Chapter 5

1.1K 27 3
                                    

TUTOK na tutok sa harapan ng kaniyang computer monitor si Sofie at ginawa ang pag-research tungkol sa mga bampira kung totoo nga ba ang mga ito. 

Mula sa paghahanap, napunta siya sa isang website kung saan nakita niya ang anonymous account na magbibigay ng impormasyon tungkol sa hinahanap niya. 

Bahagya siyang huminga nang malalim at sinimulang tumipa. Bigla niyang naikagat ang kuko nang sunod-sunod na lumabas ang article tungkol sa mga bampira. 

Binasa niya ang nakasulat na DRACU's DIARY. Isang article na naglalaman ng impormasyon sa dalawang uri ng bampira.  At iyon ang Day Walker at Night Walker. Dalawang uri ng bampira na may iba't ibang paniniwala. Isang kumakain ng laman, umiinom ng dugo ng tao, at isang namuhay ng normal tulad ng mga tao. 

Natutop niya ang kaniyang sariling bibig mula sa natuklasan saka pinatay niya rin pagkatapos ang computer nang makuha na niya ang gusto niyang malaman.

Nakaramdam siya ng sobrang antok kaya nagpasya na siyang tumayo para humiga sa kanyang higaan ngunit, natigil ang gagawin niya nang paglingon niya ay mahagip ng kaniyang mga mata ang lalaking nakangisi ng kampante habang nakahiga ito sa higaan niya. Nakasandal ang ulo nito sa headboard ng kama niya.

Kinilabutan siya nang ngisihan siya ng lalaki.

Tinatangay ng malamig na hangin ang puting kurtina mula sa bintana at nasisinagan ng liwanag ng buwan ang mukha ng lalaki matapos niya itong pagmasdan.

“Done searching?” Baritonong boses nitong tanong.

Nanginginig ang kamay niyng iniabot patalikod ang mechanical pen pero nalaglag iyon kaya nasundan ito ng lalaki. 

Napasinghap siya nang isang iglap lamang ay nasa harapan na niya ang lalaki at halos tutunawin na siya sa mga titig nito.

Inipon niya ang lakas ng loob para tanungin ito.

“Pa-paano ka nakapasok? Bakit mo ba ako laging sinusundan!” nauutal niyang naitanong na halos mapugto ang kaniyang hininga dahil, sa takot.

Kakaiba ang kilos ng lalaking nasa harapan niya, nakakatakot ito kahit normal ang anyo. Subalit, naghahatid ito sa kaniya ng kakaibang pakiramdam.

“God, baka sipsipin na niya ang dugo ko,” naiiyak naiusal niya sa isipan.

Napadta siyang bigla nang inilapit ng lalaki ang labi nito sa kaniyang leeg at ngumisi na naman nang nakakakilabot na ngiti.

He loves to play with her.

Pakiramdam ni Sofie, anumang oras ay babawiin siya ng kaniyang hininga dahil, sa ginagawa ng lalaking ito sa kanya.

“Don't always leave your window's open, Sofie. I just want to check you, that’s why I'm here!” He whispered.

Ramdam ni Sofie, ang lamig ng boses nito. Tumatak iyon sa isipan niya kaya naging doble ang naging takot at kaba niya sa kaharap. Umuwang ang kaniyang bibig ngunit, walang lumalabas na salita mula roon.

“You already found the answer, don't you?” mahina ngunit seryosong tanong nito sa kaniya.

Napatingala tuloy siya dahil, may katangkaran ito at hanggang balikat lamang siya.

“Na isa kang bampira,” naisambit niya.

Natawa nang pagak ang lalaki. Kumibot ang labi nito at muling ngumisi.

“Obviously, Sofie. Are you afraid of me then?” Nakangising tanong nito.

Sandaling natigilan si Sofie at napalunok. Kinapa sa sarili ang takot ngunit, wala siyang takot na nadarama sa sandaling iyon.

Darkest Desire 1: KRUNOS  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon