Sa dinami dami ng nag gigitara sa Pilipinas,sakanya lang ako nabighani.
Haha,ewan ko ba...
Sa paningin ko siya ang pinaka magaling mag gitara. At eto nanaman ako sumusulyap sa kabilang classroom pag nag gigitara siya.
Grabe,lalo siyang nagiging gwapo pag nag gigitara. Tapos narinig ko siyang nag strum. Ang pag kakaalam ko Kailan yung tinutugtog niya.
May special girl na siguro ito.
Haaaayy... paano na ako Jaycee Perez. Makikilala mo pa kaya ako.
-___-
"May-anne ano tinitingnan mo?"
Nagulat naman ako biglang may nag salita. Si Kia lang pala, ka close ko dito sa room.
"Huh?? Wala naman. Nag mamasid lang Kia." sagot ko.
"Weh?" tapos tumingin siya sa tinitingnan ko at nagulat siya.
"Si Jaycee ba yung sinusulyapan mo?!"
"Wag ka nga maingay Kia. Baka mamaya marinig ka eh."
"Sus, pegebeg nga naman. Hahaha" tawa siya ng tawa.
"Bakit ka tumatawa??"
"Wala naman. Masaya lang ako para sayo at kay Jaycee. Congrats.Haha"
"Huh? Anong congrats?"
"Wala,wala. Teka puntahan mo kaya siya."
"Ayoko,hindi naman niya ako kilala eh. Tsaka baka may girlfriend na siya."
"Ano ka ba wala pa siyang girlfriend noh... haha. Bahala ka nga diyan May-anne."
Tapos nag lakad siya papunta sa classroom nila jaycee...
JAYCEE??????!!!!!! >///<
Tapos nakita ko silang nag uusap. Teka mag kakilala ba sila?