Chapter 5

14 4 0
                                    

         forbidden Truth (Side story)

Domino Ian Ferrer's POV

Pumasok ako sa kuwarto ko at nakita ko ang picture naming dalawa ni Flourida.

Kinuha ko ito sa frame at inalala ang pagkampi ko sa kanya nung binubully pa siya.

Grade 4 pa kami nun na magkakilala kami dahil kay Rafael. Maganda naman talaga si Flourida kaya lang hindi pa siya marunong mag ayos nun. Kaya sya nabubully.

-FLashBack-

Napadaan ako sa isang classroom na walang tao. Natatakot ako sa mga eksenang ito pero lalake ako. Sabi ni dad wag daw akong matakot sa masasamang tao, o anumang bagay. Labanan ko daw to at saka manghingi ng tulong.

Habang papalapit ako sa isang classroom may naririnig akong umiiyak. Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang pagkadungis na mukha ni Flourida.

Nakasubsob ang ulo nya sa kanyang kamay habang naka patong ito sa kanyang mga tuhod.

"Hoy, anong nangyari sayo?" Tanong ko sa kanya. Umiiyak parin siya kaya nilapitan ko nalang at pinihit sa labas upang malinis ko ang kanyang mukha at uniform.

"Sabihin mo nga sakin Aira. Sino ang gumawa nito sayo?" Grabe naman makapag bully.

Pinaupo ko siya sa isang upuan at kinuha ko ang towel na nasa bulsa ko.
Binasa ko ito at sinimulang ipahid sa kanyang balat.

Huminahon na sya sa pag iyak kaya naman hinayaan ko nalang syang tumingin sa akin.

"Ba-kit ka nan-dito." Pilitang tanong nya dahil hindi sya makapg salita ng maayos.

"Hindi kita pinuntahan dito, nandun ka kaya sa isang abandonadong classroom. Akala ko nga black lady kana e. Maitim ka pa naman."

"Hi-nd-i A-k-o naki-ki pag bir-u-an say-o." Bawat salita nya ay napapasinghap sya. Alam mo talaga na kakagaling nya lang sa iyak.

"Eh sino nga ang gumawa sayo neto?" Hinahon na tanong ko.

"Yu-n-g m-m-me-an gir-ls."

"Ayusin mo nga pagsasalita mo, para kang kambing kung makapag usap e."

Huminga sya ng malalim hanggang sa matapos ako sa paglinis sa kanya, tsaka sya nagsalita ng maayos.

"Sinabi kasi nila na nagchecheat ako sa exam, tapos ang panget ko raw, hindi daw ako belong sa grupo ni zaiko at xyra at lalo na sayo dahil bawal raw mga panget." Nagsimula naman siyang umiyak kaya niyakap ko nalang sya para patahanin. Sinigurado ko na okay na siya bago ko siya pakawalan sa mga bisig ko.

Lovely Pearl ArtistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon