NANGINGINIG ang mga kamay na inabot ni Sofie ang duplicate key ng apartmet niya at kaagad na umalis upang ipaalam sa kaibigan ang nakakakilabot na nadanas niya. Alam niyang dis-oras na ng gabi pero dahil sa takot niya na balikan siya ng sinuman ay nagpasya siyang tumuloy kay Valerie. Agad niyang narating ang kalye at kaagad na pumara ng sasakyan at saktong may taxi na nakaparada sa tabi ng kalye at kaagad siyang nilapitan nito.
“Manong, do-doblehen ko po ang pamasahe ko, pakihatid lamang po ako sa Alunan Street,” pakiusap niya matapos makasakay sa taxi.
Tinapunan lamang siya nang tinging mata ng driver bagay na ikina-kunot-noo niya. Natandaan niya ito dahil sa ito ang taxi na sinakyan niya kanina lamang umaga. Madali lamang niya na matandaan ang itsura ng driver dahil sa suot nito na lumang bonet at simpleng jacket na isang maong na kupas, mabalbas ito at tyansa niyang nasa Mid of 40's na ito.
“Dis-oras na ng gabi hija, maraming mga masama ang loob sa daan kaya doble ingat ka,” biglang sabi ng lalaki bagay na ikinatitig niya rito.
“Sa-salamat po, manong,” tanging tugon niya dahil sa kaniyang nakapang hiya sa katawan. Napagkamalan niya kasi na hindi mapagkakatiwalaan ang lalaki lalo at sila lamang dalawa.
“Sa edad mong iyan, dapat hinigpitan ka ng iyong mga magulang. Lalo at ngayon, kalat sa bayan ang panggagahasa sa mga minor de edad. Mga walang awa talaga ang gumagawa niyon, hindi ba?” dinig niyang sabi nito bagay na ikinatahimik niya.
“Totoo po iyon, manong. Nakakalungkot nga lang po, wa-wala na kasi akong mga magulang. Pe-pero salamat sa concern niyo,” sagot niya na may ngiti sa labi at kahit bumakas ang kirot sa kaniyang mga mata nang maalala ang mga namayapang mga magulang.
Nasawi sa isang malagim na trahedya ang kanyang mga magulang kasama ang kapatid na babae. Alaalang ayaw na niyang balikan pa.
Doon natahimik ang lalaki, sinusuri na lamang siya nito mula sa front mirror. Mabilis niyang pinahiran ang nagbabadyang luha saka tumipid na ngumiti dito.
KALAUNAN ay tila may bikig sa lalamunan ng estranghero kung kaya kaagad niyang nilagok ang alak na isinalin sa kanyang kopeta matapos niyang kumuha sa nakatambak at naka-arrange na inumin sa basement niya. Matapos inumin iyon ay iisa-isa niya ng tinanggal ang ginamit sa mukha.
His fake face of being old.
His fake voice,
maging ang ginamit niyang bigote at balbas. Sinunod naman niya ang kanyang maka-lumang suot na damit at naghubad pagkatapos.
Tumambad ang mala-adonis niyang katawan pati na rin ang kanyang mga maseselang braso at kamay. May-iilang maliliit na balahibo sa kanyang dibdib na tila kumikinang iyon matapos tamaan ng ilaw.
He fiercely clenched his jaw and punched the punching bag.
How has he been so careless saying those damn words that can really hurt her feelings?
Dahil sa galit niya sa kanyang sarili ay binuhos nito ang lakas sa pagsusuntok sa punching bag hanggang sa unti-unti iyong napunit at naputol. Hingal na niyuko niya ang kanyang ulo at hinayaan ang pagtagatak ng kanyang pawis sa mukha niya at topless na katawan.
He madly closed his eyes before heaved a sigh.
Hanggang sa natigil siya sandali at bahagyang nilingon ang taong kakapasok lamang at tumayo ito hindi kalayuan mula sa kaniya habang naka-yuko ang ulo nito.
“The taxi owner wants to talk to you, Sire. Nagwawala na siya sa labas dahil sa pagnanakaw mo daw sa sasakyan niya,” sumbong ng lalaking nakayuko pa rin ang ulo.
BINABASA MO ANG
Darkest Desire 1: KRUNOS
VampireNamuhay mag-isa si Sofie Banquerigo. Isang magandang dilag, subalit sa taglay niyang kagandahan ay may isang estranghero ang siyang mapangahas. Stealing her things, making a call with her in a rare voice. And worst of all, that stranger is a damn p...