

Kinuha ko selpon ko at pinindot ang grab na app. Chineck ko kung anong avail na sasakyan para sa loc ko at saktong may naghihintay sa labas.

Lumabas na ako at dumeretso sa naka paradang grab na taxi. Sumakay ako at sinabi kung san ako pupunta.

Bumayad na'ako sa nasakyan kong grab na taxi at bumaba. Saktong 7:00 na kaya malamig ang hangin.

Nakaramdam ulit ako ng gutom kaya dumeretso na ako sa malapit na pagkainan.

Omorder na ako ng gusto kong kainin ng biglang may bumangga sakin dahilan para mapa upo ako sa sahig.

Napahawak ako sa balakang ko na masakit dahil sa nangyari.

"Galvan?!" Gulat na tanong niya.

Nagulat ako sa presensiya niya kaya hindi ko man lang nagawang gumalaw o tumayo.

"Okay kalang?" Tanong niya ulit.

Bobo ba'to? Eto na nga akong nakaupo at nakahawak sa balakang ko tapos tatanungin niya ako kung okay lang ako?!

"Ay hindi, okay lang, okay lang maupo dito habang tinatanong ako ng taong nakabangga sakin kung okay lang ako." Sarcasm na sagot ko.

Napangiwi siya sa naging sagot ko kaya pinilit kong tumayo kahit masakit ang katawan ko.

Tatayo na sana ako, pero napaupo ako ulit kasi biglang tumirik ang aking balakang.

Pa'ano nako tatayo neto?

Di niya ba ako tutulungan?

"Ano? Titignan mo lang ba ako? Hindi moko tutulungan?" Irap ko.

Bigla siyang kumilos at tinulungan akong tumayo at pinaupo sa bakanteng upuan.

"Miss! Isang tubig." Order niya sa waiter.

"Bakit ka naman kasi nakaharang sa daan?" Tanong niya habang nakahawak parin sa'akin.

"Bobo kaba? Nasa tamang lane ako ng mga customer tapos ikaw 'tong biglang sumulpot at binangga ako."
Sarkastiko ulit na sagot ko.

"Excuse me, first of all, hindi ako bobo. I graduated Bachelor of music in music technology. At kasalanan ko bang sa daan ka ng entrance dumaan?" Sagot niya na may ngisi sa mukha.

Lovely Pearl ArtistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon