Basta ang alam ko... <3.2> finale

6 1 0
                                    

After ng kanta...

Nag palakpakan ang mga tao. At ako gusto ko na umalis dito. Kelangan ko pa mag move on sakanya kahit di naman niya ko kilala.

"Kimmy alis na ko."

"Oi, di ka pwde umalis."

"May love one na siya. Mag momove pa ko. Sige bye." Paalis na ko sa pwesto ng biglang may nag salita sa stage.

"Hoy. Hindi ka pwedeng umalis."

Kilala ko ang boses na yon ah. Alam kong ako yung tinutukoy niya. Kasi ako lang naman ang nakatayo at paalis. Kaya lumingon ako.

Nakita ko siya na nakatitig din sakin. As in nag kakatitigan kami.

"Wag ka muna umalis... May-anne." Lumaki yung mata ko. Kilala niya ko??

"May-anne alam ko hindi mo ko kilala. Ako nga pala si Jaycee."

Tinignan ko si Kimmy, nasa tabi ko na pala siya at naka ngiti. Binigyan din niya ako ng mic.

Ano gagawin ko dito. Kelangan ko talaga mag reply sa mga sasabihin ni Jaycee.

"A-ahh... K-kilala kita... Jaycee." Ano ba yan nauutal utal ako. Huminga ako ng malalim... Sige mag tatapat na ko.

"Jaycee Pascual! Oo kilala kita. Sakatunayan matagal na kitang kilala. Ang galing mo kasi mag gitara, ayan tuloy nabibihag mo ang mga babae. Naniniwala kasi ako sa kasabihan na naka inlove ang mga taong nag gigitara. Kung hindi mo maintindihan, may gusto ako sayo. Ayan alam mo na. Pero ngayon kelangan ko munang mag move on kahit hindi tayo kasi may gusto ka na palang iba...

napapaluha na ako...

Alam ko naman hindi tayo gaanong mag kakilala tsak..." di ako natapos sa pag sasalita.

"hahaahahahaahaha." Tumawa siya??? At bumaba sa stage.

Ano problema niya??!Nag dadrama na nga ako eh.

"May-anne." lumapit siya sakin at nag katitigan nanaman kami.

"J-Jaycee alam mo dap..." Hindi ko nanaman natapos ang pag sasalita ko. Tinakpan ng hintuturong daliri niya ang bibig ko.

"May-anne may gusto ako sayo. Ayan nasabi ko na. Yung kantang yon ay para sayo."

"Pero hindi pa natin kilala ang isa't-isa. Wala pa akong alam tungkol sa buhay mo. Tapos wala ka din alam sa buhay ko."

"Edi dadaan tayo sa stage na friendship tapos mag papakilala tayo sa isa't-isa. Kahit wala pa akong alam tungkol sayo...


Basta ang alam ko...


Inaadmire kita,

crush kita at

mahal kita May-anne Santos."

---

YEY!!!!

Salamat po sa pag uunawa ng storyang Basta ang alam ko...

kahit parang magulo :P

hohoho... \^0^/

sana po mag vote and mag comment kayo. Para malaman ko po kung may mga dapat akong iimprove sa mga stories ko. ^_^

Thankyou :D

Godbless everyone. ^^

Basta ang alam ko...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon